XLIV : Pseudonym

472 34 1
                                    

─── A Z U R A ───

"Can you please go to my office? Pakikuha 'yung white folder na nasa table ko and hand it to me. Nagsisimula na kasi ang meeting at hindi na ako pwedeng lumabas. That folder is important because it contains my presentation's info. I'm so stupid to forgot such important thing. Please, can you do it for me?" kaya naman pala sobra siyang nag aalala dahil pala doon sa folder niya. Sa bagay kung ako rin naman ang nasa katayuan niya malamang ganyan di rin ako mapalagay.

"O-of course" ang tanging salita na lumabas sa aking bibig.

"I'll wait for you outside the Student Council's Office. Text me if you're on your way here. Thank you so much. I'll hung up now" paalam pa niya bago niya i-end ang call.

Cerl can wait naman kaya lumihis ako ng daan at nagmadaling pumunta sa clubroom nila Yohan. Pagkakatok ko palang ay bumukas na agad ang pinto at sinalubong na naman ako nung babaeng clubmate niya. What was her name again? Ugh. Mukhang na-a-adopt ko na yata ang pagiging makalimutin ni Cerl.

"Wala na dito si Yohan kanina pa siya umalis, may meeting kasi kami ngayon" di ko pa man nasasabi kung ano ang pakay ko ay alam niya na agad. Nasanay narin siguro siya dahil parati akong nagpupunta dito.

"May pinapakuha siya sa akin kaya ako nagpunta rito" nakangiting pahayag ko.

"Okay sige pumasok ka na pero bilisan mo lang kasi i-lo-lock ko na ito" nagmamadaling sabi niya sabay sulyap sa kaniyang relo.

"Sige, salamat" sagot ko sabay pasok sa loob ng kanilang clubroom.

Nagtungo ako sa office ni Yohan. Nahagilap agad ng mga mata ko ang white folder na pinapakuha niya. Lumapit ako sa mesa at akmang kukunin na sana ang folder ng makita kong hindi nakasintas ng maayos ang rubber shoes ko kaya naman inilapag ko muna ang panyo ko sa mesa at itinali ang sintas ng rubber shoes ko.

"Matagal pa ba yan? Mahuhuli na ako sa meeting namin" reklamo ni hindi ko alam ang pangalan niya basta 'yung babaeng clubmate ni Yohan.

"Tapos na" sagot ko sabay harap sa pinto. Hinablot ko ng mabilisan ang white folder at nilisan ko na ang office ni Yohan.

"Pasensya na sa abala" paumanhin ko sa babaeng kaharap ko.

"Okay lang" nakangiting sabi niya sabay lock ng pinto.

Bigla kong naalala na may meeting din pala siya. Hindi kaya iisa lang ang meeting na pupuntahan nila ni Yohan? "Teka lang, hindi ba't may meeting ka rin na pupuntahan? Sa student council office rin ba?"

"O-oo paano mo nalaman?" nagtataka niyang tanong sa akin.

"Pwede bang ikaw nalang ang magbigay nito kay Yohan? May pupuntahan pa kasi ako. Kung okay lang naman?" alam ko favor sa akin ni Yohan ito pero tinatamad kasi akong pumunta roon. Hindi naman masamang mag ask ng fabor sa iba diba?

"Sige" napatangong sabi niya. Ibinigay ko sa kaniya ang folder at nagpasalamat pagkatapos ay sabay kaming lumakad palayo ng clubroom nila. Nagkahiwalay din kami dahil iba ang ruta papuntang student council office.

Inilabas ko ang aking cp at nitext si Yohan na ipinadala ko nalang sa clubmate niya ang folder na pinapakuha niya. Sinabi ko rin na may pupuntahan ako kaya hindi ko na naiabot ang folder sa kaniya mismo. Mabuti nalang talaga at mabait siya dahil naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko. Nagpasalamat pa nga siya sa akin.

Habang binabasa ko ang message niya ay biglang may nagtatakbuhang mga students ang sumalubong sa akin kaya naman natamaan ako. Nabitawan ko ang hawak kong cellphone at napaupo ako sa sahig.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon