Chapter 35

12.8K 291 136
                                    


Jema.

Nag wave kami ni Chelsea kila Mama habang paalis yung taxi na maghahatid sa kanila sa Laguna.

"Love you Grandpa, Nana and auntie Mafe!!!" sigaw pa ni Chelsea.

Akala nya maririnig pa nila sya.

We will miss them, lalo na si Chelsea. Di bale, malapit na yung fiesta sa amin.  Sakto na Saturday yun kaya makakauwi kami.

Deanna is looking at us, binabantayan nya yung bags namin.  Magta taxi din kami at sasabay daw sya sa amin.

Kanya kanya na rin yung mga kasama namin umuwi.  We made sure na nakasakay ng maayos ang lahat.

Monday bukas, back to work again and back to reality.

Buti na lang maaga ang dating ng flight namin, eksakto 6pm.  Madaming time para makapag rest tonight.

Pagdating sa bahay, pinapasok ko muna si Deanna para kumain na muna ng dinner. 

Nagpa drive thru kasi kami kay mamang driver sa McDonald's.

After eating, knock down na agad si Chelsea.  Kanina pa nga sya masungit dahil inaantok na talaga.

Dinala na sya sa taas ni Manang after naming mag good night sa kanya.

"What time ka uuwi, baby?" I asked Deanna habang nasa sala kami.

"Pinapauwi mo na ako? Ayaw mo na akong kasama?  Ayaw mo na akong kausap?  Ayaw mo na akong makita?" tanong din ang sagot nya.

OA lang, Wong.

"Hindi naman sa ganun. Para tinatanong ko lang po, dami ng tanong.   Sungit naman ng baby ko.  Pasalamat ka, cute ka kundi." sabi ko.

"Kundi ano?  What??" tanong uli nya.

Aba, gusto ba nito ng away?  Pwes, hindi ko papatulan.  Naglalambing lang siguro.

"Baby,  may work ka pa bukas, pati ako kaya.  We need to rest din po." I replied.

Yumakap ako sa bewang nya at humilig pa sa kanya. Ang sarap ng ganito, kung pwede nga lang dito ko na sya patulugin pero need nya talagang umuwi.

"Maya maya pa, Love. Hindi pa ako inaantok. Ganda nga ng pwesto ko dito." sabi nya sabay yakap din sa akin.

Pero naghikab na naman sya, pang ilang hikab na rin nya ito.  Pagod na talaga si baby ko.

"Ah yan na ang hindi inaantok, haha. Ako rin, gusto ko yung pwesto ko." natatawang sabi ko.

"Pwede ring ganito tayo sa kuarto mo, Love." bulong nya habang kini-kiss ang noo ko.

Waahhh, I like that.

Bakit ba sobrang extra sweet nya ngayon?

"Kahit gusto ko, hindi po pwede. Come on, baby, time to go home baka hindi na kita pauwiin nyan." sabi ko sabay kalas na sa yakap nya at tumayo na.

"I can sleep anywhere, kahit sa sofa, kung ayaw mo doon sa kuarto mo." naka smirk na sabi nya.

Naku hirit pa more Wong, baka pumayag nako nyan.

"Baby, the answer is No.  Bawi na lang ako sayo next time.  Marami pa namang oras para sa atin di ba?" I said.

"Okay, I'll go then but wait, I have something for you and Chelsea." she said while taking something out from her bag.

Ay, may regalo din sya sa akin?

Kinuha ko na rin yung cap na binili ko para sa kanya.

"Ah, me too. I got you something din. Simple lang ito kaya pagpasensyahan mo na po." sabi ko.

Officially Yours ( Book 2 )Where stories live. Discover now