Chapter 54

12.4K 357 250
                                    

Deanna.

"Dada, stop it.  You're making me sick." Chelsea said to me.

Napahinto naman ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.  Busy pa rin ito sa paglalaro ng game sa cellphone ko.

"What do you mean? I'm not doing anything. That game you're playing is the one making you sick.  Give me my phone back and rest your eyes kiddo." I replied to her.

"You are walking back and forth like a yo-yo.  Why don't you sit down too.  Come here." sabi nya sabay usog sa upuan.

Hay naku, kung magsalita ito daig pa ang matanda ah.  Minsan talaga mapapanganga ka na lang sa mga salitang lumalabas kay Chelsea.

She's almost four na rin at mas lalong dumaldal.  Pero cute pa rin talaga, just like her Dada. Haha.

Buhat bangko, Wong.

Anyway, I sat down beside her.  Wala naman akong magagawa kahit umikot ikot pa ako dito sa airport.

Nakakahilo nga pala talaga yun. Mas mabuti pa ngang umupo na lang muna.

We are waiting for Dad, Mom, Dean, and Fhen's parents.  Medyo delayed na ng 1 hour yung arrival nila from Los Angeles. 

I'm a bit concerned siempre, baka ano na ang nangyari sa flight nila.  Usually, on time naman lagi ang airline na sinasakyan nila.

OA lang masyado, Wong.

Okay, I'll admit, I'm nervous.  Not because of the flight but because of wedding jitters huhu.

Yes. My family are all arriving in the Philippines to attend my wedding.  Me and Jema's wedding.

Then why feeling the jitters?

I don't know.  I'm not having second thoughts about it. I'm just a bit stressed, with all the preparations, etc.  I haven't been sleeping well lately.

Ganito pala yung ikakasal na.  Lutang ka lagi at binibilang mo na yung mga araw.  Hindi pa nakakatulong yung mga banat ni Fhen sa akin.  Tinatakot ba naman ako.

Instead na tulungan ako e mas lalo nyang ginugulo.  Pati si Melanie naiinis na sa kanya.  Binatukan ko nga.

Inaaway na nga ako ni Jema dahil  anlaki na daw ng eye bags ko.  She's been telling me to relax and calm down.  Eh ganun din naman sya, mas malaki na sa akin yung eye bags nya. Hindi ko lang sinasabi at baka magalit sakin haha.

Yes, 2 months after coming back from the US, nag set na kami ng date ng kasal namin.  Bale 6 months na rin kaming engaged. Enough time to prepare and think kung may aatras sa amin ni Jema.

Joke.  Of course wala ng atrasan. Puro abante lang.

So, our wedding is taking place in two weeks time.  Super excited na ewan ang nararamdaman ko. Sari saring emosyon, kaya eto nga at hindi ako mapakali while waiting kila Dad.

Our wedding will be held in Caleruega Church. It's in Batulao, Nasugbu, Batangas.

Initially, me and Jema wanted a beach wedding since we both love the beach.  And that's where we first had the, hmmnn, you know.

We tried to find a perfect beach resort sa Batangas pero wala kaming nakita na parehas naming gusto. It's either I like it but she doesn't, then vice versa.  Imagine the headaches we had para lang humanap ng place para sa kasal.

Ikaw naman kasi dapat ang mag give way kay Misis mo.

While driving home, nakita namin yung sign going to this church.  Nagkatinginan kami ni Jema and decided to check the place.

Officially Yours ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon