Kabanata 15

2.2K 70 9
                                    

Kabanata 15.

Mabilis kumalat ang balita na nakabalik na ako, kinabukasan ay may dumating agad na mga pulis sa bahay.

"Ma'am pwede ba namin siyang makuhanan ng impormasyon tungkol sa nangyari sa kaniya?"

Tinignan ko ang mga pulis na nasa sala. Nandito sila para tangungin ako at kuhanan ako ng impormasyon tungkol kay Xantheus.

Nilingon ako ni nanay at muling tumingin sa mga ito.

"Sandali lang ho. Tatanungin ko muna siya kung papayag ba siya. Kung nakikita niyo naman ho kababalik lang ng anak ko at na-trauma pa ho siya."

Tumango ang pulis na kausap niya saka ito tumingin sa akin. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay binalik ang tingin kay nanay.

Huminga ako ng malalim at sinara ang pinto. Bakit ba sila nandito agad. Paano nila nalaman na naka uwi na ako?

Umupo ako sa kama at humarap sa malaking bintana. Kitang kita mo mula sa labas ang mga batang naglalaro at mga binatilyong nakatambay sa tapat ng tindahan kaharap ng bahay namin.

Hanggang ngayon pala isipan parin sa'kin kung paano niya nalaman na dito ako nakatira. Paanong hindi ako nagising. At paanong walang nakakita sa kaniya nang pumasok siya dito.

Huminga ako ng malalim.

"Kanari."

Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Si nanay, pumasok siya at muli itong sinara.

"Gusto kang makausap ng mga pulis anak, ayos lang ba ku..."

Pinutol ko ang sasabihin ni nanay.

"Pagod po ako. Pwede po bang huwag ko muna silang kausapin?" Tila pagod na pagod na sabi ko.

Tumango tango si nanay at hinawakan ang kamay ko.

"Ganon ba anak. Sige kung iyan ang gusto mo." Ngumiti si nanay at hinaplos ang pisngi ko.

"Magpahinga ka muna sasabihin ko lang sa mga pulis na ayaw mo pa." Hinalikan niya ang pisngi ko pagkatapos ay tumayo na.

Tumango ako at ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit ayaw ko silang maka usap pero maiintindihan naman nila na traumatized pa ako dahil sa nangyari.

Tinignan ko si nanay ang laki ng ipinayat niya. Mas lalong tumanda ang itsura niya. Marahil dahil sa sobrang pagod at stress sa pag hahanap sa'kin kaya ganon.

Doon palang naisip ko na kung gaano siya nahirapan nang mawala ako. Kaya dapat maging masaya ako dahil nakabalik na ako.

Tumalikod na si nanay at paalis na nang biglang hawakan ko ang kamay niya. Nilingon niya ako.

"Nay, Bakit ang payat payat niyo na? Dahil po ba sa'kin kaya bumagsak ng ganyan ang katawan niyo? Pasenya na po sa pag aalala kung sanang sinunod ko ang bilin niyo hindi sana ito mangyayari. Sorry po." Yumakap ako sa bewang niya. "Mahal na mahal po kita." Dagdag ko.

"Mahal na mahal din kita, Nana. Anak." Hinaplos niya ang buhok ko.

Ngumiti ako at bumitaw na para makakaalis na siya at mapuntahan ang mga pulis. Naiwan na naman akong mag isa dito sa kuwarto. Tumayo ako at lumapit sa malaking salamin sa aparador.

Tinignan ko ang suot ko. Ito ang suot ko kagabi nang matulog ako. Huminga ako ng malalim. Napansin ko ang mga maliit at pulang pantal sa leeg at sa balikat ko.

Lumapit ako sa pinto at nilock iyon at muling bumalik sa harap ng salamin. Hinubad ko ang suot kong bistida. Tumambad sa akin ang mga pulang pantal sa dibdib ko pababa sa tiyan.

No Escape Where stories live. Discover now