Chapter 43

15K 352 167
                                    

A little bit warning.  ⚠ ⚠ ⚠

Deanna.

Pagkatapos kong makausap at makuha ang basbas ng parents ni Jema, inayos ko na agad yung mga kakailanganin sa proposal.

Nakabalik na rin pala sila Fhen so I immediately informed her na may important matter akong sasabihin sa kanya.

"Buddy, baka naman nabibigla ka lang dyan ha? Sobrang bilis naman yata ng decision mo na mag propose agad kay Jema." sabi nya while we're sitting sa lounge area ng condo nila ni Melanie.

"Of course, not.  I'm one hundred percent sure sa gagawin ko.  I really feel that it's the perfect time na to ask her.  I really love her." sagot ko.

"I know that you love her but what I'm saying is, you've only been here for almost 2 months. Kelan lang kayo nagkabalikan, parang ambilis. May nangyari sa Palawan?" usisa nya.

"At bakit kailangang may mangyari muna sa amin bago ako mag propose, aber?  Ikaw din naman ah, ganyan din kay Melanie." I replied.

"I just want to let Jema know that I'm dead serious sa kanya.  And para na rin mabakuran ko sya. Andami kasing sumusulpot pang mga asungot, kung saan saan galing.  Pag may ring na sa finger nya, off limits na sya sa lahat." I added.

"Okay, naiintindihan na kita, buddy.  As your only handsome cousin, susuportahan kita kung yan ang gusto mo." mayabang na sagot nya.

Potek, handsome daw?  Baka handsama.

"Oo na, guapo na kung guapo basta sasamahan mo akong bumili ng singsing bukas, ha?" sabi ko.

"What kind of ring ba ang balak mong ibigay?  Maraming klase ng engagement ring kaya." she replied.

"Oh my, I haven't given it a thought.  Ganun pala yun?" I asked.

"Oo, ganun. Di bale, punta tayo doon sa jewelry shop ng friend ko.  That's where we bought Melanie's ring.  They can make customized ring." Fhen said.

"Kahit na mabilisan, kaya nilang gawin?" tanong ko uli.

Gahol na kasi sa oras, Thursday na tomorrow tapos Saturday na yung date to propose.

"Oo naman since friend ko nga yung may ari.  Ako na ang bahala sayo bukas." sagot nya.

"Thank you, buddy.  Sa umaga tayo pupunta kasi may lakad ako sa hapon." I told her.

"Wait lang, alam na ba nila Tita? Na magpo-propose ka na kay Jema?" biglang tanong nya.

"Not yet.  Hindi ko pa kasi sila matyempuhan ni Dad na magkasama sa bahay." sagot ko.

My parents own a Filipino restaurant and an Asian store sa California. 

Si Dad usually ang nasa store and si Mom ang nasa restaurant kaya bihirang magtagpo ang oras nila sa bahay.  Si Dean naman is still studying kaya busy sa school.

"You must be joking, right?  Kung meron man dapat maunang makaalam ng plan mo na yan, it should be your parents.  Kailangan mo ring kunin ang opinion nila about Jema." paliwanag nya.

"I know naman na dapat alam nila, lalo na si Mommy.  Gusto nun kilatisin muna ang magiging partner ko sa buhay." I replied.

Eh hindi pa nga nila alam na girlfriend mo si Jema.

"You still have time to tell them.  Call your parents before Saturday." she suggested.

I just nodded my head.  Ang gulo pa rin kasi ng utak ko, I don't know how to tell them.  Baka mabigla sila.

Officially Yours ( Book 2 )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora