Chapter 40

13.6K 373 272
                                    


Jema.

I'm here now sa parking area ng building where Deanna lives.  Nagdadalawang isip ako ngayon kung tutuloy pa ba o hindi na.

Kung kanina galit na talaga ako and I was in the mood to talk para ma-settle yung issue, ngayon nag iba na.

Medyo nag subside na rin yung emosyon ko.  Akala ko nga I'll have a mental lapse again kanina.  Buti na lang nakapag drive pa ako ng maayos.

Hay,  kainis ka, Deanna. Kung hindi lang talaga kita mahal.  Matagal na akong nag give up sayo.

Hindi pa ba sapat sa kanya yung tatlong taon na wala akong naging karelasyon?  Na hindi ako nag entertain ng iba, dahil sa kanya.  Hindi nya ba nakikita at nararamdaman yung pagmamahal ko sa kanya?

Bakit ang babaw ng tiwala nya sa akin?  Sa tingin ba nya, I'll cheat on her?  Like what Elaine did to her?

May trust issues nga sya.

Shit na yan. Don't she ever compare me with that woman dahil magkaiba kami.

Sorry na po Elaine kung nadadamay ang name mo.  Patay na nga pala yung tao.

Lumabas na nga ako ng car baka magbago pa isip ko.  Tahimik akong sumakay sa elevator papunta sa unit ni Deanna.

I have my spare key sa condo nya kaya hindi na ako kumatok pa pagdating doon. 

She gave it to me after ng wedding ni Fhen. The morning after, to be exact.  Kung kelan kami nagkabalikan ulit. Hindi pa nga official yung sa amin, eto may problema na naman.

Pagdating sa unit nya, dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Dim ang light sa loob kaya sinanay ko pa ang aking mga mata sa paligid.  May music akong naririnig. 

Nasaan kaya si Deanna? 

At ayun nakita ko sya na nakaupo sa sofa, sa may gilid pa talaga kaya hindi ko agad napansin.   Nakahilata lang sya at nakapikit, pero may hawak na beer.

May mga nakahilera lang naman na ilang bottled beers sa table na nasa harap nya.

Hindi nya yata namalayan na nandito ako kaya nagulat sya ng makita ako.

"How did you...?" she questioned curiously.

Pinakita ko naman agad yung susi sa kanya kaya natahimik na sya.

Naupo ako sa tabi nya habang sya naman ay tumungga sa boteng hawak.

"Why are you here?  I told you I'm not in the mood to talk.  Nag aksaya ka lang ng oras sa pagpunta dito." sabi nya.

Halata sa boses nya na nakainom na.  I mentally counted yung empty bottles sa harap nya. Apat na, so, pang lima na yang hawak nya.

Kailangan ang magandang strategy sa kanya para makausap ng matino.

"Nandito ako para makausap ka.  Para magkaliwanagan tayong dalawa. Ayaw kong matapos ang gabi ng hindi naaayos ang problema natin." mahinang sagot ko.

"Problema? I don't have a problem.  Baka ikaw, meron." mabilis na sagot nya sabay inom uli.

Okay, I really need to be patient with her.  Nakainom na ito kaya medyo matalas na ang mga salitang lumalabas sa bibig nya.

"Sabi ko nga, wala kang problema.  Sige, ako na ang may problema.  You want to know kung ano o sino ang problema ko?  Ikaw!  Ikaw ang problema ko,  Deanna." I replied.

Medyo tumaas na rin ng konti ang boses ko.

"Hahaha, so ako pa ngayon ang problema mo?  How about yung Teacher na yun, problema mo din ba sya?  Alam ko nag usap na tayo tungkol sa kanya.  Oo, pinagselosan ko na sya.  Sinabi ko na sayo dati na may gusto yung tao sayo.  Dapat iniwasan mo na sya, di ba?  Kung talagang mahal mo ako, iiwasan mo sya!!" pasigaw na sabi nya.

Officially Yours ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon