XXXVIII : R and B (Sequel)

535 43 5
                                    

─── A Z U R A ───

Was that a threat? Bakit ba ayaw niyang ipaalis ang singsing na 'to? There's nothing special about it. Normal na singsing lang naman ito at sobrang cheap pa. Hindi ko na pinagtangkaan pang alisin ang singsing na nakasuot sa aking daliri.

"Do you know that this day is my special day?" he said out of the blue while gazing at the blue sky.

"Yeah I know that you're a special child" pamimilosopo ko naman sabay sandal sa back ng bench.

"It's my birthday today" pagpapatuloy niya at binalewala ang pagiging pilosopo ko.

"Oh really? It is?" I act as if I'm not really aware that it's his birthday today.

"You really suck in acting" he said bluntly and turned his gaze on me. Inirapan ko lang siya at tumingin sa mga nagdaraang students sa paligid.

"I am wondering why out of all people you want me to accompany you" tinignan ko siya ng nakataas ang kilay but he just let out a chuckle and then speak again "Tell me, are you interested in me?" ngumiti siya at tinitigan ako.

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. He's joking, isn't he? Akala niya yata kaya ko siya inalalayo sa clubroom ay dahil gusto kong magkaroon ng moment na makasama siya.

"Aaminin ko havey ang joke mo ngayon" komento ko sabay tawa.

"Look at how you dress up today, nakipares ka pa talaga sa color ng suot ko" napantingin tuloy ako sa aking suot pati ang sa kaniya. Okay guys for the second time uulitin ko, coincidence lang ang lahat ng ito.

I coughed, "Kapal mo ah! It's a coincidence!" katwiran ko naman. 

"Then why are you keeping me out of the clubroom? Are you hiding something?"

"Wala nga. Teka nga akala mo ba hindi ko makakalimutan 'yung ginawa mong role play kanina? Nagpanggap kang patay don't you know how concern I am for you? Sa susunod huwag mo ng gagawin 'yun" panenermon ko sa kaniya. Muntikan na akong mag drama doon kanina dahil akala ko patay na talaga siya.

"Don't worry Honey i'm still alive, I will never----" hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng bigla niya akong yakapin. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakayakap siya sa akin.

Biglang may dumaan na palaso sa tabi ko at nag landing iyon sa may puno malapit sa inuupuan namin. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at mabilis na pinuntahan ang nakatusok na arrow sa puno. Tinanggal niya ito at may kulay pulang card na nakasabit doon. Nilapitan ko narin siya para makiusisa sa kung ano ang laman ng card.

Well done detectives! How about solving another case?

ROYGBIV

-Unknownimous

Here we go again with the letters R and B. Favorite niya ba ang mga iyon? Kakatapos palang naming basahin ang card ng makarinig kami ng mga estudyanteng nagtitilian sa may di kalayuan. Mabilis na tumakbo si Cerl papunta sa pinanggalingan ng malakas na sigaw kaya nakitakbo narin ako para sundan siya. Nang makarating kami roon ay may mga nagkukumpulang mga students kaya naman hinawi ko sila para naman makadaan ako at makarating sa harapan. Napatakip ako sa aking bibig at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang basag na ulo ng estudyanteng babae na ngayo'y nakahiga na sa lupa. Hindi ko na siya tinitigan pa ng matagal dahil baka magregister sa utak ko ang kalagayan niya. Tumingala ako at doon ko lamang napansin na may nakasilip na tao sa rooftop at mabilis itong tumakbo papalayo ng mapansin akong nakatingin sa kaniya. The culprit is trying to escape!

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon