Chapter 33

11.7K 332 103
                                    


Jema.

Can I just disappear for awhile?  Like I was just somewhere but here.

I love Chelsea but sometimes she's too clever for her own good, hay.

Imagine our faces when she disclosed to everyone that Papa had a bite. Then telling us that I had a similar bite as well as Deanna.

Walang gustong umimik, parang may nagsabi ng "freeze".  Yung tipong nagpapakiramdaman lang.

Kasi naman, kinakabahan pa kaming lahat at baka may name pang babanggitin si Chelsea.

Ang sama ng tingin ni Mama kay Papa.  Ang sama ng tingin ni Papa sa akin.  Ang sama ng tingin ni Mafe kay Deanna.

Domino effect, tsk.

"Why are you all quiet?  Did I say something wrong?" Chelsea asked.

Nakabawi naman ako sa pagkabigla.

"No, Chelsea, you did not." I replied.

"I think you're having a staring contest.  The first one to blink is out. I like that game, Mummy." she said.

"That's their game, baby Chelsea.  Come here, I'll feed you na. Hurry up so you can already swim." sabi ni Manang sa kanya.

Pumunta agad sya kay Manang at nagsimula na syang kumain. 

Hindi nya alam ang havoc na ginawa nya kani-kanina lang.

"Jesse, mag uusap tayo mamaya." sabi ni Mama.

"Ikaw din Jema, mukhang may sasabihin ka sa amin ng Tatay mo." dagdag pa nya.

Naku seryoso si mudra, patay na.

"Kain na po tayo bago lumamig ang pagkain." sabi ko na lang sa lahat.

Sumunod naman sila sa sinabi ko.

Umupo sa kabilang table ang three angels pati yung grupo nila Thang kaya sa kanila napunta ang atensyon namin.

"Boss J, free na ba yung morning natin ngayon?" tanong ni Kyla.

"Yes, you can do what you want this morning.  Bili na kayo ng souvenirs and stuff, pati pasalubong.  After lunch, aalis na tayo ng isla." I replied.

Oh, speaking of pasalubong.  Wala pa akong nabibili for Teacher Vanie.  Ano ba ang maganda? 

Siguro yung magagamit nya, like T-shirt or cap na may nakatatak na Palawan or Amanpulo.

"Love, ang tahimik mo ata?  What are you thinking?" mahinang sabi ni Deanna.

Hindi naman ako makasagot agad.  Sasabihin ko ba na pasalubong ni teacher Vanie ang iniisip ko?

Dahil hindi ako sumagot, nagsalita uli sya.

"I'm sorry Love, sa nangyari. Hindi ko naman alam na ganun ang kalabasan ng surprise ko kay Tito." malungkot na sabi nya.

Nakunsensya naman talaga ako.  I know that she meant well dun sa surprise treat, nabulilyaso lang.

"Baby, it's okay.  Smile na please." I answered.

Hinawakan ko yung kamay nya sa ilalim ng lamesa. Pinisil pisil ko ito, parang assurance na magiging okay ang lahat.

She smiled na rin sa wakas. 

Ang saya ko, I missed seeing her sweet smile.

Sana naman maintindihan ni Mama yung intention nya to make Papa happy sa Father's Day.

Napatingin ako kila Mama, they're eating silently na rin.  Medyo okay na hitsura nila. 

Mafe is back to her old self, nakikipag biruan na sa group nila Ysa.

Officially Yours ( Book 2 )Where stories live. Discover now