III : Music Club

1K 57 0
                                    

A Z U R A

Kasalukuyan akong nakapila ngayon sa labas ng music clubroom. Marami naring mga nakapilang estudyante dala ang kani-kanilang mga instrumentong gagamitin. Kung ako ang tatanungin hindi pa talaga ako handa sa magaganap na mini audition. Hindi ako nakapag practice kahapon dahil sa unexpected na nangyari sa akin. Matagal pa naman bago ako madatnan kaya naisipan ko munang pumunta sa may vending machine malapit sa may hagdan upang makakuha ng maiinom.

Dala dala ko ang aking gitara ng magpunta kung saan nakalagay ang vending machine. Bumunot ako ng pera sa wallet ko at inihulog ito sa may gilid ng machine. Pinili kong uminom ng orange juice dahil favorite ko 'yun. Nagpunta ako sa may rooftop para doon inumin ang juice na binili ko. Tutal wala namang ibang tao rito ay napagpasyahan kong mag practice muna para maging ready kahit papaano mamaya.

Patuloy ako sa pag strum ng gitara ko at sa pagkanta ng bigla kong napansin na may nakasilip sa pintuan ng rooftop. Nang mapatingin ako sa kaniya ay nagmadali niyang isinara ang pinto at tumakbo pababa dahil dinig ko ang pagbaba niya sa hagdan. Tumayo agad ako at binuksan ang pinto, nakita kong nasa malayo na ang lalaking nakamasid sa akin kanina. Hindi ko nakita ang kaniyang mukha dahil mata lang niya ang nakadungaw sa maliit na siwang ng pinto. Napansin kong iba ang kaniyang uniporme that's why I came in a conclusion that he is a junior high student.

When I suddenly take a glance in my wrist watch it was already 12:45. Oh no! Mukhang natagalan yata ako sa pagpapractice nakalimutan kong oras na. Nagmadali kong kinuha ang gitara ko at tumakbo pababa ng hagdan. Mabuti na lamang at wala ng gaanong mga students na nakapila. Mabibilang mo na sila sa mga kamay mo unlike before I left sobrang dami na aakalain mong ticket selling para sa isang concert.

Mabuti na lamang at nakilala ako ng babaeng katabi ko kanina kaya agad niya akong pinapunta sa may unahan ng pila. May mga narinig pa nga akong nagreklamo pero wala na silang nagawa pa. Matapos lumipas ang limang minuto ay lumabas na ang estudyanteng babae ng may nangingilid na luha sa kaniyang mga mata. Nagsimulang magbulung bulungan ang mga kasama ko sa pila. Marahil ay nagtataka rin sila kung bakit ganoon na lang ang ekspresyon ng babae.

"Next!" sigaw ng isang babae mula sa loob ng clubroom.

Inayos ko muna ang sarili ko at ang bangs ko pagkatapos ay huminga ako ng malalim at ipinihit ang pinto na lumikha ng tunog dahilan para mapatingin ang mga nakaupo sa loob ng mini room sa akin.

"Tell us something about yourself miss" utos ng cute na estudyante habang nakangiti. Mukhang mabait siya dahil sa maamo niyang mukha. Nakalugay ang buhok niyang mahaba na medyo wavy na umaabot hanggang sa kaniyang beywang.

"I am Azura Shannon Calma. 17 years old, a senior high school student from ABM. Ever since I was young I have already a passion in singing. When my parents are still alive they used to be my coach. My father taught me how to play a guitar while my mother taught me how to improve my singing skill. Thank you" sabi ko habang tinitignan sila isa isa. Sa loob ng maliit na clubroom na ito hindi mo aakalaing marami rin pala ang gumagamit nito. Sa harap ko ay nakaupo sa maliit na sofa ang apat na estudyante. Dalawang lalaki at dalawang babae.

"You may now start your performance" nakangiting sabi ng lalaki na kulot ang buhok. He has a brace and a cute face. He looks so young. He has a curly hair. Siguro'y magkasing edad lang sila ng babaeng katabi niya 'yung cute na babaeng nagsalita kanina.

Sinimulan ko ng mag strum, kaagad kong nakuha ang atensyon nila. Talagang tutok na tutok sila sa ginagawa ko. Nakapokus talaga sila sa bawat galaw ko. Hindi ko tuloy alam kung mahihiya ba ako o ano. Sinimulan ko ng umawit.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon