LVI : The Final Battle

522 32 11
                                    

"But Sienna is the sister of---" bigla akong natigilan ng marealize ko ang lahat. The card says that he is an impostor. Don't tell me he is....

"You're right! I'm Bros! Blue Richmond O. Serrano the leader and the one who established our club," inunahan niya ako sa pagreveal ng kaniyang totoong identity.

I remain silent. Naguguluhan ako sa nangyayari.

"Hindi ba't patay kana? Namatay ka dahil sa car accident which happened two years ago. So paanong buhay ka pa?" Sunud sunod na tanong ko. Sumasakit ang ulo ko.

"Hindi ako ang namatay sa aksidenteng 'yun kundi si Cerl," he unveiled. What? Ibig sabihin patay na ang totoong Cerl?

"The real Cerl? Pero ikaw ang---" hindi makapaniwalang wika ko. Bago ko pa matapos ang nais kong sabihin ay sumabat na siya.

"I set him up, akala nila ako ang nagmamaneho ng kotse ang hindi nila alam ay si Cerl 'yun. Ako ang pumatay sa kaniya. I want him to vanished in my sight," tumawa siya ng parang demonyo. Nakikita ko kung gaano siya kasaya. Hindi lang saya kundi pagka-proud sa sarili. 

"Why did you do that to him?" I asked curiously.

"Dahil galit ako sa kaniya. Inagaw niya ang lahat sa akin. He is a nobody pero simula ng sumikat siya sa pamamagitan ng aming club nawala na ang lahat sa akin. Ang atensyon, ang pagmamahal at ang adoration ng mga students sa akin. Lahat ng 'yun napunta sa kaniya kaya wala akong ibang maisip na gawin kundi ang patayin siya para mabalik ang lahat sa akin pero nagkamali ang mga pulis. Akala nila ako ang laman ng kotseng 'yun kaya hindi rin ako nagtagumpay sa aking binabalak. Pero nakaisip ako ng idea. Dahil sikat parin si Cerl sa school, nagpa plastic surgery ako. Ipinagaya ko ang mukha niya and viola heto na ako ngayon. Without anyone knowing, ako na si Cerl. Nagpanggap akong siya simula ng patayin ako ng madla. Ginamit ko ang katauhan niya para magsimulang muli. Walang nakakaalam ng lahat pero simula nung pumasok ka sa club ay gumulo ang lahat. Dahil sa pakialamerang katulad mo ay unti unti ng nagbago ang lahat."

"Napakasama mo! How could you used him para sa sarili mong kagustuhan?! You even killed him?! Hindi ka ba naawa sa kaniya?! He's innocent!" I scowled. He is a demon!

"Shut up! Wala kang alam sa pinagdadaanan ko! How dare you talk to me like that!" He yelled. Nakikita kong tumitibok na rin ang ugat niya sa ulo.

"Wala kang kasing sama! Ikaw rin ba ang may kagagawan ng mga pagpatay dito sa school?" I said with gritted teeth.

"Of course! Sino pa ba sa tingin mo?! Do you really think na may mangyayaring ganun dito kung hindi ko ginawa?! Ako ang gumagawa ng mga kasong nilulutas natin. Ako ang pumapatay at nag uudyok sa kanila para gawin nila ang mga bagay na gusto ko! Ako rin ang kumalaban sa inyo dahil gusto ko kayong i-test, but you failed. I exposed the secret of our club para masira ang reputation ninyo at madissolve na ng tuluyan ang club na binuo ko. Narealize ko na hindi na ako nag eenjoy. Nakakasawa na ang ganitong buhay kaya naman gusto kong gumawa ng something na ikatutuwa ko at ito 'yun. Ang paglabas ni Unknownimous. Ngayon lang ulit ako nasiyahan sa buong buhay ko pagkatapos kong mapatay si Cerl."

"Ikaw rin ba ang nag set up kay Yohan para mapunta sa kaniya ang hinala namin?" Tiningnan ko siya ng nanlilisik kong mata.

"Sino pa ba sa tingin mo? Syempre ako lang at wala ng iba. Naging kaibigan ko si Yohan simula ng magpanggap akong si Cerl. Simula palang nun ay alam ko ng Unknownimous ang pen name na ginagamit niya kaya naman 'yun narin ang naisipan kong gamitin. Dahil connected din siya sa club ay minabuti kong isali siya sa play ko. Alam kong balang araw ay hahanap kayo ng ebidensya laban sa akin kaya sa pamamagitan ng paggamit ng pen name ni Yohan ay alam kong mapupunta sa kaniya ang suspetsa niyo. Lahat ng ito ay nakapalano na simula pa nung umpisa. At lahat ng nangyayari ay sumusunod according to my plan. Ikaw Azura ang ginamit ko para maging posible ang play ko na ito."

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon