LI : First Hint

419 27 2
                                    

─── A Z U R A ───

Kumunot ang noo ko sa salitang aking nabuo mula sa code. Tama ba ang ginawa kong way ng pag-decypt? Hindi ko kasi maintindihan ang salitang lumitaw. Kinuha ko ulit ang aking cellphone at tinipa ko ang salitang Ce n'est pas la fin sa google baka sakaling may ibig sabihin ito.

Nabitawan ko ang aking cellphone ng makita ko ang ibig sabihin ng salitang iyon.

Ce n'est pas la fin = It's not the end

Kaya pala hanggang ngayon ay hindi pa kami tinitigilan ni Unknownimous. Ibig sabihin ba nito ay hindi pa namin nalalaman kung sino talaga siya? It means that Yohan is completely innocent! If it's not him then who is the real Unknownimous? Nasa panganib parin ang mga students sa school namin kung hanggang ngayon ay hindi parin nadadakip si Unknownimous. It's not really over Unknownimous! Get ready for our comeback, we will surely know who you are!

1 MONTH LATER

Time flies really fast. Isang buwan narin ang nakakalipas simula ng masuspend kami at malaman ng lahat ang lihim ng club namin. Isa na naman itong panibagong simula para sa aming anim. Hanggang ngayon ay on going parin ang investigation sa amin. Pagkapasok ko palang sa gate ay masasamang tingin na agad ang natanggap ko mula sa mga estudyanteng nagdaraan. Bumubulong pa nga sila habang nakatingin sa aking gawi. Nagmadali akong lumakad para makarating agad sa classroom namin pero hindi ako doon ipinadpad ng mga paa ko.

Nakatayo ako ngayon sa labas ng dati naming clubroom. Nothing changed except sa madumi ito dahil matagal ng inabanduna. Ayaw itong gamitin ng ibang club dahil ayaw daw nilang mag stay sa lungga naming mga kriminal. Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang maalikabok at puno ng sapot na kuwarto. Napaubo tuloy ako dahil sa dami ng alikabok. Pinagmasdan ko ang loob ng clubroom namin. I really missed the old days. Kung pwede lang ibalik ang lahat, matagal ko ng ginawa.

"I know that you would come here"

Lumingon ako sa taong nagsalita. Nakatayo siya ngayon sa may bukana ng pintuan.

"Yohan? What are you doing here?" I can't help but to feel uncomfortable around him.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo and about your club's secret. How are you Azura? It must be tough for you and your clubmates" I can feel his empathy but I know that it's not true.

"Don't tell me you're the one who did that?" I accused.

"Why would I? Kahit pinagbintangan niyo ako ay hindi ko naisipang gumanti sa inyo. We are friends, right? Hindi ka parin ba naniniwala na hindi ako si Unknownimous?" mahinahon siyang magsalita. Talagang napakakalma niya.

"But you said you were him" I defended.

"I think you misunderstood what i've said. Inamin kong ako nga si Unknownimous because it is my pen name. Hindi ko sinabing ako ang criminal mastermind na sinasabi niyo" he explained clearly. So ako pala ang nagkamali ng pagkakaintindi. Dahil ba sa kagustuhan kong manalo kami laban kay Unknownimous kaya pinagkamalan kong iisang tao lang sila?

"Pero nakalagay sa mga card na ipinapadala niya sa amin ay ang pen name na ginagamit mo. How will you explain that?" I queried next. There's a part of me that I wanted to believe him. Before I did that, I need to confirm everything first.

"It is a coincidence or maybe he did it on purpose para mapunta sa akin ang hinala ninyo. I am an alliance not a perpetrator. Kakampi niyo ako, paano ko magagawa ang ibinibintang niyo sa akin?" I can see in his eyes that he's telling the truth. I can feel it. Ako lang ang nag iisip sa kaniya ng masama kaya't nag iiba ang paningin at trato ko sa kaniya.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon