Kabanata 10

2.9K 96 16
                                    

Kabanata 10.

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Bakit ako naawa sa kaniya? Bakit pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ng buhay niya.

"Why are you crying?" Tanong ni Xantheus.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

Tinuro niya ang mga mata ko, wala sa sariling napahawak ako doon. Basa ang mga ito, umiyak ako? Bakit ako umiiyak? Mabilis ko iyon pinunasan.

"You were crying, why?"

Maski ako hindi ko alam kung bakit ako naluha. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Umiling ako.

"H-Hindi ko alam."

Mabilis na pinunasan ko ang luha ko. Kinuha ko ang baso ng tubig na nasa mesa at agad itong ininom.

"Naawa ka sa'kin, kaya ka umiiyak?"

Tanong niya. Wala siyang emosyon, hindi ko mabasa ang emosyon niya.

"Hindi ko alam... hindi ko alam kung dapat ba akong maawa sa'yo. Hindi ko alam kung bakit naiyak ako ngayon. Hindi ko alam, Xantheus!" Nag iwas ako ng tingin.

"Don't pity me. Maawa ka sa sarili mo."

Ano bang nangyayari sa'yo Kanari? Bakit ka nagkakaganyan. Naawa ka ba sa kaniya? Bakit? Natulala ako bumalik lang ako sa sarili nang tumikhim siya.

"Ano ang buhay mo bago ka napunta dito?" Tanong ni Xantheus.

Binalingan ko siya, nakatitig lang siya sa akin habang nakahalukipkip at nakasandal sa upuan.

"Ano ang buhay ko bago ako napunta sa impyerno lugar na ito? Simple at masaya. Isa akong anak sa aking napakabuting ina na mahal na mahal ako. Isa akong masipag na studyante na may malaking pangarap. Isa akong simpleng tao'ng may simpleng pamumuhay. Na hindi ko alam kung mararanasan ko paba ulit ang mga iyon."

"I want that life too."

Nag iwas siya ng tingin sandali at muli ding tumingin sa akin.

"Sinabi mo na maganda ang mundo." Tumitig siya sa akin.

Marahan akong tumango.

"Oo, sobrang ganda." Taas noong kong sagot, tipid akong ngumiti para ipakitang totoo ang sinasabi ko.

"Then be my world. Maganda ang mundo kung ikaw ang mundo ko."

Seryoso siya sa binitawan niyang salita.

"Alisin mo ako sa madilim na mundong ito at dalhin mo ako sa totoong mundo, kasama ka." Dagdag niya.

Hindi ako sumagot dahil nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nakatingin lang ako sa kaniya, sa mga mata niyang puno ng kalungkutan.

"Ayoko. Ayokong makasama ka."

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito pero sa tingin ko ay may isang buwan na. Sa loob ng isang buwan na iyon bihira nalang kung may gawin sa'kin si Xantheus. Kapag sinabi kong ayoko hindi niya ako pinipilit.

Lagi siyang mag isa. Minsan nasa loob lang siya ng kuwarto niya maghapon. Minsan naman umaalis siya at gabi na bumabalik. Minsan kapag bumabalik siya may sugat siya sa katawan.

"Anong nangyari bakit ka may sugat?" Tanong ko.

Nakita ko ang sugat niya sa may braso, dumudugo iyon.

"Bakit gising ka pa."

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tumayo siya at pumunta sa sala para kuhanin ang first aid kit. Kinuha niya ang alcohol at ginamot ang sarili niya.

No Escape Where stories live. Discover now