XLIX : The Truth Unfold

440 29 1
                                    

─── A Z U R A ───

Nagtinginan kaming lima. Wala kaming kamalay malay sa kung sino ang may pakana nito. Alam na namin kung saan hahantong ito kaya kailangan naming unahan ito bago pa kami mabuking.

"Roux and I will go to the broadcasting room para pigilan kung sino man ang nagsasalita ngayon. Cole and Viridian, i-hack niyo ang system ng school. I-disconnect niyo ang mga speaker at tv sa buong school. Sienna and Azura, call the president of broadcasting club and ask him to stop the broadcast. Now, move!" maotoridad na utos ni Cerl. Mas dama ko ngayon ang pagiging seryoso niyo. He really cares for the club.

Tumakbo palabas ng clubroom sina Roux at Cerl samantalang nagsimula ng i-hack ni Cole ang system ng school. Kami naman ni Sienna ay sinusubukan naming tawagan ang contact number ng president ng broadcasting club. Kaya pala may number siya sa phone ni Sienna ay dahil pinsan niya pala ito.

"He's not answering the call," problemadong sabi ni Sienna habang nakatutok sa kaniyang tenga ang cellphone niya.

"How about we go to his office?" I suggested.

"That's a good idea!" lumakad na kami ni Sienna para pumunta sa office ni broadcasting president.

Tumakbo na kami para mabilis kaming makarating doon. Kumatok kami ng makailang beses bago bumukas ang pinto.

"Where's Herald?" pambungad na tanong ni Sienna sa babaeng nakasalamin na nakaharap ngayon sa amin.

"Nasa office niya, nagpapahinga. Bumalik nalang kayo mamaya."

"We don't have time to wait. Sorry but we need to barge in," itinulak ni Sienna ang nakaharang na babae at pumasok siya sa loob. Sumunod ako sa kaniya.

Ipinihit niya ang door knob at bumukas naman ito. Nakaupo sa kaniyang swivel chair ang president na si Herald habang nanonood sa nakabukas niyang tv. Magsasalita na sana si Sienna pero naunahan siya ni Herald.

"You want me to stop the broadcast?" Humarap siya sa amin habang nakangisi.

"Stop it now!" Utos ni Sienna.

Tumango-tango siya, "I did it already pero wala akong nagawa. Hindi namin mapasok ang broadcasting room dahil naka-padlock ito. A padlock that has a number in it. We tried to insert keys but it won't open. It has a password na hindi namin matukoy kung ano. Hindi rin namin alam kung sino ang nagsasalita ngayon but one thing's for sure, it's not one of us. Wala kaming announcer na ganyan ang boses," confident na sabi ni Herald.

"Hindi niyo ba inalam kung sino ang nagsasalita ngayon through the cctv cameras installed inside the broadcasting room?" I butt in the conversation.

"We tried that too, pero ng tignan namin ang cctv sa broadcasting room ay nakapatay ito," he answered.

"Wala ba kayong nakitang ibang student na pumasok sa room na 'yun?" I queried next.

"Tinignan namin ang iba't ibang footage na nakuhanan ng cctv malapit sa room pero walang nakuhanang student na nagpunta o nagawi roon," kinuha niya ang tasa na nasa kanan niya and he took a sip in his coffee.

"Hindi kaya sa ibang way siya dumaan para hindi siya makuhanan sa cctv?" that's possible, paano kung may iba pa palang pwedeng daanan maliban sa pinto. Maaari siyang makapasok sa room ng walang makakapansin sa kaniya.

"Wala ng ibang way para makapasok sa room na 'yun kundi sa door lang. Masyadong mataas ang mga bintana at nakasara ang mga 'yun kaya hindi ka pwedeng makapasok sa loob," tumikhim siya sabay baba sa hawak niyang tasa. 

"So kung walang taong nakuhanan sa cctv, bakit may naririnig tayong nagsasalita?" puno ng pagtatakang tanong ni Sienna. Tinignan namin siya ni Herald.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon