Chapter 7

12.3K 340 84
                                    


Deanna.

Yeah.  I'm so happy.  Kung pwede nga lang tumalon dito ginawa ko na pero nakakahiya eh.

This is the first time in years that I felt genuine happiness.  Yung walang doubt na totoo ito.  Na walang mangyayaring masama pag ganito kasaya.

Before coming back to the Philippines, I have so many questions.  Although I own half of Fhen's company, it's not enough pa to convince me to stay here for good.

But now, if you ask me if I plan to go back to the US, it's a definite NO.

First, I saw Jema on my first day in the country.  Who would have thought na magku-krus uli ang landas namin agad agad.

Second, I've found out that my feelings for her is still as strong as before.  Mas tumindi pa nga.

I love her too much pa rin.

Lastly, may anak na pala sya but I don't  think it's gonna be a problem.

I know there's still a lot to catch up with Jema and an awful lot of explanation to do but I'm hoping for another chance to correct what I have done in the past.

Alam kong maguguluhan sya pag nalaman nya yung main reason kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya noon. 

Pero I'm more concerned dun sa headaches nya, ano ang sakit nya?  Why she's having those moments na parang she's in pain.

I was traumatized na kasi sa mga ganyan after what happened kay Elaine.  I don't want a repeat of that.

On the lighter note, umaasa ako na darating din ang time na makakapagusap kami ng masinsinan para I can explain more. 

I can tell her na the story of Elaine.  Matagal na rin yun kaya maluwag na sa dibdib ko ikwento sa kanya.  I want her to understand me bakit ko piniling sumama kay Elaine that time.

I'm just praying na mapatawad at maintindihan nya ako and who knows, baka she'll give me another chance.

How can you do that if you're on the other side of the world?

I always want to think positive but I'll cross the bridge when I get there.

Tinanong ko si Manang ng pasimple kanina habang nasa unahan sila Jema at Chelsea.

"Manang, may anak na pala si Jema?" mahinang tanong ko.

Nakahalata naman sya kaya medyo binagalan nya ang lakad at lumapit pa ng konti sakin.

"Opo ma'am.  Mahal na mahal nya po yang si Chelsea kasi dumating po sya sa kanya nung time na nawala kayo.  Napakalaking swerte daw si Chelsea sa buhay nya." straight forward na sagot ni Manang.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" agad na tanong ko.

"Ah sakto po kasi na bumalik na kayo ng US, tapos after ng nangyari kay ma'am Jema, biglang dumating si Chelsea." parang alanganing sagot nya.

What?  Ang daming alam ni Manang.  Pwede kayang iuwi ito sa condo haha.  O kidnapin ko na lang kaya para makapagkwentuhan kami ng matagal.  Mukhang marami syang alam.

"Ganun po ba?  Ah may magagalit po ba kung dalawin ko sila sa house nila?   What I mean is, kung makikipag kaibigan uli ako sa kanya  pwede pa kaya?" alanganing tanong ko habang nagkakamot ng ulo.

"Ay wala sigurong magagalit ma'am Deanna pero naku wag na wag nyong babanggitin kahit kanino na sinabi ko yan ha." nangingiting sabi nya.

I mouthed "salamat" na lang sa kanya kasi biglang ibinaba ni Jema si Chelsea at napalingon sa amin.  Inakay ni Manang si Chelsea habang naglalakad.

Officially Yours ( Book 2 )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora