XIX : Camping Trip (A Cadaver and A Missing Person)

625 40 4
                                    

─── A Z U R A ───

Kasama ang mga kaklasi namin ay sumunod kami sa aming guro. Naghanap kami kung saan saan pero no trace of the two. Hindi ko mapigilan na mag alala. It is all my fault. If I only followed them baka nakabalik pa sila sa camp site.

"Ayos ka lang ba Azura?" nag aalalang tanong sa akin ni Claire.

"Oo nga, you look pale" gatung naman ng secretary namin na si Lynette.

"Okay lang ako" tumango ako at nagpilit ng ngiti.

"Sigurado ka ah" pangungumpirma ni Claire.

I just give them a nod as an answer at saka na kami bumalik sa business namin. Halos magda-dalawang oras na kami rito sa kakahuyan pero wala parin kaming nakikitang Quincy at Lincoln. Sana buhay pa sila.

"AAAAHHHHH!!!!" tili ng isang babaeng estudyante na nasa may di kalayuan.

Mabilis kaming tumakbo papalapit sa kinaroroonan ng babaeng sumigaw at doo'y nakita namin ang corpse ni Lincoln. Napatakip kami ng bibig at halos masuka na ang iba sa kanilang nakita. Napakaraming stab sa buong katawan ni Lincoln pati sa kaniyang mukha na halos hindi mo na siya makilala. Pero ang mas nakakapangilabot sa lahat ay putol ang mga daliri niya. Sa kaliwang kamay, wala ay ang kaniyang middle finger pati ang kaniyang ring finger kung titignan tuloy ay para siyang nag-ro-rock n roll sign. Sa kanang kamay naman ay naka-peace sign siya bale ang pinutol ay ang hintuturo niya, hinlalato at ring finger. Hindi ko siya tinignan ng matagal dahil may mga dugo dugo pa siya sa katawan at kapag tinitigan ko 'yun ay mahihimatay ako. Kaagad akong lumayo sa spot kung nasaan ang bangkay ni Lincoln.

Nakiusyoso narin ang iba pang mga estudyante. Si Mrs. Alfonso ay naroon narin tinitignan ang kalunos lunos na sinapit ni Lincoln. Nakarinig pa ako ng hagulgol ng isang babae. Si Esther 'yun kasalukuyan niyang tinitignan ang bangkay ni Lincoln. Tinignan ko ang reaksyon ni Neo pero katulad ng iba ay naaawa rin ito sa kaniyang kaibigan. Kung patay na si Lincoln, is it possible na buhay pa si Quincy at nagtatago lang siya dito sa kakahuyan? Siya nga ba ang may gawa nun kay Lincoln? Did she kill him? Napakaraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.

Iniwan namin ang corpse ni Lincoln sa kung saan namin siya nakita. Ibinalot siya ng puting tela at ipinagdasal namin siya. Dahil napakalayo ng forestville sa mainland ay hindi kami makahingi ng tulong o di kaya'y tumawag man lang ng pulis. Hindi rin kami makakauwi dahil wala ang mga bus na sasakyan namin. Babalik palang daw sila sa biyernes sabi ni Mrs. Alfonso. Kahit ayaw man namin ay kailangan parin naming mag stay dito sa gubat.

May mga iilan ngang tatawagin na sana ang kanilang mga parents at magpapasundo pero pinigilan sila ng guro namin. May mga gusto na talang umalis dahil baka raw sila naman ang isunod ng killer at hindi na sila makauwi pa ng buhay pero pinakalma kami ni Mrs. Alfonso. Kung mayroon mang dapat mabahala rito ay hindi kami kundi ang PE teacher namin dahil responsibilidad niya kami. Pagbalik namin sa school siguradong mawawalan siya ng teacher's license at hindi na siya maaaring makapagturo pa. Sigurado na magagalit sa kaniya ang parents ni Lincoln dahil sa sinapit ng kanilang anak. Maaaring magsampa pa sila ng kaso sa aming PE teacher o kaya'y sa aming principal at maaari rin nilang sirain ang reputasyon ng school.

Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung pinigilan ko lamang sina Quincy at Lincoln. Wala sanang namatay at walang nawawala. Hanggang ngayon hindi parin namin nakikita si Quincy, wala kaming ideya kung buhay pa siya o sumakabilang buhay na. Sinubukan parin naming kumain ng lunch kahit na lahat kami ay walang gana dahil sa aming nakita. Hindi na namin nagawa pa ang mga activities na nakalaan para sa araw na ito dahil kawalang galang iyon sa pagkamatay ni Lincoln. Hindi naman magandang magsaya habang may patay.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon