XVII : Camping Trip (Truth or Death)

638 46 11
                                    

─── A Z U R A ───

Eh? Ako? Bakit ako? Paulit ulit akong umiling at napalunok. Ayoko, nakakahiya. Hindi ko kayang sumayaw sa harap ng madaming tao. Not in this place and not in front of the audience.

"H-hindi" tanggi ko habang paulit ulit na umiiling "Hindi ako magaling sa pagsasayaw" pero kahit ano pa mang dahilan ang sabihin ko ay hindi nila ako pinakinggan.

"Si Azura po ang sa amin!" mabilis na sigaw ng president namin sabay taas ng kamay nito.

It's too late kung aatras pa ako kaya naman wala na akong nagawa. Kahit labag man sa kalooban ko ay gagawin ko na. Nang magbunutan ang bawat section ay nabunot ng aming president ang number four kaya pang-apat ako sa mga magpeperform.

Habang papalapit ng papalapit ay bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako ng sobra sobra. Habang sila ay nag-eenjoy pwes ako hindi. Walang masaya kung napilitan kang sumayaw ng wala sa oras. Sa tingin ko nga ay wala akong panama sa mga naunang nag-perform dahil magagaling talaga sila.

"The next performer is from ABM! Let's welcome, Azura Calma!"

Pagkatayo ko palang ay nakarinig na ako ng masigabong palakpakan at hiyawan na kung hindi ako nagkakamali ay nagmumula sa mga kaklasi ko.

"GO AZURA!!!!" they cheered loudly para palakasin ang loob ko.

Tumayo ako sa gitna at paulit ulit na nag breath in at breath out para mawala ang kaba ko. Okay na sana ng biglang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakangiti ng nakakaloko sa akin. It was Cerl! Hindi ko tuloy alam kung nang aasar ba siya o ano. Umiwas kaagad ako ng tingin sa kaniya.

Nang magsimula ng tumugtog ang kantang sasayawin ko ay nagsimula narin akong sumayaw. Mabilis na naghiyawan ang mga kaklasi ko. Sinisigaw nila ang pangalan ko.

bichi naneun sollo
bichi naneun sollo
I’m going solo lo lo lo lo lo
I’m going solo lo lo lo lo lo 🎶

Pagkatapos ng sayaw ay nag-bow ako at pumalakpak silang muli. After all the performance of 6 sections, the time has come for us to know who will be the winner.

"The winner of this Dance Competition is none other than....." pabitin na sabi ni Mrs. Alfonso samantalang kami naman ang nagdru-drum roll gamit ang mga kamay namin "Azura Calma from ABM!" masiglang anunsyo ni mam.

Umingay ang paligid dahil sa palakpakan at sigawan. Pumunta ako sa harapan at ipinasuot naman sa akin ni ma'am ang sash na may nakalagay na Best Dancer of the Year.

"Pansamantala muna nating ititigil ang ating mini program. Dahil pagabi na at mamayang konti ay medyo malamig na ang simoy ng hangin for your second activity, kailangan ninyong gumawa ng bonfire" sabi ni Mrs. Alfonso.

Ang mga boys ang naka-assign sa pagkuha ng mga kahoy na gagamitin samantalang kami naman ang lilikha ng apoy. Hindi naman sila natagalan sa pagkuha ng mga kahoy kaya kaagad naming inayos ang mga 'yun sa gitna at lumikha ng apoy. Para raw hindi aksaya ay tatlong bonfire lang ang pinagawa sa amin. Dalawang section ang magshe-share sa iisang bonfire. Sa unang bonfire nag share ang dalawang TVL, sa pangalawang bonfire naman ay GAS at STEM at sa huli naman ay ABM at HUMSS.

Pasado alas sais ng gabi ay sabay sabay kaming kumain ng hapunan. Dahil wala na raw kaming activity para sa gabing ito ay napagpasyahan ng mga kaklasi ko na mag truth or dare. Ang ibang mga section naman ay nagja-jamming meron din namang nagkukwentuhan ng katatakutan. Pero mas bet ko pa ang mga ganung klasing pampalipas oras kesa sa napili ng mga kaklasi ko.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon