XXXIII : Valentine's Day Threat

549 33 2
                                    

─── A Z U R A ───

Days have passed really quick, It's already monday. Ilang araw narin mula nung manalo kami sa Battle of the Band hanggang ngayon ay dama ko parin ang kasiyahan. It was my first time and the fact that we won was really an unforgettable moment for me. I am currently riding a bike on the way to our school. Today is Valentine's day and I hate to admit it but I am looking forward to it. Hindi dahil may naka-schedule akong date ngayon kundi dahil may surprise birthday party kami para kay Cerl. Yes, you read it right it is his birthday today kasabay ng Valentine's. Nag usap usap na kaming lima patungkol sa surprise namin sa kaniya last week. Ang nakatoka sa mga pagkain ay sina Cole at Roux while Sienna and Viridian are in charged of the decorations and gifts. You wanna know what my role is? Ako lang naman ang mag-di-distract kay Cerl para hindi siya pumunta sa clubroom habang naghahanda ang mga kasama namin. Napakadali kung sasabihin pero napakahirap gawin, I swear. Mahirap kayang pasunurin si Cerl.

Pagtigil ng bisikleta ko sa harap ng gate ng school ay sumalubong agad sa akin ang kulay pulang heart, lobo at cupid. Pati narin mga bulaklak at banderitas. Ang nakakaasar pa ay mandatory na kailangan magsuot ng kulay pink na damit ang mga grade 11 students at ang hindi sumunod ay magmumulta. Ewan ko ba bakit nagkaroon pa ng color coding. Matapos kong i-park ang aking bisikleta ay pumasok na ako sa loob. Napakaraming booths and food stalls sa loob. Maririnig mo pa ang malakas na sound system na nagpapatugtog ng love songs. Kahit saan ako tumingin ay palagi nalang couples ang nakikita ko. Kung hindi magka-holding hands ay naka-akbay o di kaya naman ay naka-cling sa braso. Maayos akong naglalakad ng may bumangga sa akin muntikan na nga akong mapaupo dahil sa lakas.

"Sorry miss" sabi ng lalaki sa akin.

"Hindi ka naman kasi nag-iingat babe" sabi ng babaeng kasama niya sabay lingon sa akin "Pasensya na sobra kasi siyang excited na lumibot kaya hindi ka niya napansin" mahinhing wika ng babae.

"Okay lang" nakangiting sabi ko at ng mapunta ang tingin ko sa kamay nila ay magka-holding hands sila. Muntikan na akong masuka pero pinigilan ko nalang.

Nagpaalam na sila na aalis na at humingi ulit ng tawad. Dumiretso ako sa clubroom namin at ang bumungad sa akin nung buksan ko ang pinto ay ang nag-de-decorate na sina Sienna at Viridian.

"Good morning!" masiglang wika ni Sienna habang nagdidikit ng banderitas na may nakasulat na Happy Birthday.

"Morning" I greeted back habang naglalakad papunta sa kinatatayuan nila.

Tumulong narin ako para mabilis silang matapos pero nagkulang sa crepe paper kaya naman tumigil muna kami. Hindi na namin namalayan na ilang oras narin pala ang nakalipas at hanggang ngayon ay wala parin ang iba naming kasama.

"Mabuti pa salubungin mo na sa gate si Cerl baka pumunta 'yun dito" utos sa akin ni Viridian na sinang ayunan ko naman.

"Sama na ako sayo bibili kasi ako ng crepe paper sa labas" nakangiting wika ni Sienna.

Lumabas na kaming dalawa ni Sienna at iniwan namin si Viridian sa loob para magbantay. Kakalabas palang namin sa building ng biglamg sumalubong sa amin ang sandamakmak na kalalakihan na may dalang mga rosas, tsokolate at teddy bear.

"Sienna, this is for you."

"Sienna, notice me please."

"I love you."

"You're really gorgeous!"

"Be my date!"

"Let me be your man!"

"Let's date please!"

Nagpasalamat si Sienna at tinanggap din niya ang mga binibigay ng mga lalaki sa kaniya. Sa sobrang dami ay tinulungan ko na siya sa pagbubuhat. Nakipagshake hands siya na para bang isang kandidato. Dahil hindi na namin makayanang buhatin lahat ay humingi ako ng garbage bag kay manong janitor na sakto namang naglilinis sa tabi tabi. Doon namin inilagay ang mga rosas, tsokolate at teddy bear na tinanggap ni Sienna. Imagine grade 10 palang siya pero ganoon na karami ang nagkakandarapa sa kaniya samantalang ako simula high school ni isa wala akong natanggap.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon