Chapter 2

12.9K 334 95
                                    


Jema.

Medyo gumanda na ang pakiramdam ko after taking my medicine. 

Hay, lagi na lang bang ganito? Everytime na naaalala ko yung incident 3 years ago,  sumasakit ang ulo ko.

Flashback.

Everything went black and I can't remember anything.

When I opened my eyes, nasa hospital na ako.  Nakita ko agad sila Papa, Mama at Mafe na nakabantay sa akin.

"Jessie, ang anak natin,  gising na. Salamat po God, napakabuti ninyo." ang sabi ni Mama kay Papa sabay hawak sa kamay ko at napaiyak na nakatingin sa akin sa sobrang tuwa.

"Ate, grabe pinakaba mo kami masyado.  Pero thank God talaga at nagising ka na.  Okay ka lang ba?  May masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ni Mafe.

"Ah mabuti pa tawagin ko ang doctor para malaman nila na gising ka na anak." sabi naman ni Papa at lumabas na sya ng kuarto.

"Can I have some water please." sabi ko.  I touched my head, naka bandage pala ito.

Uhaw na uhaw ako.  Iginala ko ang aking mga mata, bakit parang may hinahanap akong tao, pero hindi ko alam kung sino?

Agad na kumuha ng bottled water si Mafe, pinaupo nya muna ako bago pinainom ng konti. Inalalayan ako ni Mama hanggang humiga uli ako.

The door opened and I saw the doctor and a nurse holding a clipboard entered the room, nakasunod din si Papa sa kanila.  Lumapit sila sa akin, in-adjust nila yung bed ko para mas comfortable at ma check nila akong mabuti.

"Hello Jessica, I'm Dr. Peralta.  How are you?" tanong ng doctor while he's checking my face specifically, my eyes.  Pina blink nya ako ng ilang beses.

"Nakikilala mo ba sila?" tanong nya sabay turo kila Mama.

I nodded.  Oo naman, sila ang family ko.

"Good, good.  How about yung nangyari sayo last night?  Do you remember anything?" tanong uli ni doc.

Oh, so last night pa pala ako dito sa hospital.  Alam ko nagda drive ako then biglang may truck na sumalubong sa akin.

I tried thinking about it but it's all hazy, my brain doesn't want to give me a clear picture of what transpired last night.

I shook my head and I immediately felt dizzy.  Napansin naman agad ito ni Doc.

"Hey, it's alright. Huwag mong masyadong ipilit maalala ang nangyari sa ngayon.  Ganyan talaga ang usual effect pag nagkarun ng head trauma.  You were lucky young lady,  there was no heavy damage na nangyari sayo." dagdag ni doc.

"Ate, nabunggo ang sasakyan mo ng truck kagabi.  May iniwasan daw yung driver na kotse sa kabilang lane pero nasakop naman nya yung sa side mo, kaya ayun, ikaw ang nasagi nya." kwento ni Mafe.

"Sabi ng mga police at hospital personnel na rumesponde sa accident site, swerte mo raw dahil naka seat belt ka.  Tapos may airbag pa sa kotse mo.  Kaya yung impact sayo ay mahina lang." dagdag nya.

"Anong oras na ba ngayon?" tanong ko.  Naka on yung ilaw dito sa room pero hindi ko pa rin masabi kung gabi na uli.

"It's almost 7 o'clock in the evening na Jessica.  You've been asleep or unconscious for 22 hours.  Although it's less than 24 hours, I still have to do some checks on you to ensure na wala talagang damage sa brain mo." the doctor said.

"In the meantime, you need to take pain killers for your headache." he added.

So, he gave me a  prescription for my headaches and body pains.  So far, wala ng ibang malaking damages sa akin.  Mga pasa sa arms ko, legs and may konti sa mukha lang.

I'm very lucky indeed.   Thank you Lord,  nasambit ko sa aking isip.

"Okay, you need to rest and sleep Jessica.  If  you feel uncomfortable or anything, just call me.  I'm on 24 hour duty." sabi ni doc and lumabas na sila ng nurse.

"Narinig mo yun anak,  pahinga ka na daw muna.  Pero dapat kumain ka pa rin para magkalaman ang tyan mo kahit papano." sabi ni Mama.

Tumango na lang ako.  May soup silang dala so yun na ang kinain ko.  Sinusubuan ako ni Mafe ng biglang may maalala akong mukha na sinusubuan din ako.

Huh, sino yun?   Bakit parang nangyari na ito sa akin.  May nag aalaga at nagpapakain sa akin.  Weird na talaga pakiramdam ko, epekto siguro ng gamot na isinaksak nila sa akin.

End of flashback.

--------------------------------------------------------

Jema.

Naubos ko na pala yung tea.  Tumayo na ako at tinulungan si Manang na ihanda yung breakfast.  Ang laki ng tulong ni Manang sa akin simula ng lumipat kami dito sa bagong bahay. 

Nung nalaman nya kasi kay Kris na naghahanap ako ng makakasama sa bahay, nagpasabi sya na balak nya ng umalis sa company ni Fhen kasi nahihirapan na syang mag commute araw araw. 

Naging close naman kami doon kahit papano.  Stay in sya dito sa akin kasi nasa province na yung family nya, so mas pabor yung set up sa kanya.  Siempre tinaasan ko yung sahod nya para naman mas ganahan sya.

Hindi nga ako nagkamali.  Super sipag at bait nya.  Kapamilya na rin ang turing ko sa kanya.

"Ay buti naman at okay na kayo ma'am.  Ako ang laging natataranta sa inyo po pag sinusumpong kayo." sabi nya.

"Wala ito Manang, matagal na ngang hindi ako sinumpong eh.  Nagtataka lang ako, bakit bigla ngayon pa?" sagot ko.

"Hindi kaya may nakaalala sa inyo ma'am?" sabi pa nya.

Bigla akong natigilan. 

Sino naman ang makakaalala sa akin? 

Tuwing sinasabi ni Manang yan sakin, napapaisip ako.  Parang may laman ang mga salita nya.  Pag tinatanong ko naman, sasabihin nya kutob lang.

"Wala, baka may problema sa office,  naalala nila ako hehe." natatawang sabi ko.

Nag day off muna ako ngayon dahil nga sa birthday ni baby. 

Kayang kaya naman nila yung trabaho dun kahit wala ako.  I'm sure they will call me pag may urgent matter na talaga.

Malapit ng maluto yung breakfast kaya naglabas na ako ng plates and utensils.

"Basta happy lang kayo ma'am ha.  Yun ang importante po.  Good vibes lagi." kwelang sabi pa nya.

Yeah, I feel okay now and happy.   Napapangiti pa ako habang naghahanda ng lamesa.  Excited lang talaga.

When everything is good, I decided to go upstairs to fetch my baby. 

But I  was surprised to see her at the bottom of the stairs.

"Happy birthday Chelsea, my baby." I greeted her.

"Mummy." she shouted and she ran to hug me.

---------------------------------------------------------

Update for you guys.

Mas lalo bang dumami tanong ninyo?

Well, you have to be patient haha.

Please vote, comment and share.

Thank you 😊

S/O to thinkPINK_101, midnight_warrior13 and MicahMendoza893.

Officially Yours ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon