Chapter 36

11.4K 327 159
                                    


Deanna.

Busy sa office, tambak trabaho dahil nawala nga ako ng ilang araw last week.

May mga bagong clients kami na kailangan i-meet to discuss their project.

We have several clients din na for renewal. But the one that caught my eyes that's in the renewal folder was Smart!!!!

So, kami uli ang hahawak sa kanila? Wow, that's great news. Big account namin sila dati nung magkakasama pa kami nila Jema.

Yes, pinag awayan nyo pa nga eh.

I remember Jho tuloy and that guy with her, Cy? Sila pa rin kaya ang contact persons or they already left the company?

There's only one way to find out. I will call them but later na lang, after lunch.

Mag a-alas dose na rin pala. Hindi ko namalayan ang oras ah. Hindi pa ako nakatext kay Love. Baka akala nun nakalimutan ko na sya.

Hmmn, mabuti pa yata yayain ko syang mag lunch out. Tama, I'll take her out.

Dali dali akong nag log out ng computer. Nagbilin ako kay Jenny, yung secretary ni Fhen, na aalis muna. Tapos bumaba na sa parking area.

Bago ako nag drive, I sent her a text message.

Almost halfway na rin ako sa office nila when I got a text. It's obvious naman na it's from Jema pero hindi ko pa mabasa dahil nagda drive ako.

When I reached the stop light, I took my phone and read the message quick.

Jema:
Baby, I'm out of the office right now. Bakit kasi ngayon lang nag text, duh. 🙄

What??? She's already out tapos hindi man lang nag text sa akin para alam ko. Parang ako pa ngayon ang may kasalanan based sa sagot nya.

Ano ba magandang reply sa kanya?

Nasa malalim pa akong pag iisip ng biglang may bumusina na sa likod. Damn, green na pala ang light.

Nag drive na uli ako but then ang layo pa nung area for u-turn kaya dineretso ko na sa building kung nasaan ang office nila.

I stayed in the car lang and tried to compose a reply.

Me:
Sorry na, Love. Now lang naka text dahil busy, like you.

Sent.

Ayan, let's see kung ano ang isasagot nya.

Siya nga, hindi rin nag text sa akin. So ibig sabihin busy rin sya, di ba.

Hay, nakakatampo ka po, Love.

Nagugutom pa naman na ako. Saan kaya magandang kumain? I tried looking around baka may malapit na kainan ng makita ko si Kyla na naglalakad sa malayo.

May mga dala syang bags of food. Mukhang nag take out ng lunch. Bigla akong lumabas ng car at sinundan ko sya.

Then I received another text.

Jema:
Oh, I'm sorry too. Busy talaga kanina kaya di ako naka text sayo, baby. Nasan ka na nyan?

Me:
Nandito lang sa tabi tabi. Where are you ba? Sunduin kita?

Jema:
Nasa client meeting ako baby. I'll just see you later sa pag uwi. Kain ka na ha. Love you. 😘😘

Nasa client meeting naman pala si Love kaya busy. Dapat pala talaga tinext ko sya ng maaga.

Hay, nakakahiya sa kanya baka naistorbo ko pa sila.

Me:
Oh, sorry po. Okay, ikaw din. See you later.  Love you too 😘

Officially Yours ( Book 2 )Where stories live. Discover now