Chapter 50

12.3K 361 210
                                    


Deanna.

We are on the second week of our vacation.  So far okay naman.  Slowly but surely getting there, sa mga plano namin ni Jema.

Mom and Jema are both okay naman na although wala pang blessing from Mom about sa engagement. 

Wala naman na rin syang sinabi against it so feeling ko, approved na.

Gusto kong ipasyal si Jema and Chelsea, yung kaming tatlo lang kaso araw araw akong isinasama nila Dad and Mom.  Kung hindi sa shop, doon sa restaurant.

Hay, no time na tuloy sa Mi Familia.  Miss ko na sila, lalo na si Love.

Di bale, weekend na bukas. I already told Dad na magro road trip kami nila Jema and Chelsea. 

He said that it's about time na ipasyal ko nga ang mag ina at baka bored na.  But he changed his mind,  si Jema na lang daw ang igala ko.  Para masolo ko daw si Jema, he will make sure na maiiwan si Chelsea.  Sya na daw bahala, haha.

Wow, I love my Dad. Supportive lang ang peg, sana all.

Pauwi na kami ngayon ni Dad.  Atat akong umuwi dahil nagluto daw si Jema ng dinner.  I want to help her bago dumating si Mom.  Nasa restaurant pa kasi sya, mamaya pa iyon uuwi.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa luto ni Jema, I just want to make sure na perfect ito.  Para bumilib naman kahit konti si Mom sa kanya, huh.

Ah, hindi pa ba?

I can feel that she still have reservations.  So I really need to support my missus.

Hindi ko na hinintay si Dad dahil magpa park pa sya sa likod.  Bumaba na ako at pumasok na sa main door.  Nakita ko agad si Chelsea sa sala, nanonood ng cartoons.

"Hello, sweetie." I greeted her.

"Dada, I miss you." she said sabay takbo papunta sakin.

Niyakap ko naman sya agad at binuhat.  I kissed her sa forehead.

"I miss you, too.  Where's your Mum?" tanong ko.

"She's in the kitchen, cooking." sagot nya pero nakatingin na uli sa TV.

Ibinaba ko na sya at pumunta na sa kitchen.  I saw Dean and Jema talking, parang seryoso ang dalawa.

Narinig ko na tinatanong ni Dean si Jema kung sa Pinas na ba talaga kami titira.  At sumagot naman si Jema na hindi pa sigurado dahil hindi pa namin napag uusapan ito.

Oo nga naman, hindi pa namin napag usapan yan. 

Pero tama si Jema, most probably sa Pilipinas nga.   Dahil nandoon ang trabaho namin pareho.

That's what I plan naman talaga, ever since na bumalik ako sa Philippines.  To look for Jema and to be with her. Kung nasaan sya, doon ako.

But I  haven't asked her yet kung saan nya prefer tumira.  Nag assume kasi ako agad na hindi sya papayag lumipat sa US in case na mag asawa na kami.

Don't ever assume, Deanna.

That gives me an idea.  I will talk to Jema about it.  Lahat naman dapat pinag uusapan and both sides dapat ang magde decide.  Lalo na kung life changing na yung gagawin namin.

Jema was about to say something yata but she saw me na. Pano ba naman, nasa likod ko na pala si Dad at itinulak nya ako papasok ng kitchen.

"Deanna, it's not good to eavesdrop." bulong sakin ni Dad habang nakangiti.

Huli ako dun ah kaya napakamot na lang ako ng ulo.

At yun nga, nagpakita na kami ni Dad sa dalawa.

Officially Yours ( Book 2 )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora