XL : Birthday Party

508 36 0
                                    

─── A Z U R A ───

Pumwesto muna kaming lima pagkatapos ay nagsimulang sumayaw habang umiikot sa paligid ng nakapabilog na mga upuan. Pagka-stop ng kanta ay mabilis kaming naghanap ng mauupuan. Unang na-eliminate sa bahay ni kuya este sa laro ay si Roux. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw hanggang sa huminto ang kanta kaya naupo kami. Sumunod na natanggal ay si Sienna. Tatlo nalang kaming natitira kaya mas kailangan naming bilisan. Nag enjoy kami sa pagsasayaw dahil sobrang tagal bago I-pause ni Cerl ang kanta. Gising pa ba siya o nasa kalawakan na ang isip niya? Masyado yata siyang nag-enjoy sa kanta to the point na nakalimutan niyang i-pause ito o baka naman ay favorite song niya. Mabuti naman at nabalik na siya sa ulirat, kaagad kaming naupo ng mag-stop ito.

"Sa jeep lang puwedeng kumandong Viridian! Alam kong may gusto ka sa akin pero huwag mo naman masyadong ipahalata" hirit na naman ni Cole dahil naupo sa kaniyang lap si Viridian.

"Ang kapal mo talaga" ani Viridian sabay tayo at hampas sa braso ni Cole.

Nagtawanan lang kami at nagpatuloy sa laro. Dalawa nalang kaming natitira at iisang upuan nalang din ang nakatayo sa gitna. Sumayaw kami hangga't hindi pa tumitigil ang kanta. Todo naman sa pagpalakpak at pagkanta ang mga kasama namin na sinasabayan ang tumutugtog na song. Pagkapindot ng pause ni Cerl ay mabilis kaming naupo sa upuan pero nauna ako kaya ako ang panalo. Binigyan nila ako ng price.

"Anong masasabi mo dahil nanalo ka?" hinihingal na tanong ng emcee naming si Cole sabay bigay sa akin ng mic.

"Maraming salamat po! Malaking bagay na po ito para sa pag aaral ko!" pagbibiro ko naman kaya natawa silang lahat sa sinabi ko.

"Okay, let's move on to our next game which is the.....Putukan na Game! So in this game we'll split into two teams which consists of three members kaya naman lahat tayo ay maglalaro. Gawin natin itong boys vs. girls! Dahil nanalo si Azura, ang boys ang mauuna!" Cole announced as cheerful as ever.

Nakahanda na ang lahat. Ang mga gloves, upuan at ang mga lobong puputukin namin. Naunang naglaro ang mga boys. Unang player ay si Cole, pangalawa si Roux at last naman si Cerl.

"PUTUKAN NA!" we said in chorus sabay tap sa timer.

Nagsimula na sila sa paglalaro. Natatawa talaga kami kay Roux dahil hindi niya magawang paputukin ang lobo ng isang try lang. Sa huli ang time nila ay 2 mins. Kami naman ang sumunod na naglaro. Ako ang first player, second si Viridian at third ay si Sienna. Mabuti nalang at umayon sa amin ang lahat dahil mabilis naming napaputok ang mga lobo within 1 minute ay natapos namin ang game kaya naman kami ang tinanghal na panalo.

"Anong masasabi niyo dahil makakatanggap kayo ng five thousand pieces?" tanong ng emcee namin at saka iniabot ang mic kay Sienna.

"Thank you po sa network niyo. Hindi na po kami magtitiis sa free data!" masayang wika niya kaya tumawa kaming lahat.

"For the last game, we will play Charade! Mayroong inihandang 2 set of cards so Cerl, ang Set A and B. Bawat group ay pipili kung anong set ang gusto nila, dapat lahat sila ay mabigyan ng pagkakataong maghula at magpahula.

"Dahil natapos na natin ang birthday celebration ni Cerl. Tutal Valentine's naman ngayon gusto ko lang sanang umeksena muna kahit sandali lang" lumunok muna si Cole bago magsalita ulit "Nais kong ipadama sa taong ito kung gaano siya kahalaga sa buhay ko" inilabas ni Cole ang tsokolate na nakatago sa kaniyang likod "Alam mo na siguro kung sino ka. But I just want to tell you that you mean something to me" napaka-sweet na sabi ni Cole habang nakatingin kay Viridian. 

Hindi namin mapigilang mapatili ni Sienna dahil kinikilig kami sa ginagawa ni Cole. Ibinaling namin ang aming nga tingin kay Viridian na ngayo'y walang imik na nakatingin kay Cole. Dahan dahang lumapit si Cole papunta sa puwesto ni Viridian habang sinusundan naman namin siya ng tingin. Hawak parin ang microphone pati na ang tsokolate ay huminto siya sa harapan ni Vi at iniabot iyon sa kaniya.

"Happy Valentine's Day Vi, this is for you. Ferrero pa 'yan kasi katulad ng price niyan ganoon ang nararamdaman ko para sayo....Mahal na mahal kita" ngumiti ng sobrang tamis si Cole habang si Viridian naman ay seryoso lang na nakatingin sa guwapong lalaki na nakatayo sa harapan niya.

Akala namin ay magtititigan nalang sila hanggang mamaya pero mabuti nalang at kinuha ni Viridian ang ferrero na chocolate na ibinibigay ni Cole sa kaniya.

"Thank you" sabi ni Viridian habang nakatingin sa chocolate na hawak niya.

"Ehem wala bang kiss ehem diyan?" pasimpleng tanong ni Cole habang pakunwari pang umuubo ubo.

Nagtawanan naman kami habang nakapukol parin ang tingin sa dalawa. Nagulat nalang kami ng tumayo si Viridian. Hinila niya ang necktie ni Cole dahilan para mapalapit ang mukha nito sa kaniya. Inilalapit pa lalo ni Vi ang kaniyang mukha kay Cole. Akala namin ay talagang pagbibigyan niya si Cole sa gusto nito pero sa halip ay sinampal niya ang kanang pisngi nito at unti unti inilayo ang mukha niya rito.

"Huwag kang masyadong ambisyoso okay? Oh heto na ang ipinagmamalaki mong chocolate sayo na 'yan" supladang sabi ni Viridian sabay balik ng chocolate na ibinigay sa kaniya ni Cole.

Our jaws dropped habang pinapanood ang kdrama na ito. Kinuha ni Viridian ang kaniyang bag at naglakad palabas ng clubroom samantalang tumakbo naman si Cole palabas para habulin siya.

"Mabuti pa siguro kung magligpit na tayo para makauwi narin tayo" suhestyon ko habang ang mga kasama ko ay tulala parin hanggang ngayon.

Tumayo na ako at iniligpit ang mga ginamit naming plastic na baso, plato, kubyertos at iba pa. Tinulungan narin ako nina Roux at Sienna. Nang masiguro naming malinis na ang loob ng clubroom namin ay tinawagan namin ang nagdeliver ng videoke para ibalik ang machine. Ilang minuto pa ay dumating na ang mga ito at tinangay na ang videoke machine. Dinala ni Roux ang bag ni Cole at siya na ang nagprisintang hanapin ito samantalang sinamahan naman siya ni Sienna. Kami na ni Cerl ang nag-lock ng clubroom. Lumakad na kami palabas ng building at ng school.

"Mauna kanang umuwi may pupuntahan lang ako sandali" pagpapaalam sa akin ni Cerl kaya kahit nagtataka man ay tumango nalang ako.

Tumakbo siya papunta sa mga booth at naiwan akong mag isa. Hinayaan ko nalang siya at nag proceed na sa paglalakad. Mabuti nalang at dala ko ang bike ko kaya mas napadali ang pag uwi ko. Kinabukasan ay nakakapanibago na sa school dahil wala ng makukulay na mga dekorasyon sa paligid maging ang mga booth na kahapon ay kay dami. Tapos na ang mga events at occasions kaya back to normal na ang lahat. Naisipan ko munang magpunta sa locker room ng mga senior high school para kunin ang aklat namin sa Accounting. Marami rami narin ang mga nagdaraang estudyante sa paligid.

Nang makarating ako sa harap ng locker ko ay nagmadali akong buksan 'yun at laking gulat ko nalang ng tumambad sa akin ang stuffed toy na si Ice Bear kaya naman halos mapatili ako sa saya mabuti nalang at hindi ko nagawa dahil paniguradong pagtitinginan ako ng mga narito sa loob. Hinablot ko ang stuffed toy at niyakap ito ng mahigpit. Isasara ko na sana ang locker ko ng makakita ulit ng card dito. Card? Ito kaya ay galing sa nagbigay ng stuffed toy sa akin? Dali dali kong kinuha ang card at binuksan ito. Lakung gulat ko nalang ng makilala ang sender nito.

Good day Azura! Do you want to know another secret of your dearest club? Of course you're interested. Have you heard about BROS? No? I pity you. I guess your clubmates haven't told you yet or worst they want to hide it from you forever. Don't ya worry i'm here to help you.

If you want to find out what I am talking about look at the picture frames hanged on your clubroom's wall and open it. You will see there the previous legendary member of Music Club. Good luck!

-Unknownimous


🎼 C O D E P L A Y 🔎

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon