XXIV : Unknownimous

615 40 1
                                    

─── A Z U R A ───

"So are we going to follow the original tune of the song?" Sienna asked while looking at the copy of the lyrics.

"Mas maganda kung iibahin natin. Let's make it more lively. Mas maganda siguro kung gawin nating Rock ang genre nito imbes na Ballad. In that way, we can catch the attention of the audience. Mas mag-eenjoy sila sa panonood sa atin imbes na ma-boring" Cole suggested.

"I agree" pag second the motion ni Viridian. Minsan lang siya mapa-agree ni Cole kaya isa na 'yung achievement.

"Now, we're going to work on the new arrangement of the song" Roux said.

We spend the rest of the time working in the new arrangement of the song. Kaming dalawa ni Viridian ang umasikaso sa paggawa ng bagong musical notes ng kanta samantalang nagpa-practice naman sina Sienna, Roux at Cole sa mga instruments na naka-assign sa kanila. Good news at nakansela ang pasok ng hapon dahil may emergency meeting ang mga school personnel para sa papalapit na School Fest. Nagkaroon kami ng mahabang oras para maayos ang arrangement ng song na ipeperform namin.

"Done!"

Ipinakita namin sa kanila ang ginawa namin. Napapalakpak sila sa tuwa. Sinimulan narin naming mag practice gamit ang kaniya kaniya naming mga instruments. Patuloy kami sa pagpapractice ng biglang bumukas ang pinto at nakatayo roon ang isang adonis na lalaki. Nilapitan niya kami habang ang mga kamay niya ay nasa kaniyang likod.

"Good afternoon. Alam kong nagpapractice pa kayo para sa papalapit ninyong competition but you're not allowed to stay here anymore. Kung gusto ninyo, you can continue practicing at home o kaya ay ipagpabukas niyo nalang. We're commanded by the principal na paalisin na ang mga students na narito pa. Classes are cancelled and by this time you should be at home. Walang maiiwan na students dito maliban sa aming mga student council officers. You may leave the room now" the boy said in an authoritative manner. Napakaseryoso niya at napaka-strict.

Hindi na kami umangal pa sa gusto niya dahil siya pala ang Vice President ng SCO at nalaman ko lang 'yun dahil sa special badge niya. According to his ID, Eldridge Ramos ang name niya. Hindi siya umalis ng clubroom namin hanggat hindi kami nakakalabas. Talagang gusto niyang makasigurado na aalis kami. Sabay sabay kaming lumabas pagkatapos naming itago ang mga instruments namin. Si Cole ang nag lock ng pinto at ibinigay ang susi kay Vice Pres. Kasabay ng pag alis namin ay ang paglisan din niya. Naghiwa hiwalay na kami ng landas ng makalabas na kami sa school.

Tutal Lunes palang naman ngayon kaya pinalampas na muna namin, may dalawang araw pa naman kami para maghanda. Nakakapagtaka lang at walang Cerl na nagpakita sa amin ngayong araw na ito. May sakit kaya siya kaya pinili niyang mag stay sa bahay? Kinuha ko ang cellphone ko at idi-nial ang contact number ni Cole. Mabilis niyang sinagot ang tawag ko.

"Hello Azura?" tanong niya sa kabilang linya. Ang lakas ng boses niya kaya inilayo ko muna ang cellphone sa tenga ko.

"Cole, pumasok ba ngayong araw si Cerl? I haven't seen him around" straight to the point na tanong ko.

"Absent siya ngayong araw, without a particular reason. Nakakapagtaka nga dahil kahit puro tulog lang naman ang ginagawa niya sa school hindi 'yun basta basta nalang nag aabsent ng walang pasabi" sagot niya at parang may naririnig akong busina sa paligid mukhang nasa tabi siya ng daan siguro'y pauwi siya ng bahay.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon