XIV : The Mystery of the Living Knight (Caught)

623 42 1
                                    

─── A Z U R A ───

I'm doomed! Sinubukan kong magtago kaagad dahil alam ko na ang susunod na gagawin niya pero bago ko pa magawa 'yun ay naitapat na niya ang liwanag na nanggagaling sa flashlight niya sa puwesto ko.

"Sabi ko na nga ba at may bubwit! Humanda ka sa akin ngayon!" pananakot niya sabay takbo papunta sa puwesto ko.

Mabilis akong tumayo at tumakbo papalabas ng room pero bago ko pa magawa 'yun ay nahablot na niya ang buhok ko. Sobrang sakit ng anit ko sa pagkakasabunot niya sa akin. Kulang nalang ay makalbo ako sa sobrang paghila niya sa buhok ko.

"Sa tingin mo ba matatakasan mo ako?! Ang lakas ng loob mong sundan ako!" galit na galit niyang sabi habang mas lalo pang hinihila ang buhok ko. Nagpumilit akong hilain ang buhok ko palayo sa kaniya but it's useless.

"Maawa po kayo sa akin" pagmamakaawa ko baka sakaling patakasin niya ako. Nangingilid na ang mga luha ko at sumasakit narin ang ulo ko.

"Nagpapatawa ka ba?! Sa tingin mo ba ganoon ako katanga para patakasin kita?! Alam mo na ang lahat ng sikreto ko kaya kailangan mo ng mamatay!" banta niya habang humahalakhak na parang demonyo.

Mas lalo akong natakot pero hindi ko hahayaang wala akong magawa na kahit ano para iligtas ang sarili ko. No one will save me other than myself. Hindi naman ako umaasa sa mga prince charming o knight in shining armor na ililigtas ako. That's absurd for now! Ang knight in shining armor na dapat ay tutulong sa akin ang siya pang naglalagay sa akin sa kapahamakan.

Hindi ako makapag isip ng maayos. Kung sisipain ko siya hindi rin uubra dahil nakacostume siya. What if ihampas ko sa kaniya ang upuan na malapit sa amin? Magwo-work kaya 'yun? Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, hinila ko ang upuan na malapit sa amin at buong lakas na inihampas sa kaniya. Mabuti na lamang at umubra. Nabitawan niya ang buhok ko at napahiga siya sa may sahig. Hindi ko sinayang ang pagkakataon na makatakas. Mabilis kong binuksan ang pinto at nanakbo palabas. Ilang segundo lang ay nakasunod na siya sa akin. He's chasing me!

I cried for help but no response from someone. Unti unti na akong nawawalan ng pag asa na makatakas sa knight na humahabol sa akin. Takbo lang ako ng takbo kahit na sobrang hinihingal na ako. Sumusuko na ang mga binti ko pero pinipilit ko paring tumakbo. Ito na ba ang karma ko dahil pinili kong mapag isa? Kung pinili ko bang makasama si Cerl ay hindi mangyayari ito? I can't help but to regret my actions. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa nararamdaman ko ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Walang habulan, walang sakitan at walang patayang magaganap. If I could only turn back the time ginawa ko na but that is impossible! Natigilan ako bigla ng makitang dead end na.

"Wala ka ng takas ngayon bata!" nakakatakot na sabi niya habang hinihingal rin "Subukan mo pang tumakas at baka mas mapapabilis ang pagpanaw mo" he said in a threatening voice.

I faced him and gathered all the strength that I have then spoke, "Bago mo ako patayin pwede bang sagutin mo muna ang mga tanong ko?" kahit natatakot man ako ay hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito na ma-confront ang knight.

He chuckled, "Dying wish mo ba 'yan? Sige kung 'yan ang huling hiling mo."

"You're selling drugs, right? Bakit mo ginagawa 'yun? Don't you know that it's illegal?" sinusubukan kong ilayo ang attention niya para makaisip ako ng paraan kung papaano makakatakas.

"So you're acting like a police now? Well, siyempre alam kong illegal ang pagbebenta ng drugs pero ano pa nga bang magagawa ko? I need money. A lot of money to sustain the needs of my family. May sakit ang anak ko at kailangan niyang maoperahan sa madaling panahon dahil kung hindi kukunin na siya ng maykapal at ang asawa ko naman ay nasa hospital rin dahil kakatapos niya palang manganak. Wala ng iba pang paraan kung hindi ito. This is the easiest way to gain money, how can I resist? Kahit illegal papatusin ko basta magawan ko ng paraan ang problema namin" pagkukwento niya na halatang naiinip na dahil sa boses niya na parang tinatamad. Somehow I feel pity for them. Not in this person, but to his family. Wala silang kaalam alam na gumagawa na pala ng kamalian ang itinuturing nilang haligi ng tahanan.

"Bakit dito sa school mo naisipang itago ang mga drugs na ipinagbebenta mo?" ala reporter na tanong ko. Kulang nalang ay microphone at cameraman.

"It is the safest place. Walang sinuman ang maghihinala na may nakatagong drugs dito at may nagaganap na transaction dito. Bagaman may mga cctv camera na pwedeng makuhanan kami sa akto ay hindi iyon naging sagabal. Dahil matagal narin akong nagtatrabaho rito ay hindi na ako nahirapang maglabas masok ng hindi napapansin ng naka-duty na guard. May mga susi rin ako ng mga iba't ibang rooms dito sa school kaya nagagawa kong itago ang mga drugs sa iba't ibang rooms ng hindi namamalayan ninuman. Sapat na ba ang mga isinagot ko?" tinatamad na sabi ng lalaking naka-knight costume.

Sasagot palang sana ako ng bigla siyang magsalita ulit, "Now is the time for you to say goodbye" pananakot niya sabay hugot ng kaniyang sword at itinapat ito sa akin.

Now I know who is this knight. Kaya pala pamilyar ang boses niya dahil palagi ko siyang nakikita at nakakausap sa tuwing punapasok ako rito sa school.

"Hihiramin ko muna ang tagline ni Korina sa show niya pero dahil isa ka lang ipa-paraphrase ko" he paused for a second and then went on "Handa ka na ba?" hindi ko na mapigilang matawa kaya naman I did it in front of him. Sino ba naman kasing matinong culprit ang magsasabi ng ganun?

"Bakit ka tumatawa?! Don't you dare laugh at me!" mas lalo niyang inilapit ang dulo ng kaniyang sword sa leeg ko mukhang nainis siya sa inasta ko. Hindi na ako nakatawa pa, alanganamang tumawa parin ako habang nagagalit na siya at konting push nalang ay mararamdaman ko na ang sword niya sa may leeg ko.

Inilayo niya ang espada sa akin at saka sumigaw at akmang itatarak na sa akin kaya naman ipinikit ko nalang ang aking mga mata hinihintay na tumagos sa katawan ko ang matalim na espadang hawak niya. Bigla akong nagtaka ng ilang segundo na ang dumaan pero wala paring nangyayari. Nang buksan ko ang aking mga mata ay nakita kong nakahandusay na ang knight samantalang nakatayo sa likod niya si Cerl na may hawak na malaking kahoy.

"Are you just going to sit there and watch the knight who's now unconsciously lying in the cold floor?" Cerl said in sarcasm.

Sa kabila man ng galit na nararamdaman ko para sa kaniya ay hindi ako nagdalawang isip na magpasalamat sa ginawa niyang pagligtas sa akin. I owe him my life. Kung hindi dahil sa kaniya baka naglalakbay na ako ngayon sa paraiso. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. The word Thank You escaped from my lips.

"Azura! Cerl!" tawag sa amin nina Roux at Cole na kasalukuyang tumatakbo papalapit sa kinatatayuan namin.

"Okay lang ba kayo? May nasaktan ba sa inyo?" nag aalalang tanong ni Cole sa amin habang chinecheck kung may tama kami sa katawan.

"Yeah we're okay" pagkumpirma ni Cerl para hindi na sila mag alala sa lagay namin "By the way, did you bring a rope? We need to tie this knight."

"Oo heto" Cole handed the rope to Cerl at saka nila pinagtulungan na itali ang knight habang wala pa itong malay para hindi siya makatakas kapag nagising na siya.

Dahi sa kuryosidad na malaman kung sino ang mukha sa likod ng knight na nasa harapan namin ngayon ay napagpasyahan naming tanggalin ang kaniyang helmet (sallet). Laking gulat namin ng makilala kung sino ito. Siya lang naman ang security guard na nakaduty magmula umaga hanggang hapon kaya pala sobrang pamilyar ng boses niya.

Tumawag kami ng mga pulis para isama ang knight na nahuli namin sa presinto at saka medic narin para sa walang malay na security guard. Dumating naman sila kaagad para rumesponde. Naghintay pa nga kami ng ilang oras para antayin ang mga taong kausap ng knight kanina pero hindi sila dumating at nagpakita mukhang nalaman nila na nahuli na ang kausap nila kaya siguro hindi na sila sumipot.

Nagpasalamat sa amin ang mga pulis dahil nahuli namin si manong Rolando pero on the other hand ay sinermonan din nila kami dahil masyado raw delikado ang ginawa namin at dapat ay ipina-handle nalang namin ito sa mga pulis. Noong araw ding 'yun ay napag alaman naming mahigit mag-iisang buwan ng ginagawa ni Mr. Rolando ang pagbebenta ng drugs at pagtatago nito sa school. Kaya pala walang nag suspetsya sa kaniya noon ay dahil siya ang guard na naka-duty tuwing gabi at napalitan lang last last week. The Mystery of the Living Knight has put to end. Nabigyang linaw na ang lahat maliban sa kung sino ang pinagkukunan at pinagbebentahan ng droga ni Mr. Rolando. Hanggang ngayon ay pinaghahanap parin ng mga pulis ang mga tao sa likod ng transaksiyon na 'yun. Let's leave it to their capable hands.

🎼 C O D E P L A Y 🔎

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon