Chapter 56

10.3K 334 245
                                    


Deanna.

Nandito lang ako sa condo right now. I'm bored na. Ayaw naman akong payagan ni Mom lumabas. She said that it's better to stay in the house, iwas disgrasya. Malapit daw kasi sa sakuna ang mga malapit ng ikasal.

I was like, hello, it's a millennial era already. Don't believe on those things. But I can't say those words to Mom, hehe. Anyways, it's better to be safe than sorry.

Siguro nami-miss ko lang si Jema. After ng trip namin sa Laguna kahapon, kanya kanya na kaming uwi ng bahay. So, hindi pa kami nagkikita uli.

Grabe naman, parang 24hours lang kayong nagkahiwalay.

Eh sa nami-miss ko nga.

Scroll up and down muna sa phone pampalipas ng oras. I've just seen the photos that Michelle posted on instagram. Tawang tawa ako sa hitsura nilang lahat. Naka yellow bathrobes ang mga girls.

Ang cute cute nila, pero iba ang Love ko, she looks hot. Iba ang dating ni Jema sa akin pag naka bathrobe, hehe.

Parang ang sarap nyang hubaran ng robe, ooppps.

Naughty, naughty, Wong.

At may champagne pa sila. Bongga ng pa-party ni Kris. Pak na pak. I like it.  Siguradong mag eenjoy silang lahat tonight.

It's my turn naman tomorrow to have a stag party.

Seryoso, stag talaga?

Yes, Fhen have something in-store for me.  Babawi ang loko since ako ang nag organized ng party nya before.  At nangako din sya sa akin dati pa.

I grinned while remembering Fhen's stag party, haha.  That was fucking hilarious.

Kahit muntik na kaming mag away ni Jema because of the hickey on my neck.  Pahamak yung girl, imbes na si Fhen ang harutin, ako ang napagtripan eh dapat yung groom.

Then I saw the latest pics and videos na pinost ni Michelle, wtf. Ano yung nakita ko? They have boys inside the room at mukhang enjoy na enjoy silang lahat, pati si Jema.

Halos lumuwa yung mata ko sa nakita.  She is holding... what???

Holding something na ano. I cannot look at it.

Maloloka ako dito kay Kris. Bakit napaka naughty ng bridal shower ni Jema? Pero I can see the faces of the girls na tuwang tuwa sa mga boys na nandoon.

Potek, mukhang nasalisihan ako kay Jema.

Bigla akong napatayo. Napatingin tuloy si bro Dean sa akin na busy sa kalalaro sa phone nya. ML pa more.

"What's up Ate, you got problem?" tanong nya.

"Oh nothing, bro.  I just saw something." tipid na sagot ko pero mukhang hindi sya naniwala.

He stopped playing and looked at me.

"Share it to me Ate, come on." he insisted.

Huh, sasabihin ko ba sa kanya?

Affected ako sa mga pictures nila Jema kaya medyo masama ang loob ko.   Mas okay yata kung masabi ko ito sa kanya and get his opinion. 

Hay bahala na.

"Look at these pictures and videos from the shower party of your Ate Jema.  She's enjoying touching that thing, you know, that thing." I said habang nakakunot ang noo at itinuturo sa kanya yung picture.

I showed him the pictures and the videos, at ayun tawa ng tawa sa akin pagkatapos. Walanghiya akala ko pa naman makikiramay sa akin.

"Bakit ka natatawa dyan ha?" I asked.

Officially Yours ( Book 2 )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang