Kabanata 29

1.9K 57 12
                                    

Kabanata 29.

Ang mga araw na kasama ko si Xantheus ay ang mga pinaka masayang araw para sa akin.

Walang araw na hindi niya pinaramdam na mahal na mahal niya ako. Lagi niya iyong sinasabi tuwing gabi bago kami matulog at tuwing umaga pagkagising namin.

"Goodmorning. I love you." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Ngiti lang ang sinagot ko at niyakap siya ng mahigpit. Dalawang linggo na kaming magkasama sa bahay na ito. Masaya, sobrang saya kahit na nandito lang kami at hindi kami makalabas.

"Breakfast is ready, get up."

Tumango ako at bumangon na.

Sabay na kaming pumunta ni Xantheus sa baba. Katulad dati siya lagi ang nagluluto at ako nalang ang naghuhugas.

"Wala na tayong grocery." Nilingon ko si Xantheus.

Nakaupo siya sa mesa habang abala sa cellphone niya. Sinong katext niya? Ngumuso ako at binalik nalang ulit atensyon sa ginagawa.

Pagkatapos kumain pumunta kami sa washing room para mag laba. Pansin ko ang pagiging tahimik ni Xantheus. Hindi siya masyadong nagsasalita na para bang may malalim siyang iniisip.

"May problema ba?" Hindi ko napigilan ang sarili kong mag tanong.

Nag angat siya ng tingin sa akin at marahang umiling. Ilang araw ko na rin napapansin ang pagiging tahimik niya pero hindi lang ako nag tatanong.

"Wala."

Ngumiti si Xantheus pero halata naman na pilit lang iyon.

Bigla akong nalungkot. Kung may problema sana sinasabi niya sa akin. Tinignan ko lang siya. Umaasang sa tingin na iyon ay magsabi siya ng totoo.

Ang bigat sa pakiramdam ng ganito. Ayaw na ayaw ko ng ganitong pakiramdam.

Bumuntong hininga si Xantheus. "Ako na tatapos nito magpahinga kana, honey." Aniya.

"Hindi naman ako pagod, okay lang sasamahan kita."

Ngumiti ako para sana ngumiti rin siya pero wala nanatili pa'rin ang walang emosyon sa kaniyang mukha.

Hinaplos ni Xantheus ang pisngi ko at pinatakan ako ng halik sa pisngi. Pumikit ako para damhin ang init ng labi niya sa pisngi ko.

"Pakiramdam ko may problema ka? Hindi mo ba iyon pwedeng sabihin sa akin?" Tumingin ako sa kaniya.

"Mas mabuti kung hindi mo nalang alam."

"Huh? Mas mabuti kung alam ko. Hindi iyong nanghuhula ako kung ano bang laman ng isip mo!" Medyo lumakas na ang boses ko.

Bumuntong hininga si Xantheus. Tumayo siya at problemadong ginulo ang buhok niya. Alam kong may problema na. Ito ang pinaka kinatatakutan kong mangyari.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Mahal kita at dahil mahal kita magtitiwala at maghihintay ako sayo."

Ramdam ko ang init ng luha ko na umalpas sa mga mata ko. Hindi na ako magtatanong dahil alam ko na kung ano iyon. May hindi na tama.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa labas ng bintana. Nasa kuwarto si Xantheus kanina pa. Pagkatapos naming mag usap kanina. Hinayaan ko lang siyang mag isip at mapag isa.

"Bigyan niyo po ako ng sapat ng lakas para sa pagsubok na ibibigay niyo. Bigyan niyo po si Xantheus na pagkakataon. Pakiusap huwag niyo siyang hayaang mawala sakin dahil hindi ko po kaya." Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko.

No Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon