Kabanata 17

1.9K 54 5
                                    

Kabanata 17.

"Kanari." Hinawakan ni james ang balikat ko. "Anong nangyari, Kanari? Bakit umiiyak ka?" Nag aalalang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Ilang beses pa akong lumingon para hanapin si Xantheus pero hindi ko siya nakita maski ang bata ay hindi ko na rin makita.

Napabuntong hininga ako.

"Kanari, ano bang nangyayari sa'yo?"

Hinarap ulit ako ni James nang subukan kong tumingin ulit sa likod. Hawak hawak niya ang pisngi ko ng dalawang niyang kamay.

Nailang ako sa ginawa niyang 'yon, doon palang ako natauhan kaya mabilis akong lumayo sa kaniya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?"

Umiiyak na umiling ako kasabay ng pag tanggal ko ng kamay sa mukha ko. Bahagya along lumayo.

"Wala, ayos lang ako. Wala. tara na!"

Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad. Sinulyapan ko ang ng hawak kong flashdrive na ibinigay ng bata sa akin kanina.

Ano kaya ang laman nito?

Agad naman na sumunod sa'kin si James. Napatingin ako kaniya nang subukan niyang hawakan ang kamay ko. Nakatingin lang siya sa daan. Nahihiyang lumayo ako sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

Tinignan niya ang kamay ko pagkatapos ay umangat ng tingin sa akin.

"Ano bang nangyari sa'yo kanina? Bigla - bigla ka nalang umiiyak." Tanong ni James. Hindi niya parin ako nilulubayan.

Umiling ako. "Wala naman. May naalala lang ako." Peke akong ngumiti.

Ramdam ko parin ang pagka ilang sa pagitan naming dalawa.

"Ganon ba. Huwag mo namana ako pag aalahanin." Tumawa si James.

Tumango nalang ako bilang sagot. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa gate. Wala na sila Mich, Jeremy at Grace sa labas kung saan dapat kami magkikita.

"Nasaan sila?" Tumingin ako kay James.

"Nasa parking lot sila. Doon na tayo." Sagot ni James at nauna ng naglakad sa akin.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa parking lot. Huminto si James sa tapat ng isang kulay dark blue na kotse.

"Pasok na, Kan."

Binuksan niya ang pinto ng kotse sa likod. Tumango ako bilang sagot pagkatapos ay pumasok na.

"Umiyak ka, Kan?" Tanong agar ni Mich nang maka upo ako.

Tinignan naman ako ni Grace.

"Ha?" Yumuko ako, hindi ako makasagot.

"Oo umiyak siya." Si James na ang sumagot.

"Bakit?" Tanong ni Grace.

Tumingin ako sa harap nakatingin din pala si Jeremy at James sa akin. Inaabangan ang sagot ko.

"Wala naman. May naalala lang ako." Tipid kong sagot.

Tumango silang dalawa at hindi na nag tanong pa ulit. Nagsimula ng umandar ang sasakyan. Panay ang asaran ni Jeremy at Mich nakikisali na din si Grace at si James.

Sinandal ko ang ulo sa salamin ng sasakyan pagkatapos ay pumikit. Ayokong tanungin nila ako kaya mas mabuting mag panggap na natutulog nalang.

Nagising lang ako ng huminto ang sasakyan tanda na nandito na kami. Pinagbuksan ako ng pinto ni James pagkatapos ay inalalayan akong lumabas.

No Escape Where stories live. Discover now