VI : The Case of the Stolen Book (Investigation)

900 51 11
                                    

─── A Z U R A ───

Hinayaan ko munang lumipas ang ilang minuto bago ko gawin ang gusto niya. Kailangan munang palamigin ang ulo ng librarian or else ako naman ang susunod niyang i-ki-kick out. I stood up and walk towards the shelf where I took this book. Ngayon ko lang napansin na ang pamagat ng librong ginawa kong props ay The Adventures of Tom Sawyer by Mark Twain. I used to read this book when I was a child and this is really good. One of the best I guess. Habang isinasauli ko ang librong hawak ko ay bigla na lamang nahulog ang aklat na katabi nito. Lumikha ito ng ingay kaya naman malakas na "Sshh!" ang inabot ko mula sa librarian.

I returned the book that I was holding at pinulot ang nahulog na aklat which was entitled The Murders in the Rue Morgue by Edgar Allan Poe. Nang iangat ko ang aklat ay bigla na lamang may nahulog na maliit na card mula rito, noong una I thought it's a bookmark pero ng tignan ko there's a series of numbers at puro zero ang nakasulat dito. Kung titignang maigi parang time dahil sa colon. Sumakit ang ulo ko ng pakatitigan ang mga numbers na nakasulat dito. Hindi ko alam kung may sayad sa utak ang nagsulat nito at pinag tripan niyang gawin ito. Kahit kasi anong basa ko ay hindi ko ito maintindihan.

Out of nowhere ay bigla na lamang may dumaan na nagbabasang babae dahil hindi siya nakatingin sa kaniyang daraanan ay bigla niya akong natamaan causing me to let go of the card that I am holding. Napunta ang card sa ilalim ng book shelf kaya naman napakamot ako ng ulo.

"I'm really sorry I wasn't paying attention sa dinadaanan ko pasensya na talaga miss" todo ang paghingi niya ng tawad sa akin habang nakadikit ang kaniyang mga palad na animo'y nananalangin.

"Don't be sorry, it's okay" I respond habang tumatayo ako at ipinapagpag ang nadumihan kong palda.

Pagkatapos ng kaunting pag uusap ay umalis narin siya. Kaya pala tutok na tutok siya sa kaniyang binabasa ay may long quiz daw kasi sila about doon at nagrereview siya. Kaya naman siya naglalakad ay hinahanap daw niya ang kaniyang kaibigan na naghahanap din ng aklat sa mga shelves.

Aalis na sana ako ng bigla kong maalala 'yung card na hawak ko kanina, pupulutin ko sana 'yun kaso hindi ko magawang kunin dahil sobrang konti ng espasyo sa pagitan ng ilalim ng shelf at ng sahig. Hindi magkakasya ang kamay ko roon kaya I gave up the idea na kunin 'yun. It is not something important din naman siguro. I went to the table kung saan makikita ang case na lalagyanan ng golden book good thing the librarian didn't noticed me. Marami kasing nakapilang mga students sa may desk niya probably they are borrowing a book kaya busy siya.

Tinignan ko ng mabuti ang case wala itong kahit na anong scratch. Napakalinis at napakakintab. Wala kang makikitang kahit na katiting na dumi. Napaisip tuloy ako kung ano bang clue ang makikita ko rito samantalang there's nothing unusual and special here. I was about to leave when a sudden light hit my eyes napapikit tuloy ako dahil masakit sa mata. Dahil walang kurtina at nakabukas ang bintana ay pumapasok ang sinag ng araw sa loob. Pero ano kaya 'yung bagay na 'yun at bigla na lamang nag bend ang light papunta sa akin? Bigla akong may nakitang kumikinang na bagay mula sa may itaas ng shelf na nasa may gilid malapit sa case ng golden book. What's that? If that is a mirror bakit naman nakalagay doon?

"Hey, anong ginagawa mo riyan?! Hindi mo ba alam na bawal lumapit diyan?!" the librarian shouted at me, oh no she noticed me.

"Pasensya na po binabasa ko lang po kasi ang nakasulat dito. Malabo na po kasi ang paningin ko kaya kailangan ko pa pong lumapit para makita ng maayos ang nakadikit dito" I lied while jerking my finger in the direction of the case.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon