Chapter 12

11.7K 331 109
                                    


Deanna.

Naiinis ako.  I'm not sure kung sa sarili ko or kay Jema. 

The outcome of this meeting is not what I wanted or rather expected,  especially Fhen.

Eh ikaw ba naman pumunta ng hindi prepared.   What do you expect, miracle?

Okay, sa una nainis ako kasi feeling ko nasapawan.   Nakakahiya talaga, but I'm okay now.  Hindi naman kasalanan ni Jema na magaling sya. 

Sya pa nga ang nag offer na magsama na kami este, magsama yung proposals namin.   Buti na lang pumayag si sir Alvarez kundi lagot ako kay Fhen.

Para ko ng nai-imagine yun pag hindi ko nakuha itong account,  tatalakan ako ng todo.

"You have one fucking job!" sasabihin nun sa akin malamang.

Kaya hindi na ako nagpa-tumpik tumpik ng magyaya si Jema ng working lunch.  Tama naman sya, we need to  start now.

In two weeks time pala ang launching ng ads.  Double time ang gagawin namin para sure na maganda ang kalabasan ng products.

Nasabay pa sa wedding nila buddy and Melanie although mauuna yung wedding ng 2 days.

Pinakilala uli ako ni Jema sa mga kasama nya.  Siempre I smiled na to them.  Makakasama ko na sila sa project eh.  Kahit na naiilang ako sa mga tingin nila.

Pero mas naging interesado ako sa sagot ni Kyla.

"Wait, you mean to say boss, she's Deanna?  As in, the Deanna we heard before?" makulit na sabi ni Kyla.

Napa stop si Jema sa paglalakad.  They're all looking at her.

May laman yata yung sinabi ni Kyla.  I sensed that Jema is not comfortable sa tanong kaya iniba nya agad yung topic at sumakay na ng car.

I followed them na lang up to their office.  Nasa Makati area rin ito, not far from AWE. 

They waited for me sa lobby while I signed my name sa visitors book dun sa may reception.

While following them napaisip ako kung ano ang meaning ng CDM.

Ah pwede namang Chelsea, Deanna, Margaret???? 

Hay grabe, masama na ito.  Kung ano ano na lang ang naiisip ko.

Asa pa more, Deanna.

Natawa naman ako kaya biglang lumingon si Jema sa akin.  I winked at her.

Napapailing na lang sya after kong kindatan.  Akala nya siguro nababaliw na ako.

Nasa second floor yung CDM.  Sino kaya ang may ari nito?   Baka nasa loob yung boss nila.  Pag nandoon, siguradong makikilala ko. 

Huwag naman sana si Karlo.  I didn't see him kasi sa Rebisco kanina, baka nagtayo na ng sariling kumpanya ang timang na yon. 

Ang sama ko haha.  Well, we didn't really like each other naman sa simula pa lang.   Kaya up to now I still feel threatened.

Pumasok na kami sa isang room,  Maluwag ito at maganda.  Ito siguro ang conference room nila.

We put our things on the table muna.

"Have a seat.  What time darating yung food?" Jema said and asked Kyla.

"Anytime andito na yun, boss." sagot nya sabay upo.

I noticed that the three ladies keep on calling Jema as "boss".  I bet she's the Manager here.

Gumala ang mata ko, naglakad lakad lang muna dahil ayaw kong umupo na naman.

Officially Yours ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon