Chapter 29

13.4K 359 142
                                    


Jema.

Naiinis ako, naiinis ako.

Really, sure ka hindi galit??

Inhale, exhale.  Paano kumalma pag makita mo ang girlfriend mo na may umaakbay na iba?

I mean, di naman kasalanan ni Wong na lapitan uli nung Isaw pero Deanna has a choice naman eh. 

Kung palalapitin nya uli yung girl or just ignore her totally.  Pero ganun ata talaga si Wong, she can't say no.

Saan kaya ang barbeque area nila dito?  Para maisalang na ang Isaw na yun.  Sarap uminom tapos sya ang pulutan.

Hmmp, mapuntahan na nga sila Chelsea bago pa kumulo ang dugo ko. Nasisira ang beauty ko tuloy.

Nasa playground pala sila sabi ni Manang kaya pumunta na kami doon.

Kasalukuyan naglalaro sa swing sila Mama at Chelsea.  Tawa ng tawa si Chelsea habang pinu-push sya ni Mama.

Tumabi ako kay Papa na nakaupo sa isang bench malapit sa kanila.

"Anak, andyan na pala kayo.  Tapos na yung activities ninyo?" tanong ni Papa.

"Opo, pa.  Nakakapagod pero sulit naman kasi nanalo kami." sagot ko habang sumasandal sa balikat nya.

We just watched Mama and Chelsea playing. I like it when I have moments like this with Papa.

"I love you, Pa." malambing na sabi ko habang nakatingin sa kanya.

He kissed my forehead and hugged me sideways.

"I love you too, Jema. May gusto ata ang baby ko, ang lambing eh." sagot nya.

Ganyan si Papa, kahit 26 years old na ako, baby pa rin ang tawag nya sa akin at kay Mafe.

Wait, saan na ba yun si Pangs?  Sa sobrang abala ko kay Wong, di ko na napansin kung saan sya pumunta.

"Nooooo, Pa. Lagi naman akong malambing sayo.  Ikaw naman, may gusto agad ang nasa isip.  Pwede bang may request lang." seryosong sabi ko.

Nagkatinginan lang kami tapos sabay na tumawa.  Ginulo gulo nya yung buhok ko.

"Hahaha, parehas din yun anak. I know that you love me, but I know also when you want something. Am I right?" he asked.

Kilalang kilala nga ako ni Papa, walang lusot sa kanya. Ganito kasi ako pag may gusto, haha.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"What do you think of Deanna, Pa?  I mean, natuwa ba kayo nung nakita ninyo sya uli, nagalit?" tanong ko.

I really want to know his opinion.

Matagal bago sya sumagot, mukhang pinag isipan nyang mabuti ang tanong ko.

"I'm not thinking anything about her.  I'm just surprised kasi magkasama uli kayo. Di ba ang tagal ninyong hindi nagkita?  3 years, right?  Same year nung pinanganak si Chelsea.  Sigurado ako na madami ng nangyari sa buhay ninyong dalawa." mahabang sagot nya.

"Natutuwa o nagagalit?  I can't answer that.  Alam ko naman na hindi maganda ang ginawa nya sayo, di ba?  Na iniwan ka nya noon, sa ere. Bilang magulang mo, may sama ako ng loob kay Deanna, anak.  Kahit naman siguro sinong magulang yan, ganun ang mararamdaman." prangkang sagot nya.

Hay, sabi ko nga ba.  May tampo talaga sila kay Deanna.

"Pero walang problema naman sa akin kung maging magkaibigan uli kayo.  Tutal magkasama ang companies ninyo sa project.  Saka parang iba ang kislap ng mga mata mo ngayon.  May kinang na, anak. You have not been able to do that for the last 3 years. Kung si Deanna ang dahilan kung bakit ka ganyan ngayon, I have no objection.  Basta dahan dahan lang anak, don't rush agad.  Siguraduhin mo muna kung kaya mo uli syang pabalikin sa buhay mo.   Remember that you have Chelsea now." paliwanag pa nya.

Officially Yours ( Book 2 )Where stories live. Discover now