Epilogue

803 45 8
                                    

A WEEK LATER

Tuluyan na akong nakarecover sa sugat na aking natamo gayun din si Yohan slash Cerl. Ilang araw narin ang nakalipas mula nung makalabas kami sa ospital. At isang linggo naman mula nung mangyari ang huling bakbakan namin kay Unknownimous. I'm glad to know that Bros and Sienna are now in jail. Doon na sila tatanda. Ang pangalang UNKNOWNIMOUS ay mananatiling isang bangungot sa amin. Hindi na siya nag-eexist ngayon. Wala ng magpapadala ng mga card sa amin, wala ng manggugulo sa club namin at higit sa lahat magiging normal na ulit ang lahat. Wala ng patayan o krimen na magaganap. Everything will change and will be back to its normal state.

Ngayon na ang unang araw ng pagsisimula ng second semester. Pinapunta kaming lahat sa covert court dahil mayroong orientation bago magsimula ang classes. It feels nostalgic. Ang pagpasok ko sa school ng mapayapa. Nakaupo na kami ngayon sa loob ng covert court kasama ko ang mga kaklasi ko samantalang katabi ko naman si Claire na panay ang pindot sa kaniyang cellphone. May ka chat ba 'to?

"Let me guess, are you chatting with your boyfriend?" ala detective na sabi ko. Feel ko na ngayon ang pagiging detective. Sayang nga at wala na ang club namin.

"Alam mong may boyfriend ako?" she look astonished.

"A pleasant morning to each and everyone! Panibagong semester na naman ang inyong kakaharapin magmula ngayong araw Senior High students. I hope you will do a good job again just like what you did to the first sem. Ipapakilala namin ang mga new teachers na naka-assign sa iba't ibang subjects."

Pinanood ko at pinakinggan ang mga sinasabi ng emcee hanggang sa patapos na ito. Nakakabagot gusto ko ng pumasok ng classroom.

"Bago natin tapusin ang ating orientation may gustong sabihin ang ating school principal. Let's put our hands together for our principal, Ms. Irene Salcedo!" Anunsiyo ng babaeng emcee.

Lumakad ang principal ng may ngiti sa kaniyang labi. Kinuha niya ang microphone at pumunta sa gitna ng stage.

"Good morning students! May mahalaga lamang akong sasabihin. Ilang months narin ang nakalipas mula ng mangyari ang issue sa Music Club. Totoo na isa silang detective club pero hindi sila ang may kagagawan ng mga krimen na nangyayari rito sa school. Ang tunay na salarin ay nakakulong na ngayon. Wala na kayong dapat ikabahala pa dahil magiging normal na ulit ang lahat. Gusto kong linawin sa inyo na lahat ng mga ebidensyang ipinakita noon laban sa music club ay peke, lalo na ang mga documents na sinend sa inyong mga cellphone. The information written there are fabricated. Kagagawan 'yun ni Unknownimous, ang criminal mastermind na siyang puno't duli ng patayan dito sa school. Biktima lang din ang music club. Sa totoo lang ang ay sila pa ang nakahuli kay Unknownimous. Nang dahil sa kanila ay magiging safe na ulit ang school natin. Don't hate them instead acknowledge them for a job well done. May we call on the members of the Music Club to come here in front," pag-speech ng principal.

Sinundo kami ng mga CAT officers kaya hindi ako pwedeng magtago o hindi pumunta sa harapan. Naglakad kami at umakyat papuntang stage. Nakasama ko sina Cole, Viridian at Roux. Nag stop kami sa gitna at tumingin kami sa mga audience.

"Parangalan natin sila sapagkat sila ang mga bayani ng ating paaralan. Congratulations music club! Palakpakan natin sila!" Ms. Irene announced enthusiastically.

In-award-an kami ng medal at certificate. Nakipag kamay pa kami sa principal at head teachers. Pinalakpakan kami ng lahat. Makikita mo talaga sa kanila na masaya sila at mahal nila kami. Napakasaya ng pakiramdam ko. Ngayon ay wala ng mag iisip ng masama sa aming club. Malinis na ulit ang reputation namin at ang pangalan ng club namin. Pagkatapos ng awarding ay pumasok na kami sa klasi namin. Mabilis lang ang oras kaya recess na agad.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon