Chapter 27

12.4K 274 136
                                    


Deanna.

We were both sitting silently ni Jema when Chelsea rushed to someone.

"Auntie Mafe!!!" she shouted.

Even without looking behind me, I know that Jema's family are here.

Jema stood up to greet them.  Hindi na muna ako sumunod, baka mabigla agad.

As if hindi talaga sila mabibigla.

I saw them approaching our table kaya tumayo na ako.  Mafe is carrying Chelsea.  She stopped when she saw me, pati sila Jema napahinto na rin.

"Hi." matipid na sabi ko.

I don't know what to say anymore kaya nakatayo lang ako.  Para akong daga na na-korner sa isang sulok.  Hindi alam ang gagawin kung pano lulusot in this situation.

Halatang nagulat sila Mafe, pati na rin si Mama.  Opppss, Mama nila, haha.

"What is she doing here?" Mafe asked Jema. 

Binaba nya na si Chelsea at humarap kay Jema. 

"Ahh, what do you mean, Pangs?" Jema replied.

Naks, maang maangan pa si Love.

"Wow, you know what I mean, Ate.  Anong ginagawa nya dito?" sabi uli ni Mafe sabay turo sa akin.

Ah hello, I'm still here.

"Why don't we all sit down muna and order some food.  Gutom na kayo di ba?  Malayo ang binyahe ninyo sigurado pagod din kayo." sabi ni Jema.

"Oo nga naman, Mafe.  Upo na muna tayo.  Gutom na ako, lalo na si Tatay ninyo." sabi ni Tita Fe.

Tapos tumango si Tita Fe sakin bago umupo.  Buti pa si Tita, cool na cool pa rin sa akin.

Inabot ko yung tubig sa tabi ko at uminom, parang biglang natuyo ang lalamunan ko ah.

"Dada, do you know auntie Mafe?  She's cool too, like you." Chelsea said to me.

Omg, naibuga ko yung tubig tuloy at napaubo.  Nakupo Chelsea, please be quiet.

Napatingin na naman silang lahat sa akin. 

"What?!!  Ate Jema, I think you're not telling us something.  Care to share?" seryosong sabi ni Mafe.

Hala, ayan na.  Hindi alam ni Jema ang uunahin. Kung hihimasin ang likod ko or sasagutin ang kapatid nya.

"Dada, are you okay?  Be careful when you drink water.  You should drink slowly." Chelsea naively said to me.

Pumunta pa sya sa tabi ko para i-rub ang likod ko.  Ang sweet nya, just like her mum.

She doesn't know anything about the raising tension between us adults.

"Mga anak, mamaya na tayo mag-usap usap. Nasa harap na tayo ng kainan. May tamang oras at lugar para dyan. Umorder ka na Jema." sabi ni Tita.

Saved by the bell again by Mama, hehe. 

Oo na, oo na. Mama nga nila pero magiging future Mama ko na rin, kaya need na mag practice.

Natahimik naman na kami lahat kaya tinawag na ni Jema yung waiter.

Si Mafe naman ay panay ang tingin sa akin ng masama. Hindi pa rin nya ako kinikibo.

Mukhang malaki ang galit sa akin.  Kulang na lang siguro sapakin ako nito. Putik, mahihirapan yata ako dito sa future hipag ko ah.

I need to think of a strategy para bumait sya uli sa akin.

Habang hinihintay yung food, nagkwentuhan lang sila Jema, Mafe at Tita Fe.  Kinekwento nila yung haba ng byahe.  Parang naitsapwera ako.

Officially Yours ( Book 2 )Where stories live. Discover now