Chapter 24

15.7K 365 264
                                    


Jema.

Damn.  Akala ko tuloy tuloy na yung ganda ng araw ko, pero may maninira pa rin talaga.

Sabagay, we started our day in a bad way agad dahil sa pagtawag ni Vanie sakin kaninang umaga. 

Pero naayos na namin ni Deanna.  Okay na nga eh.  Labing labing na sana kasunod nun.

Tapos ngayon, sya naman ang gagawa ng kalokohan.

Hay, nakakainis.  Saglit ko lang iniwan itong si Deanna Wong, may nakilala na agad na chicks.

Aba, aba! Ang haliparot din naman nung babaeng yon.  Bagong kakilala lang, gusto ng umiskor, tapos kay baby ko pa.  Ano sya, sineswerte??  Eh di tumaya sya ng lotto baka sakaling swertehen sya dun.

So, ano pa nga ba ang dapat gawin sa ganyang sitwasyon kundi mag walk out.  Yes, ako ang dakilang walk-out queen.

Teng ene nemen, kesa manapak ako ng kabuteng babae na sumusulpot lang kung saan saan.

"Looooove." tawag ni Deanna sakin.

Argh!  Tumigil ako sa paglalakad pero naiinis ako.  Kaya hindi ako lumingon sa kanya.

"ANO YON?" malamig na sagot ko.

"Love, bakit mo ako iniwan doon? Ganyan ka na ba talaga ngayon, nang iiwan na?" she asked.

What?  Mukhang may laman ang sinabi ni Wong ah.  Siya pa talaga ang may ganang manumbat ng ganun? Napilitan na tuloy akong humarap sa kanya.

"If I remember it right, ikaw ang may style ng ganyan, Deanna.  Yung nang iiwan!" medyo napalakas na sagot ko.

Nag iba agad yung mukha nya, naging malungkot.  Halatang nasaktan. Mukhang iiyak pa ata.

You're opening the can of worms, tsk.

At bakit hindi?  Dapat lang, para mapag usapan namin.  Nasa palaban mood ako ngayon.

"Jema, I won't go back there.  That's past already.  Hayaan mo muna kasi akong mag explain, please." she said na parang kawawa.

Naawa naman ako kay Wong.  Pero kahit na past na yun, connected pa rin sya ngayon.  Kaya dapat talagang pag usapan. 

Hay, me and my insecurities.  You can't blame me for feeling it.

"Love naman eh.  Pansinin mo na akoooo.  Wag na tampo." sabi nya uli.

Pilit nya akong niyayakap kaya nagpapadyak naman ako na parang bata.

Seriously, talo mo pa si Chelsea sa pagiging matampuhin.

I need to compose myself din para marinig ko ang explanation nya. You know, give her the benefit of the doubt.

Umupo ako sa isang bench na malapit sa room namin. Tumabi naman sya sa akin.

"Sino ba yon? Bakit kilala ka nya? At ano yung sinasabi nya kanina na encounter ninyo?" mahinahon pero sunod sunod na tanong ko.

"Okay, ganito yun, Love. That was Ysa, hindi ko naman talaga sya kilala personally.  After ko kasing mag ayos ng gamit kanina, naglakad lakad ako sa may shore para tignan yung dagat at yung lugar na rin.  Balak ko kasi na ilibot ka dito, yung ako ang parang tour guide mo." panimula nya.

Okay, fair enough.  Tumango ako para ituloy nya ang kwento.

"Nakakita ako ng duyan kaya naengganyo akong umupo muna doon.  May isang grupo na naglalaro ng volleyball malapit sakin, then napunta yung bola sa may side ko kaya inabot ko lang sa kanila.  Ayun." sabi nya pa.

Officially Yours ( Book 2 )Where stories live. Discover now