XXVIII : Prelude

604 37 0
                                    

─── A Z U R A ───

Tinawagan ko kaagad ang mga kasama ko para ipakita ang card na bigay ni Unknownimous pati narin ang clubroom naming magulo. A few minutes later ay dumating narin sila. They look shocked ng makita ang binagyo naming clubroom.

"What the! Sabi ko naman sayo Viridian kapag nagwawala ka huwag dito sa clubroom!" pagbibiro ni Cole na sinamaan lamang ng tingin ni Viridian.

"Who done this?" seryosong tanong ni Cerl habang iginagala ang kaniyang mga mata sa loob ng magulong clubroom.

"Its Unknownimous, may iniwan na naman siyang card" I replied sabay pakita sa kanila ng card.

Kinuha ni Sienna ang card at binuksan ito. Binasa nilang lima kung ano ang nakasulat rito.

"So it means na seryoso talaga si Unknownimous" komento ni Roux habang nakatingin sa card.

"And we are all doomed kapag hindi pa natin nalaman kung sino siya after ng labing dalawang araw" dugtong ni Viridian.

"Bakit ba masyado siyang atat? Before friday the thirteenth? Really? Mga magician ba tayo para madaling matukoy ang identity niya within those few days? Nagbigay na nga lang siya ng palugit hindi pa niya hinabaan" himutok ni Cole habang pinapadyak ang mga nakakalat na papel sa sahig.

"So what are we going to do now? Paano natin sisimulan ang pag iimbestiga kung wala naman tayong katiting na detalye na mag-le-lead kay Unknownimous?" tanong ni Sienna while looking at us. She's right, mahihirapan talaga kaming malaman kung sino si Unknownimous kung wala kaming clue about sa kaniya.

"How about ipa-check natin ang mga card? Baka may makitang fingerprints" I suggested although it might not be that useful.

"I'll do it then but I doubt it mukhang hindi naman idiot si Anonymous para iwan ang fingerprint niya sa mga card na binibigay niya" sagot ni Cerl na kasalukuyang chinecheck ang mga instruments namin kung nasira ba o na-damage.

"How about we checked the cctv cameras? Baka may nahagip ito" sabi naman ni Sienna kaya sinunod ni Cole ang gusto niya.

Binuksan ni Cole ang kaniyang laptop at nagpipindot ng kung ano hanggang bigla nalang lumitaw sa screen ang mga video ng lahat ng mga camera rito sa school. Ang galing nagmukha tuloy kaming mga security guard na binabantayan ang mga students sa loob at labas ng campus. Cole checked the cctv cameras installed outside our club maging sa corridor. Inip na inip na kami sa panonood ng footage kasi mga estudyanteng naglalakad lang naman ang nakikita namin. Hanggang sa may dalawang estudyante na pumasok sa clubroom namin. Two boys and based from their uniforms, they are both grade 10 students.

"Aha! Huli kayo balbon!" tuwang tuwa na sabi ni Cole at saka pinause ang footage.

Napatikhim si Viridian, "Hindi natin makita ang kanilang mga mukha, try checking other cctv's installed in the corridor" utos nito kay Cole.

Dahil pa-birds eye view ang kuha ng camera ay hindi namin makita ang mga mukha nila. Ulo lang ang nakikita namin pati ang kanilang katawan. Sinubukang tignan ni Cole ang iba pang cctv camera sa corridor malapit sa clubroom namin at doo'y nakita namin ng maayos ang mga mukha ng dalawang students. Ang isa ay nakataas ang buhok na parang si goku ang isa naman ay literal na walang buhok.

"Shall we confront them?" paghingi ng permiso ni Roux kay Cerl na kasalukuyang naglalakad papunta sa direksiyon namin.

Tumango siya, "Kailangan niyo silang mapaamin. Sigurado akong napag-utusan lang ang dalawang students na 'yan. Pwede silang magbigay ng clue sa atin tungkol kay Anonymous."

"I'll go with you Roux" prisinta ni Viridian kaya naman silang dalawa ang lumabas para tanungin ang dalawang boy students.

"Sa tingin mo ba aamin naman ang mga mag aaral na 'yun?" bulong ko kay Cerl na ngayo'y nakatayo sa aking tabi.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon