Chapter 34

12.7K 319 175
                                    


Jema.

After naming mag usap ni Mafe, bumalik muna ako sa room para magpalit ng pang swimming na attire.

I wore my blue two piece bikini pero nagsuot ako ng shorts baka umusok ilong ni Wong haha.

May pagka conservative kasi ang baby ko.

I grabbed my bag, hat and sunglasses na rin bago lumabas ng room.

Sumabay na ako kila Papa at Mama pumunta ng beach area. Magkasundo na yata sila kasi nakaakbay na si Papa.

Mabuti naman at bati na sila. Hindi na rin sila nagtanong sa akin about sa mga kagat kagat na binanggit ni Chelsea.

Napangiti ako habang naaalala yung nangyari kaninang umaga.

"Enjoy lang po kayo ha, Pa and Ma. Kung may gusto kayong bilhin, sabihin nyo lang sa akin. Pupunta tayo dun sa souvenir shop after nating maligo." sabi ko sa kanila.

"Sige nga anak, para makabili ako ng pasalubong sa mga kumare ko." sagot ni Mama.

"Ako wala na anak, sulit na ang pag stay ko dito sa Amanpulo. Pero balak ko bumalik dito ng dalawa lang kami ni Mama mo." sabi naman ni Papa.

"Weehh, sigurado ka na ako ang dadalhin mo dito? Baka kamo babalikan mo lang yung mga nagmasahe sayo." sabi ni mudra sabay irap.

Huh, di pa yata tapos ang issue na yun sa kanila.

"Siempre ikaw ang dadalhin ko dito, Mahal. Mag bakasyon uli tayo dito sa anniversary natin, promise." sagot ni Papa.

"Sinabi mo yan ha, Mahal? Naku excited na ako tuloy sa anniversary natin. This year ba yun?" tanong ni Mama.

"Hindi, sa 30th wedding anniversary natin. Mga three years pa yun, Mahal." natatawang sabi ni Papa.

"Walanghiya ka Jesse, na excite na ako tapos three years in the making pala yang plano mo. Huwag na!!" sabi ni Mama.

"Joke lang naman, Mahal. This year tayo babalik dito. Ano ka ba, alangan next year." sagot ni Papa.

"Narinig mo yan Jema, ipaalala mo sa kanya ulit yan at baka makalimutan na naman. Ulyanin na yang Tatay mo eh." dagdag ni Mama.

"Ulyanin nga pero malakas pa rin ang tuhod, hahaha." biro ni Papa.

WTF, too much information naman ang dalawang toh.

Hinampas tuloy sya ni Mama sabay takbo papunta sa dagat. At ayun naghabulan na silang dalawa na parang mga bata.

Wow, mag harutan at mag asaran pa talaga sa harap ko. I kennet.

But I won't complain basta masaya sila. Pagbigyan na tutal ngayon lang talaga sila nakapag bakasyon.

They worked hard para sa amin ni Mafe. Hanggang ngayon nagtatrabaho pa sila kahit may work na kami pareho ni Pangs.

Natutuwa nga ako at kahit papano, I was able to take them here. Next time, sana sa out of the country ko na sila madadala.

Fingers crossed. Kaya yan, konting sipag at tyaga pa.

Me and my wishful thinking.

--------------------

Pinuntahan ko na sila sa beach. Nakita ko agad si Chelsea na tinuturuan ni Deanna mag swim. Hay ang cute nilang tignan.

Sina Mafe at Manang naman ay busy gumawa ng sand castle.

Napatingin agad si Deanna sa akin. Siempre naman, sexy ko eh.

Officially Yours ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon