XXXVI : Valentine's Day With Cerl

530 32 1
                                    

─── A Z U R A ───

"Let's go back to the clubroom" aya ni Cerl habang naglalakad papunta ng building.

Hinarangan ko ulit siya kaya naman natigilan siya sa paglalakad at tinignan ako ng may pagkairita.

"If you want to visit the booths you can do it by yourself besides your a teenager already" pagsesermon niya sa akin na para bang parent ko.

"Oppa~ come with me please~" I said in a singsong tone. Gusto kong masuka pero pinigilan ko. Please, let it work. Wala na akong maisip na iba pang paraan kundi ang magpa-cute kahit hindi naman ako cute. Epekto na naman ito ng kakapanood ko ng kdrama.

Napansin ko siyang napangiti hanggang sa humalaklak siya. Tinignan ko siya ng masama pero hindi siya nagpatinag. Patuloy lang siya sa kakatawa habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Napapout ako sa sobrang inis sabay walk out. Iniwanan ko nalang siya roon bahala na kung pumunta siya sa clubroom. Nakakapikon lang kasi na tinawanan niya ako sa ginawa kong pagpapa-cute while it takes me a lot of guts to do that in front of him. Akala niya ba ganun lang kadali 'yun? Tsk.

Wala naman talaga akong balak bumisita sa mga booth dito pero dahil narito narin naman ako why not try some of them? Nakaramdam ako ng gutom kaya bumili muna ako ng makakain sa malapit na footlong stall. Good thing at itinuloy parin ang mga booth at iba pang event para ngayon kahit na may naganap na patayan kanina. Hindi talaga ako sinundan ng lalaking 'yun. Hindi na ako magtataka hindi naman din ako espesyal sa kaniya.

Bumili ako ng footlong at kumakain habang naglilibot libot. Nang maubos ko ang kinakain ko ay itinapon ko ang plastic sa malapit na basurahan. Sakto naman at pagkaharap ko ay Marriage booth ang bumungad sa akin. Natawa nalang ako bigla ng makilala kung sino ang priest. Lumapit ako doon at tumayo sa may bukana habang nakahalukipkip.

"You may now kiss the bride" boring na sabi ni Yohan na nagpapanggap bilang isang pari.

Bineso ng lalaki ang babae pagkatapos ay binuhat niya ito ng pa-bridal style at inihagis naman ng babae ang kaniyang hawak na bulaklak. Pagkatapos ng wedding na 'yun ay wala ng sumunod.

"Bagay mo palang maging pari ah" puri ko kay Yohan na napakamot sa kaniyang batok sabay tawa.

"Gusto niyo ba ng wedding singer? Pwede ako" nakangiting sabi ko. Kaysa naman maglibot libot ako edi dito nalang ako.

"Are you free today?" tanong niya sa akin.

"Oo naman, so tanggap na ba ako?" masayang sabi ko.

Nagpaalam muna kami sa president nila and luckily tinanggap nila ako. Mabuti nalang at may sumunod na ikakasal. Napuno ng students ang loob ng booth siguro mga kaklasi ng mga ikakasal kuno. Habang naglalakad sa aisle ang student na babae ay kumakanta ako ng A Thousand Years na nirequest ng couple. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito usually wala namang effect sa akin ang Marriage Booth pero dahil singer ako ngayon ay nag eenjoy ako. Natapos ang kasal ng students at kasabay ng pag alis nila ay ang pagsunod ng mga kaklasi nila. Tumahimik ang paligid.

"Sino ng sunod na ikakasal?" tanong ng event organizer kuno na vice pres ng journalism club.

"Me!" my jaw dropped ng makita si Cerl na nakataas ang kamay at kasalukuyang naglalakad papalapit sa pari.

"Where is your bride?" tanong ni Yohan kay Cerl.

Tumingin siya sa akin at nilapitan ako. Hinawakan niya ang wrist ko ng walang pasabi hanggang sa kaladkarin niya ako papunta sa harap. Binigyan ko lang siya ng what-are-you-doing-look na sinuklian naman niya ng ngisi.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon