Chapter 14

12.8K 296 111
                                    


Deanna.

I woke up with a smile. 

Lagi akong naka smile ngayon, minsan para akong tanga kasi nakangiti kahit mag isa.

Masama na ito, feeling ko may tama na ako. 

Yup, tama kay Jema.

I always see her now because of our project for Rebisco.  Nagiging comfortable na uli kami around each other.  Palagi ko na naman syang inaasar.  Minsan naiinis sya pero madalas sinasakyan na lang nya ang trip ko.

But then malapit na matapos yung project,  pwede kayang wag na namin itong tapusin?

Bukas na yung final revision sa advertising na ginawa namin.  We will just play it out and make sure the quality is par excellence.

The final presentation is on Monday, sa Rebisco office na.

I went to the bathroom and had a shower bago lumabas na ng kuarto after magbihis.  Ready na uli pumasok sa office.

I saw Fhen sa kitchen, naka kulambaba.  Bakit ang aga magising?  Alam ko late na sya umuwi kagabi.

"Good morning, buddy.  How are you?  Ang aga mo yata today, may lakad?" tanong ko habang kumukuha ng tasa sa cabinet for my coffee.

"Hey, morning too.  Hindi na ako nakatulog nung magising ng 4am,  buddy.  Ewan ko ba, sa dami ng iniisip siguro.  Bukod sa kulang sa tulog, di rin ako halos makakain.  Pumayat na yata ako." sagot nya.

Pinagmasdan ko sya, medyo pumayat na nga itong pinsan ko.  Malalim na ang mga mata, laki na ng eye bags. Mukhang dinaanan ng bagyo ang itsura.

"Omg, buddy.  Alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan." seryosong sabi ko.

Medyo nagulat pa sya kaya biglang napatingin sa akin.

"Ha, what is it buddy?" medyo kinakabahan na tanong nya.

"Wag kang mabibigla ha.  I think buntis ka!!!!" natatawang sabi ko sa kanya.

Yung hitsura nya halos di ko mai-describe.  Antagal bago nya nakuha yung sinabi ko.  Ang slow mo talaga Fhen, huh.

Binato nya ako ng kutsara na nasa tabi nya buti na lang may pagka ninja ako so yun, hindi ako natamaan.

"Walanghiya ka Deanna, kundi ka lang best man sa kasal ko, tagal na kita pinauwi ng US." inis na inis na sagot nya.

"Uy, grabe ka naman, muntik nako tamaan nun ha.  I'm just joking, pano naman yang hitsura mo parang ewan.  Dapat relax lang, buddy.  Mamaya magbago pa isip ni Melanie haha." pang aasar ko pa sa kanya.

"Hay, super stressed na yata ako. I'm feeling nervous right now.  Ganito yata talaga pag ikakasal na.  Kaya pwede ba, wag mo ng dagdagan pa." sabi nya.

"Don't worry,  mawawala yang kaba na yan mamaya buddy.  Remember, tonight na yung stag party na inihanda ko para sayo.  Siguradong makakalimutan mo lahat yan. Kaya don't over think na muna.  Let's enjoy the night,  yeah?" tanong ko.

"Bakit mas lalo yata akong kinabahan dyan sa sinabi mo.  Make sure lang na buo pa rin ako pagkatapos ng party kundi yari ka kay honey." she said.

"Of course, ako pa.  Ako ang bahala sayo, buddy.  I got you.  Now,  why don't you go back to bed and catch some sleep.  So you'll have energy tonight." I replied.

Umoo naman sya at nag thank you sa akin sabay balik na sa room nya.  Kung alam mo lang, Fhen.  You're in for a big surprise tonight.

After drinking my coffee, I turned my phone on.  Scroll up and down muna sa social media.  I read some interesting stories, nag like, comment, hanggang magsawa na. 

Officially Yours ( Book 2 )Where stories live. Discover now