Chapter 38

11.7K 336 270
                                    


Deanna.

Halos isang buong linggo na kaming walang communication ni Jema ah.  Last na yung text ko sa kanya nung Tuesday morning.  Wala syang reply man lang.

Biruin mo yun, natiis nya akong hindi kausapin, her beautiful and papi girlfriend!!!

Eh ikaw din kaya, natiis mo.

Ni hoy, ni hay, waley.  It means, hindi nya ako nami-miss huhuhu.

Maybe she doesn't love me anymore.  But how could that be possible?  Basta basta na lang ba nawawala ang feelings sa isang tao?

But whatever happens, love ko pa rin sya.

I missed her so much that I called Chelsea yesterday, Friday.  Kasi alam kong wala si Jema sa house nila.

Si Jema ang nami-miss pero si Chelsea ang tinawagan, duh.

Ang labo mo, Wong.

Sobrang excited na si Chelsea sa field trip nila, which is today nga, Saturday.

Alam ko 5am ang alis nila papunta ng Subic. Naku wag naman sanang magkatabi sa upuan sina Jema at Veni na yun.

Dapat magkakatabi ang mga students and parents tapos hiwalay ang mga teachers.

Nagbilin tuloy ako kay Chelsea na dapat lagi syang nasa tabi ng Mummy nya. Na huwag syang uupo sa ibang seat kundi sa tabi ni Jema lang.

Of course she can't understand why I asked her to do that.  She keeps on asking me why, pero ang hirap naman kasi e-explain sa kanya. Basta ang sabi ko, it's our top little secret.

I told her also not to mention kay Jema na tumawag ako sa kanya.  I don't know if she will follow me knowing na sobrang daldal ng batang yun.

Bakit ayaw pa kasi ibaba ang pride ng magkaayos na?

Si Jema ang dapat maunang mag reach out para makipagayos. 

Ako ang huling nag text, remember?  Hindi sya nag reply.

And sya rin ang nagsinungaling.

----------------------

Since dumating ako ng Tuesday, naging busy na ako agad dito sa Iloilo.

I met the ACES group of companies, isa sa malaking kumpanya sa Iloilo. Nag agree agad sila sa concept na ginawa namin for their advertisements.

Their company is more on innovation of restaurants and bakeshops. They provide authentic quality food and they uplift the ambience of every shop or store.

I explained to them the importance of stability para mag stand ng matagal yung business, which they already know naman.  Kaya dapat they should focus on customers happiness and excellent service.

Kasi kahit gaano pa kasarap ng food, kahit super high tech pa ng mga gamit at kaganda ng ambience ng restaurant or store mo, kung palpak naman ang customer service, walang babalik na parukyano.

I pointed out yung kahalagahan ng happiness of the team, ng mga employees nila. Pag satisfied ang mga empleyado, automatic na agad yung 110% na dedication nila sa trabaho.

See, hindi lang sa advertising ang company namin. We also provide human relations support.

My job here is finished na rin so I can go home na actually sa Manila this afternoon.

I have the whole morning free.  I want to  go out and explore the place sana kaso wala naman akong kakilala dito. 

Parang ang lungkot kung mag isa lang ako, di ba.

Officially Yours ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon