Kabanata 27

1.6K 47 12
                                    

Kabanata 27.

Kinabukasan pumunta kami ni Xantheus sa malapit na bukid na pag mamay ari ni Reckless ang pinsan ni Xantheus, na isang sikat na rapper dito sa pilipinas. Tumakbo ako at hinabol ang paro paro na pumunta sa ginta ng palayan. Summer ngayon kaya tuyo ang lupa.

"Don't run, Kanari. Baka madapa ka."

Sigaw ni Xantheus mula sa malayo.

Nilingon ko siya at kumaway. "Halika dito! Kuhanan mo ako ng picture dito." Kumaway ako para tawagin siya.

Tumango si Xantheus at naglakad na palapit sa akin. Nilabas niya ang cellphone niya at kinuhanan ako ng picture kahit hindi ko pa naman sinasabi. Stolen shots, bakit kaya gustong gusto niya akong kuhanan ng ganon.

Ngumuso ako.

"Sandali! Hindi pa ako handa. Wait lang naman!"

Sabi ko at mag pose ako sa harap niya na para bang super model.

"Okay na! Sige kuhanan mo na ako."

"What are you? A rice field Goddess?"

Tumawa ako at tumango. Ilang ulit pa akong nag iba iba ng pose bago mag sawa.

Lumapit ako ay Xantheus. Humawak ako sa magkabilang balikat niya at tumingkayad para halikan siya. Automatikong pinalupot naman niya ang isang kamay sa bewang ko. At ang isa ay naka hawak sa siko ko.

Natawa ako pagkatapos ko siyang halikan.

Naramdaman ko kasing may bumubukol sa pants niya. Tumingin ako doon at tumingin ulit sa kaniya.

"Ang lakas talaga ng alindog ko sa'yo. Diba, diba?" Tumawa ako at naglakad.

"You are too confident, huh." Tumawa si Xantheus.

Nilingon ko siya. "Bakit hindi ba? Sa tingin mo ba mas maganda si Aira sa akin porket sexy siya!" Sigaw ko. Matalim ko siyang tinignin.

"That's not it. Of course you're sexier than her. Stop mentioning her name pinagseselos mo lang ang sarili mo. I don't like that. I don't want you to feel that." Lumapit sa akin si Xantheus at hinawakan ang kamay ko.

"Are you mad? Sorry,"

Ilang ulit niya pang hinalikan ang pisngi ko habang hawak ang aking kamay.

Marahan akong umiling. "Hindi naman, sorry napaka childish at imature ko ba?" Tumingin ako sa kaniya.

"Hindi."

"Nakakainis na?"

Umiling si Xantheus at mabilis hinalikan ang labi ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Humawak ako sa braso niya.

"No, actually it's cute. You're so cute." Ngumiti siya.

Minsan talaga hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o binobola nalang niya ako. Hindi na ako sumagot at hinila ko nalang papunta sa manggahan. Ang daming puno ng mangga dito at may mga bunga ang mga iyon.

"Gusto ko iyon! Iyong nasa medyo itaas."

"Magkapareho lang ang lasa nito." Sabi ni Xantheus pagkatapos ay tumalon siya para makababa.

Inabot niya sa akin ang pinitas niyang mangga. Kinuha ko iyon gamit ang malungkot na mukha. Gusto ko ang isang iyon hindi ito. Bumuntong hininga si Xantheus at tumingin ulit sa taas ng puno.

Sinulyapan niya ako.

"You want that one?" Tinuro niya ang mangga pinapakuha ko.

Tumango ako. Huminga ulit ng malalim si Xantheus pagkatapos ay hinalikan niya noo ko bago umakyat ulit sa puno ng mangga.

No Escape Where stories live. Discover now