XXXI : Trapped

532 39 4
                                    

─── A Z U R A ───

"Pati ba naman ngayon na may performance tayo umeepal parin siya?" naiinis na sabi ni Cole "Wala ba siyang magawa sa buhay niya?" he added as he sat in the couch. Kanina pa siya nagtatatalak simula ng malaman niyang may pakulo na naman si Unknownimous.

"Well, we don't have another choice but to play with Unknownimous kaysa naman hindi tayo makapag perform that's a big disgrace for our school" komento ng seryosong si Viridian na nakasandal sa may dingding. She looks cool tho.

"But how can we do that? Hindi nga natin maintindihan itong code na ibinigay niya" stressed na sabi ni Sienna sabay kamot sa kaniyang ulo.

If Roux's only here hindi kami mahihirapan ng ganito but sadly he's not here. Kanina pa namin siya sinusubukang kontakin pero useless. Nag call na kami sa kaniya ng makailang ulit pero iisa lang ang boses na naririnig namin sa linya kundi ang babaeng ngasasabi na out of reach ang tinatawagan namin. We only have a couple of hours to find the instruments before the event start. Kung alam lang namin na kukunin pala 'yun ni Unknownimous para hindi namin maituloy ang performance namin mamaya ay hindi na sana namin iniwan ang mga 'yun. If he/she wants to have instruments bumili siya hindi 'yung kukuhanin niya ng basta basta 'yung sa amin. Wala na kayang free ngayon, ang mahal ng mga instruments just so he/she know.

"Let's ask my bestfriend he will surely be a big help" mabuti naman at nagsalita na si Cerl kanina pa walang imik at tahimik lang nakaupo sa couch.

"Friend? You mean Yohan?" tanong ko in case na hindi niya matandaan ang pangalan ni Yohan kaya binanggit ko na. Siya lang naman kasi ang kakilala kong kaibigan niya at wala ng iba. Sa ugali ba naman niya talagang mabibilang mo sa daliri ang mga friends niya.

"No, not him" he denied kaya naman bigla kaming naintriga sa kaibigang sinasabi niya. So may iba pa siyang friend aside from Yohan and us?

"Who?" curious na tanong naming apat kay Cerl na blangko ang expression.

"Mr. Google" he said in a monotonous voice samantalang sabay sabay naman naming nasapo ang aming mga noo. Seryoso?

Tumikhim si Cole, "Mabuti nalang pala at may load ako ngayon" he said in relief kaya tinignan namin siya ng may kinang sa mga mata.

"Pahiram kami ng phone mo mag-se-search lang kami" seryosong sabi ni Viridian habang nakapalad ang kamay sa harap ni Cole.

"Kaso wala palang kasamang pang-internet" ngumiti siya at kinamot ang kaniyang batok.

Viridian rolled her eyes in disbelief. Tinignan niya kami ni Sienna pero tanging iling lamang ang isinukli namin sa kaniya.

"Hindi bat bestfriend mo naman si Google baka naman may pang-internet ka diyan" pagpaparinig ni Cole kay Cerl. That's his way of asking him.

"Sad to say we're not in good terms today" sabi niya habang nagbabasa ng dyaryo na hindi ko alam kung saan niya napulot dahil wala naman 'yun kanina.

Ang lakas maka-suggest tapos wala rin naman pala siyang pang-internet. Ang sarap buhusan ng kumukulong mantika ng lalaking 'to sobrang chill lang niya samantalang kami heto problematic. Nagpaalam muna ako na lalabas para mag-piso net sa malapit na computer shop. Free kaming maglabas masok ngayon sa school habang hindi pa nagsisimula ang event.

Halos mabaliw ako sa kaka-search ng code na ibinigay sa amin ni Unknownimous lagi kasi akong nauubusan ng oras sa tuwing nag oopen ako ng mga articles about doon. Sobrang dami ng mga related topics pero useless naman kapag dinedecode ko 'yung code. Naka-sampung piso na yata ako pero hanggang ngayon wala pa akong napapala. Hanggang sa ma-open ko ang isang site at ganito ang lumabas.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon