XXIII : Codeplay

663 41 0
                                    

─── A Z U R A ───

Ilang weeks narin ang nakalipas magbuhat noong nag-camping kami sa Forestville na kung saan unexpected things happened. Nagkaroon ng proper burial ang mga labi nina Lincoln at Esther samantalang si Quincy naman ay nakatira na sa selda. Hindi na nagtuturo si Mrs. Alfonso dahil natanggalan na siya ng lisensya. Muntikan pa ngang mapatanggal sa kaniyang puwesto ang school principal namin buti nalang at hindi nangyari. Sa ngayon ay abala na ang lahat sa papalapit na School Fest na gaganapin sa huwebes at biyernes.

"Look guys!" masayang sabi ni Roux habang papasok ng aming clubroom. May iwinawasiwas itong papel sa kaniyang kanang kamay.

Inilapag niya ang papel sa mesa na nasa gitna. Isang flyer about sa Battle of the Band Contest ang aming nakita at gaganapin ito sa unang araw ng school fest.

"I can't wait to see the other bands" excited na sabi ni Sienna.

"Di ba iisa lang naman ang music club sa school natin? How come at may ganyang klasi ng patimpalak?" naguguluhan na tanong ko. Alanganaman kasing kalabanin nila ang sarili nila.

"Labanan ito ng mga banda from different schools" sagot ni Cole sabay kuha ng chips na nasa mesa.

"And it is the most awaited competition tuwing School Fest" dugtong ni Sienna.

"Ilang banda ang kalahok sa contest?" I queried next.

"4 bands coming from Northville, Westville, Eastville and Southville High School" Viridian replied while scrolling her news feed.

"May ilang araw nalang tayo para makapag practice sa paparating na School Fest" nababahalang sabi ni Sienna habang nakatingin ito sa nakasabit na kalendaryo.

"Oo nga. Kailangan na nating pag usapan kung anong kanta ang i-pe-perform natin" gatung ni Cole habang sunud sunod na sumubo ng chips.

"Mukhang hindi dapat 'yan ang problemahin natin" seryosong sabi ni Roux habang nakatingin ito sa flyer.

"E ano?" magkakapanabay na tanong namin kay Roux.

"We need a band name. Ngayong year, required na dapat may pangalan ang mga banda hindi katulad ng mga nakaraang competition" pahayag ni Roux habang nakaturo sa mga details na nakalagay sa flyer.

Natandaan ko bigla ang headline sa newspaper na ipinakita sa akin ni Roux noong una akong mag-apply para sa club nila. Kaya pala MUSIC CLUB lang ang nakasulat doon dahil wala pa talaga silang official band name.

"Ibig sabihin sa tuwing nagpeperform kayo they called you Northville's Music Club or Band?" nagtataka kong tanong with furrowed eyebrows.

"Ganoon na nga, gusto kasi ng dating principal na dala namin ang name ng school kaya hindi nila kami pinayagang gumawa ng sarili naming band name" paliwanag ni Sienna.

"So now, ano ng band name natin?" Viridian asked impatiently sabay baba ng kaniyang phone.

"How about Northville?" Cole suggested. Hindi namin alam kung matatawa ba kami sa kaniya o isusubsob namin siya sa mga chips na nasa pinggan. Kanina pa kasi siya kain ng kain.

"That's too obvious at hindi masyadong catchy ang dating" komento ko.

"Ano kaya kung November Avenue? Tutal november naman nabuild ang club natin" si Sienna naman ang sunod na nag-suggest. Mukhang na-inspired siya sa band na December Avenue.

"Ano kaya kung I belong to the School? Parang ganoon sa band na I belong to the Zoo. Mukhang okay naman 'yan, sounds like sila at madaling matandaan" seryosong sabi ni Cole sabay subo ulit ng chips.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon