Kabanata 22

1.8K 55 10
                                    

Kabanata 22.

Tinignan ko si Aira.

Abala siya sa pagsabi sa waiter ng order namin. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya ngayon at hindi katulad ni Bella at Jane mukha naman siyang okay.

Maganda siya at bagay na bagay ang suot niyang puting blouse na pinartneran niya ng black square pants. Agaw pansin ang brand ng suot niyang damit.

Hindi pa naman din masyadong malaki ang tiyan niya pero mahahalata mo na ito.

Pagkatapos sabihin ni Aira ang order namin sa waiter ay tumingin na siya sa akin. Matamis na ngiti ang binigay niya sa akin na siyang sinukluan ko rin ng ngiti.

"First of all I want to say thank you to you, Kanari. Kung hindi dahil sa'yo baka patay na ako ngayon at ang baby namin. Malaking utang na loob ko sa'yo ang buhay ko ngayon." Hinawakan niya ang kamay ko.

Napangiti ako at marahang tumango bilang pag sang-ayon sa sinabi niya.

"Wala iyon, Aira. Masaya ako dahil natulungan kita at ang baby mo. Hindi mo kailangan magkaroon ng utang sa'kin" Ngumiti ako.

Totoong hindi ko gusto isipin niya na may utang na loob siya sa'kin. Gusto ko mabuhay siya ng masaya at wala iniisip na utang na kinakailangan niyang bayaran.

"Siya nga pala kumusta, okay ka na ba. Naka recover kana sa nangyari?" Tanong ko.

Tumango si Aira.

"Napakabait mo talaga, Kanari."

Binitawan niya ang kamay ko at tumuwid ng upo.

"I'm fine, I've recovered from what happened, I won't even file a case against Xantheus."

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit hindi siya nag file ng kaso kay Xantheus? Anong dahilan?

"Pwede bang malaman kung bakit?"

Sana mali ang iniisip ko tungkol sa kaniya at sa iniisip niya kung bakit hindi niya kinasuhan si Xantheus. Umayos siya ng upo at humawak sa tiyan niya.

"Dahil ayoko ng dumagdag sa mga kasong kakaharapin niya. Kanari, will you believe me if I say that I like the man who raped me and kidnapped me. Maniniwala ka ba?"

Nanlaki ang maliit kong mga mata sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Hindi makapaniwalang nakatingin lang ako kay Aira na ngayon ay nakangiti habang hinihintay ang sagot ko. Tama nga hinala ko. Gusto niya si Xantheus.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Nagpanggap ako na hindi makuha ang punto niya.

Naudlot ang pagsagot niya nang dumating ang waiter dala dala ang pagkain na inorder namin. Nilapag isa isa ng waiter ang pagkain sa mesa ako naman ay tumingin sa labas para tignan ang mga dumaan tao.

"Enjoy your meal ma'am." Sabi ng waiter pagkatapos ay umalis na.

Muli akong Tumingin kay Aira inayos niya ang table napkin na nasa table at nilagay ito sa hita niya. Ganon din ang ginawa ko, nilagay ko ang puting tela sa hita ko.

"Let's eat first."

Tumango ako bilang sagot. Mahinhin na sumubo si Aira sa pagkain niya. Panay naman ang sulyap ko sa kaniya, iniisip kung tama ba ang hinala ko na gusto niya nga si Xantheus.

Pero kung tama nga ang hinala ko. Paanong nangyari iyon? Ang ibig kong sabihin ay pinahirapan siya ni Xantheus katulad kay Bella at Jane. Kaya paanong nahulog ang loob niya kay Xantheus.

"Aira." Tinawag ko na siya dahil ayoko ng patagalin pa ito.

Tumingin siya sakin kasabay ng paglapag niya ng kutsara at tinidor na hawak sa mesa. Kinuha niya ang tubig sa gilid saka ito ininom. Huminga ako ng malalim, nag iipon ng lakas ng loob.

No Escape Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum