XLII : Cheese in the Trap

488 34 2
                                    

─── A Z U R A ───

I saw myself standing in front of the school gate in the middle of the night. May suot na backpack at hawak na lamp na animo'y may dadaluhan na camping. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at naudyok akong pumunta rito. Siguro dahil sa labis na kuryosidad ay kahit alam kong delikado nakipagkita parin ako kay Unknownimous. For the second time around ay inakyat ko ang fence ng school. Mabuti nalang at hindi ako napansin ni manong guard. I hope makita ko pa siya mamaya pag uwi ko.

Naging maingat ako sa bawat hakbang na ginagawa ko para di ako makita ng guard. Nakarating na ako sa tapat ng senior high building. It feels dejavu. Ang kaibahan nga lang ay ako nalang mag isa ngayon. Tumuloy na ako sa paglalakad sa building. Walang nakasulat sa card kung saan kami magkikita or saan ako pinapapunta ni Unknownimous kaya pumunta ako sa locker room. Nagbabakasakali na nag iwan siya ng another card. Binuksan ko ang pinto at kinilabutan ako ng marinig ang creaking sound na nilikha nito. Hindi flashlight ang dinala ko dahil masyadong maliit ang sakop ng light na galing dito kaya nagdala ako ng lamp para mas malawak ang coverage ng maiilawan nito.

Naglakad ako papunta sa locker ko. Kinuha ko ang susi sa aking bulsa at binuksan ito. But there was nothing. Not even a card or dust. Walang laman ang locker ko. How could it be? Dito ko nilalagay ang mga books ko kaya imposibleng walang laman ito. Hindi kaya nagkamali lang ako ng locker na binuksan? Pero hindi ko naman mabubuksan ang locker ng ibang student gamit ang susi ko dahil ibang padlock ang sa kanila. Hindi kaya kagagawan ito ni Unknownimous? Isinara ko ang aking locker. I need to get out of here. Alam kong narito siya at nagmamanman sa akin somewhere inside this room. I can feel his/her presence.

Hindi ako nagpahalata na lalabas ako ng locker room because if I do alam kong ikukulong niya ako rito kasama siya. My heart beats faster. Nanginginig na ang mga tuhod ko and even my hand began trembling. I reached for my cellphone. I need to call someone. I need a help! I dialled the number of Cerl but he is out of reach. My gosh cassie! Bakit ngayon pa siya unavailable? Wala na akong magagawa, I need to leave this place now. Pinatay ko ang hawak kong lamp. It's hard to see in the dark. Kung mayroon lang akong night vision piece of cake lang sana sa akin ito. Dahan dahan akong naglakad. How I wish I am a ninja para walang tunog ang bawat footsteps ko.

I know i'm too far from the door. Hundred of steps pa ang kailangan kong gawin para makarating sa may pintuan but before I could step again my right foot, I heard the door slammed. Halos mapatili ako doon buti nalang at napigilan ko. The door is now locked! There's no way for me to escape. I calmed myself. Makakaalis din ako rito.

"I know you're still here. You believe in the letter I sent to you."

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ang nakakatakot na boses na 'yun na nanggagaling kung saan man sa room na ito. I can't locate where exactly it came from. Ang boses na narinig ko ay may filter. Hindi ko tuloy malaman kung lalaki ba ang nagsasalita o babae. Basta ang alam ko lang ay nakakatakot ang boses nito. I feel angry sa nag edit nito sana man lang medyo funny or friendly 'yung boses. I will be happy kung chipmunk ang boses ng nagsasalita. Tignan ko lang kung matakot pa ako nun.

"Don't pretend that you're not here. I can see you near your locker. You're standing there holding a lamp in your right hand. Am I right Azura?"

Kinabahan na naman ako knowing that alam niya kung nasaan ako at nakikita niya ako. There's no sense if I remain silent.

"What do you want?" natatakot man ay naglakas loob akong magsalita.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan? Ikaw ang may kailangan sa akin that's why you are here. You want to know who is Bros."

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon