Chapter 3

12.2K 323 62
                                    


Jema.

Chelsea, ang baby ko.  She's turning 3 today. 

"Happy birthday Chelsea, my baby." I greeted her.

"Mummy!" she shouted at tumakbo papunta sa akin.

Nagmamadali akong lumuhod at sinalubong sya ng yakap, halik at kiliti.

"Mum, you're tickling me.  Stop it please." she said while trying to get away from me.

Pero hindi ko sya binitawan kaya wala syang nagawa kundi tumawa ng tumawa.

"Let me go,  pleeeeeeassse." sabi pa nya kaya I stopped and carried her to the table.

She was surprised when she saw what we prepared for her.

"Wow, my favorites.  Bacon and pancakes!  I love you mummy, you're the best mummy ever!" sigaw pa nya.

Nakakatuwa naman ang baby ko.  Eh ako lang naman ang mummy nya dito.

Kinantahan namin sya ni Manang ng happy birthday bago ko sya ibinaba sa high chair nya. 

Umupo na rin ako sa tabi nya.  Nagsalin na si Manang ng milk para kay Chelsea.

I cut her pancakes and bacon into small pieces.  Mabilis naman nya itong kinain.  Sumabay na rin ako sa kanya.

"Are we going out today mummy?" tanong nya after eating.

"Yes, baby.  I'm not working today so we can spend your special day together.  You can pick what you want as present at the shop later." sagot ko.

Pagkatapos naming kumain, dinala na sya ni Manang sa bathroom para maligo.  Nagpunta na rin ako sa taas para magbihis.

Habang nagre-ready, hindi ko napigilang maalala kung paano napunta sa akin si Chelsea.

Flashback.

Pinuntahan ako ng mga police kinabukasan sa hospital para i-follow up yung investigation sa accident.  Nakakulong pala yung driver ng truck hanggang ngayon, kasi di pa napiyansahan ng mga amo nya.

Nagmamadali daw umuwi yung driver that time kaya mabilis ang takbo. Nanganak na kasi yung kapatid nya pero namatay habang nagla-labor, kaya ayun, tuliro habang nagmamaneho.

Naawa naman akong bigla sa driver.  Kung nakakulong pa ngayon, sino nag aasikaso sa kapatid nyang namatay at sa pamangkin nya?

Sinabi ko sa mga police na I'm not pressing charges against the driver.   Okay naman ako and covered naman ng insurance yung damages sa car ko.

Dahil pwede nako ma-discharge that day,  hinintay ako ng mga police para sumama sa station nila at pumirma sa kanilang report.

Pagdating doon, agad akong dinala sa driver na nasa kulungan.

"Ma'am Jessica, eto po si Luis Delos Santos.  Sya yung driver na nakabunggo sa inyo." sabi ng isang police.

Biglang yumuko yung driver at hindi tumitingin sa akin habang nagsasalita.

"Sorry po ma'am, sa nagawa ko.  Hindi ko po sinasadya.  Gulo po yung isip ko habang nagmamaneho.  Kasalanan ko po talaga, sana mapatawad nyo ako."

"Kuya, okay lang po.  Hindi na po ako magsasampa ng kaso.  Sana po sa susunod ay mas lalo kayong mag iingat ha?  Nabalitaan ko po yung nangyari sa kapatid ninyo.  Condolence po." sagot ko.

Napatingin syang bigla sa akin at naiiyak na sinabing;

"Maraming salamat po ma'am.  Napakabuti ninyo, kaya siguro hindi kayo pinabayaan ni God sa aksidente.  God bless you po."

Officially Yours ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon