Chapter 55

12.6K 399 322
                                    


Jema.

"Papa, nakikinig ka ba?  Huwag ka ng bumili pa ng alak, pagkain na lang. Balikan lang naman kami dyan bukas." sabi ko sa phone.

"Pwede ba naman yun, anak? Na walang alak?  Natural lang na mag inuman kami ng magiging balae ko bukas.  First time akong bibisitahin, parang pamamanhikan na yang gagawin nila di ba." giit pa ni Papa.

Mamamanhikan?  Ganun ba ang tawag dun?  Parang late na yata ito dahil naka set na lahat lahat about sa wedding.

Pamamanhikan pa rin ang tawag kasi kasama ang family ng groom este bride.

In English, supplication. Taray.

"Ah wait lang Pa, I'll ask Deanna muna pala baka they will bring some food tomorrow." sabi ko uli.

"Huwag mo ng tanungin at nakakahiya. Mayroon naman tayong pambili ah.  Basta tumawag ka sa amin bukas pag on the way na kayo. Para makapagpalamig na ako ng inumin at maihanda na rin ang pulutan." sagot nya.

Tigas talaga ng ulo ni erpat.

Tinawagan ko kasi agad sila ni Mama pagkahatid sa akin ni Deanna after ng dinner namin.  I told them that we will be there tomorrow before lunch.  Nataranta naman si Mama pero sinabihan ko na mababait ang parents ni Deanna.

Kahit na daw.  Dapat pa ring maghanda ng todo para hindi daw sila mapahiya sa mga balae nila.

Buti na lang at kahit Friday pa lang bukas, nakapag leave sila from work ng wala sa oras.  They have time na makapag prepare ng maayos para sa mga bisita.

-------------------

830 ng umaga nasa house na sila Deanna and her family. Dahil hindi kasya, gumamit kami ng dalawang sasakyan.

Si Deanna na yung nag drive ng kotse ko with me, Manang and Chelsea.  Nag convoy na lang kami, with her Dad driving sa kabilang sasakyan.

Nakarating kami ng Laguna mga alas onse na rin.  Si Mafe ang nagbukas ng gate.

Ngiting ngiti si Papa sa may pintuan namin. Naka white polo ito at black slacks. Parang principal pa rin ang porma kahit nasa bahay na. Si Mama nag effort din naman, naka black palda at white blouse. Terno terno lang sa kulay.

"Magandang umaga sa inyong lahat.  Mga balae, mabuti naman at nakarating kayo ng maayos dito sa aming lugar.  Pagpasensyahan nyo na ang aming munting tahanan." seryosong panimula ng Tatay ko.

Hala, feeling ni Papa yata nasa school pa sya at nagwe welcome address sa panauhing pandangal.

Hindi tuloy makapagsalita ang parents ni Deanna.  Mukhang na-intimidate sa bigote ni Papa.

Nagkatinginan kami nila Deanna at Mafe.  Sabay sabay pa kaming napabunghalit ng tawa.

Sa amin na tuloy nakatingin ang lahat.

"What's so funny?  Are you not letting us in Grandpa?" tanong ni Chelsea.

"Excuse me, people." she added.

At sumiksik na sya para makapasok sa loob.

"Ay oo nga naman, Jesse.  Huwag ka kasing humarang dyan sa pinto.  Para makapasok na ang mga bisita. Tuloy kayo mga balae, Deanna." sabi ni Mama.

I introduced first my family to them and ganun din ang ginawa ni Deanna. Nagkamayan muna sila at beso beso bago pumasok. 

Nagulat naman ako sa ayos ng bahay sa loob.  Ang linis, ang bango, maaliwalas at presko.  I am beyond proud. 

Sobrang ginalingan naman nila Mama.

Dinala na agad ni Papa si Tito Dean sa side at pinaupo na ito.  Inabutan nya na rin ito ng baso. May JW blue label lang naman sa table. 

Officially Yours ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon