Chapter 41

16.7K 387 238
                                    


Warning. Warning.  For adults only.
⚠ ⚠ ⚠ ⚠

--------------------------

Jema.

"Okay, I'll listen." sabi ni Deanna.

So umupo na ako sa tabi nya at humarap.   Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay.

"First, sorry muna okay.  I was wrong nung hindi ko sinabi sayo na si Teacher Vanie yung kasama ko na nag lunch.  Kasi naman, mag uusap nga kami about sa field trip.  Pero hindi lang yun ang dahilan.  I also wanted to give her yung pasalubong na binili ko para sa kanya." panimula ko.

Nagulat naman sya pagkasabi ko about sa pasalubong.

"Ah kasi di ba, parang nagalit ka nung time na tinanong ko si Teacher kung ano gusto nya pasalubong.  Kaya ayun, hindi ko na ipinaalam sayo na bumili ako.  And nagkataon, sarong din ang binili ko para sa kanya pero red. Same dun sa binigay mo sakin na yellow." sabi ko.

Tahimik lang sya nakikinig kaya I continued my story.

"Then si Chelsea, may napili syang pasalubong for Teacher.  And guess what?  Red coral bracelet lang naman. Dalawa ang pinabili nya para terno daw sila ni Teacher Vanie.  Parehas din doon sa ibinigay mo sa amin. What a coincidence talaga na parehas kayong napili ng anak mo, este, ng anak ko." sabi ko pa.

Uy, kunwari nadulas sya.

"Anak natin." mahinang sabi nya.

"Ha?" tanong ko kasi hindi ganun kalinaw yung pagkasabi nya.

"Wala. Go on, please." she replied.

Kainis naman, hindi nya na inulit.

"Feeling ko magkakagulo na tayo dahil sa bracelets na yan at sarong na pasalubong, kaya hindi ko na sinabi sayo ito.  Itinago ko na lang din yung bracelet na para kay Teacher sana. Yung sarong na lang ang ibinigay ko." I said.

"Pinlano ko talaga ibigay yun ng solo kasi kung isasama ko pa si Chelsea, siguradong she'll mention the bracelets to Teacher. Naiintindihan mo na ako?" I asked her.

Tumango naman sya.

"Sorry din kung hindi ko pa naisusuot yung bracelet na bigay mo ha. Im just waiting kasi na ibigay mo yung kay Chelsea, para sabay na kaming magsuot." dagdag ko pa.

"Tapos na yun, okay na sakin yung paliwanag mo.  Pero sana next time, wag ng maulit. I mean, just be honest with me para wala ng gulo." she said.

"Yes po, baby. Hindi na mauulit." sagot ko habang pinipisil pisil ang kamay nya.

Deanna seems okay naman na, hindi nya inaalis yung kamay ko. Parang sya na nga ang nakahawak sa kamay ko ngayon.

"Teka, hindi ko alam pala bakit mo nalaman yung sa lunch namin ni Teacher.  Paano mo nalaman? Kay Manang?" tanong ko sa kanya.

"Nooo, it's not her.  Don't get mad  at Manang.  Ako mismo ang nakakita sa inyo kasi nga nandun din ako sa area malapit sa school ninyo. I was sitting behind you when I called.  Hindi na lang nga ako nagpakita kasi naiinis na ako nun sayo.  Sobrang sweet kasi ni Veni sayo tapos may pahawak hawak pa ng braso mo." she replied.

"Ay ganun pala yun. Kaya hindi mo na sinagot yung mga texts at calls ko sayo.  Naging malamig na  rin yung text mo sakin tapos hindi mo na ako sinundo." sabi ko sa kanya.  

"Oo ganun na nga, I was mad and jealous eh. Tao lang." she said habang nakasimangot.  

"Ang cute mo kamo, baby ko." natatawang sabi ko.

Officially Yours ( Book 2 )Where stories live. Discover now