XLVII : Last Judgement

475 36 3
                                    

─── A Z U R A ───

Sinubukan naming papuntahin sina Viridian at Sienna pero hindi na raw sila makakapunta pa kaya nakipag video call nalang kami sa kanila. Kumpleto narin kami dahil kakarating lang ni Roux. 

Cole handed me the phone. I can't believe that he was able to fixed it. Binuksan ko ang cellphone at lumitaw ang screen lock ko. After I unlock it, kinalkal ko agad ang gallery para tignan kung naroon pa ang mga pictures na kinuha ko kanina sa office ni Yohan and good thing at nakasave pa ang mga 'yun.

"Look at this pictures, ito yung mga sinasabi kong evidence sa inyo" lumapit sila sa akin para makita nila ng maayos ang mga pic. I zoomed in the photos one by one so that they can see it clearly.

"Tama ka nga, Unknownimous nga ang nakalagay. Pero nakakasigurado ka ba na siya ang may ari niyan? Malay natin sa mga kasamahan niya pala 'yan hindi ba?"  sabi ni Cole.

"Pakinggan niyo itong nirecord ko" I played the voice record at pinakinggan naman nila 'yun.

Nanlaki ang mga mata nilang lahat. Paniniwalaan na ba nila ako ngayon?

"I knew it! Siya nga si Unknownimous!" Cole exclaimed.

"I knew it ka diyan samantalang kanina ayaw mong maniwala" salungat ni Viridian habang iniiling ang kaniyang ulo.

"We must do something about it para matigil na ang mga nangyayaring kasamaan dito sa school" Roux suggested.

"How about we report him to the guidance councillor or the principal? Kailangan niyang mailayo dito sa school para hindi niya na maituloy pa ang mga binabalak niya" gatung ko naman.

"Wait guys, hindi ba kayo nagtataka?" Viridian suddenly interrupted.

"About what?" taas kilay na tanong ni Cole.

"If he is really Unknownimous he must have done something to keep Azura's mouth shut but he didn't do it. The question is, why would he let Azura live and tell us about his identity? Do you get my point?" Viridian pointed out. That's a possibility, hindi ko naisip ang tungkol doon dahil nagpaka-kampante ako sa aking nakita at narinig. 

"I have to agree with Viridian. Dapat ay dinispatya na ni Yohan si Azura bago pa niya masabi ang lahat sa atin pero hindi niya ginawa. It means that he is not Unknownimous. Come to think of it, if i'm Unknownimous I might have killed Azura so that my secret will remain hidden" Sienna finally spoke. Naniniwala rin siya sa sinabi ni Viridian.

"May point nga kayong dalawa pero hindi niyo ba nakikita ang ibang angle ng story? Maaaring sinadya ni Yohan na ipaalam kay Azura na siya si Unknownimous para hindi natin siya pagbintangan pa dahil alam niyang ang point niyo ang iisipin natin. Sa ganoong paraan pwede siyang mag deny na siya nga si Unknownimous" paglalaban ni Cole sa kaniyang pinaniniwalaan.

"Do you know what date is it tomorrow?" I reminded them. Hindi sila nakaimik ng maalala nila kung anong petsa na bukas, "Guys, today is our last chance to expose Unknownimous identity. You know what could happen in our club, right?" I added. Nakakalungkot mang sabihin pero ito na ang huling chance namin para malaman kung sino si Unknownimous.

"Let's be practical. We have the evidence. Sapat na 'yun para mapatunayang si Yohan nga si Unknownimous. Let's report him already para matapos na ang lahat ng problema natin" sinubukang palakasin ni Cole ang loob namin.

"There's no harm in trying" Roux pointed out.

"But it could harm Yohan's reputation, paano kung mali pala tayo ng akala?" Viridian argued. 

"We better tell the authorities to keep their mouth shut. In that way ay mapapanatili nating ligtas ang iniingatang pangalan ni Yohan" Cerl finally joined the conversation. Akala ko nga ay umalis na siya dahil simula pa kanina ay tumahimik siya bigla. I can't feel his presence. It seems like he is invisible.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon