Chapter 32

12.2K 365 235
                                    

Jema.

Pinagpapawisan na ako dito sa ilalim ng kama ni Deanna. 

Ang tagal naman kasing gumawa ng paraan ni Wong para umalis na sila Mama.

Pero nag alala naman ako dahil hinahanap nila si Papa.  Siguro  naman nasa tabi tabi lang yun. Nagtampo siguro nung pinagsabihan ni Mama.

Narinig kong binanggit nila ang pangalan ko.  Mukhang ako naman ang hinahanap nila Mama.

Ano ang gagawin ko?  Hindi ako pwedeng lumabas at malalaman nilang dito ako natulog kay Deanna.

Gawan mo ng paraan Deanna.

Sa kasisilip ko sa kanila, nauntog pako.  Ouch naman, kaso masyadong malakas pala kaya lumikha ng ingay tuloy.

Then I saw small feet coming towards me, waahh,  it's Chelsea.  Tumigil ito malapit kung san ako naroroon.

Halos pigil hininga na ako kasi naman baka biglang maamoy ako ni Chelsea.

Matindi ang batang ito sa larong hide and seek, lagi nya ako nahahanap pag naglalaro kami.

"Chelsea, there's nobody here in my room.  It's the wind blowing from the toilet's window, that's the sound you heard." Deanna told her.

Naku, mukhang nag iisip pa sya kasi hindi gumagalaw, nakatayo pa din malapit sakin.

"But I thought somebody is here.  Wait, is that Mummy's phone?" Chelsea said.

I saw Deanna's feet walking quickly sa may side table nya.

"Yes, she left it at the bar last night.  I will give it back to her, okay?" she replied to Chelsea.

Shocks, nandun pala yung cellphone ko sa table, nawala sa isip ko na itago.  Ang tindi ng mata ni Chelsea, pati yun napansin pa.

"Let's check the toilet window, Dada.  Make sure it's not open because bad people might come in." Chelsea said.

At nagsimula na syang maglakad papunta sa cr.  Buti na lang naagapan yata ni Deanna kasi huminto ito.

"Nooooo, we have no time for that baby Chelsea.  Let's go and find your Granpa Jesse.  You come with me, okay?" she told Chelsea again.

"Okay, Dada. If we find Grandpa, can we go swimming after, please?" she replied.

"Yes, whatever you want Chelsea." Deanna said before carrying her out of the room.

Nakahinga uli ako ng maluwag pagkasara ni Deanna ng pinto.

I waited for another 2 minutes,  mahirap na baka biglang may bumalik ng room.  Then unti unti na akong lumabas mula sa silong ng bed nya.

That was close.  But I  need to get out of here asap. 

Nawawala pala si Papa, anyare kaya dun?

I went straight to our room para makapagbihis na rin.  Binuksan agad ni Manang yung pinto pagkatok ko.

"Good morning po ma'am Jema. Nakaalis na po sila para hanapin si Kuya Jess.  Dinala ni boss Deans si Chelsea. Maiwan na daw ako para sabihin sa inyo." mahabang sabi nya.

"Ah, thank you Manang. Good morning too. Magbibihis lang ako tapos puntahan na natin sila." sagot ko.

Kumuha na ako agad ng damit. Uuwi na rin pala kami mamaya.  Kailangan makapag swim uli sa beach mamaya.

"Thank you din pala kanina, sa suporta." nangingiting sabi ko bago pumasok ng banyo.

Ngumiti naman sya ng nakakaloko.

Officially Yours ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon