XLVIII : Friday the Thirteenth

451 30 1
                                    

─── A Z U R A ───

This is the day. The day that we are all afraid of. Sino nga ba namang hindi matatakot sa sikat na Friday the thirteenth? May movie pa nga ito. Sabi ng nakararami, malas daw ang araw na ito. Tulog daw ang diyos kapag ganitong araw kaya malayang nakakagala ang mga spirits kaya dapat daw mas malakas ang ating pananalig para hindi nila tayo magambala.

Takot din naman akong dumating ang araw na ito hindi dahil naniniwala ako sa sinasabi ng iba kundi dahil maaaring masiwalat ang natatagong sikreto ng mahal naming club. Mabuti na lamang at nalaman ko agad kung sino si Unknownimous bago pa dumating ang araw na ito.

Kung sa iba ay malas ang araw na ito kabaligtaran naman para sa amin. Ito ang pinakamaswerteng araw dahil nailigtas namin ang aming club at wala ng mangyayaring krimen sa buong campus. Ang mabalitaang wala na si Unknownimous dito at wala ng gagambala pa sa amin, 'yun na yata ang pinakamagandang balitang aking narinig.

Ipinihit ko ang door knob ng pinto ng aming clubroom. Ako lagi ang unang nagbubukas ng clubroom namin dahil late na dumarating ang mga kasama ko. Naupo ako sa sofa at kinuha ko ang aking wallet para tignan kung magkano nalang ang perang natitira sa allowance ko. Pagkahugot ko sa bente pesos na papel mula sa wallet ko ay hindi ko namalayang sumama pala ang limang pisong barya. Nahulog ito sa sahig at nagpagulong gulong pa papunta sa ilalim ng upuan na kaharap ng akin.

Itinabi ko muna ang hawak kong wallet at napakamot sa aking ulo. Tumayo ako at lumuhod sa upuan kung saan napunta ang limang piso ko. Mula sa maliit na espayong nasa pagitan ng upuan at ng sahig ay nailusot ko naman ang aking kamay. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at inilawan ang madilim na bahagi ng ilalim ng upuan para makita ko ang barya ko. Laking gulat ko ng hindi lang barya ang aking nakita kundi isang pamilyar na card. Parehas kong kinuha ang nahulog kong barya pati narin ang card na nasa malapit lang din naman.

Pinagpagan ko ang aking kamay dahil may mga sumamang sapot ng gagamba at alikabok. Ganun din ang ginawa ko sa barya at sa card. Ibinulsa ko ang limang piso ko. Tinignan ko ang pamilyar na card. Hindi ako nagkakamali, ito nga ang card na ipinapadala sa amin ni Unknownimous. Hindi ko mapigilang kabahan. Ano kaya ang laman ng card? Babatiin niya na ba kami ng congratulations dahil nalaman namin kung sino siya? Binuksan ko na ang card. Nanlaki ang mga mata ko ng makakita na naman ng panibagong code. What is this?

M S S N G
ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ

Alfa, Bravo, harlie, Dlta, Echo, Foxtrot, Golf, Hotel, Idia, Julitt, Kilo, Lima, Mike, November, Ocar, Papa, Quebec, Romeo, Sierra, ango, Uniform, Victor, Whiskey, X-ray, Yankee, Zulu

Alfa, Bravo, Charlie, Delta, Echo, Foxtrot, Golf, Hotel, India, Juliett, Kilo, Lima, Mike, November, Oscar, ap, Quebec, Romeo, ierra, Tango, Uniform, Victor, Whiskey, X-ray, Yankee, Zuu

lfa, Bravo, Charlie, Delta, Echo, Foxtrot, Gol, Hotel, ndia, Juliett, Kilo, Lima, Mike, ovember, Oscar, Papa, Quebec, Romeo, Sierra, Tango, Uniform, Victor, Whiskey, X-ray, Yankee, Zulu

-Unknownimous

Sa ganitong way ba niya kami balak batiin? Papasakitin niya muna ang mga ulo namin bago namin malaman ang gusto niyang sabihin? Biglang bumukas ang pinto kaya mabilis kong ibinulsa ang card na galing kay Unknownimous.

"You look surprise," puna ni Cerl. Kasama niyang pumasok si Cole.

"Anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Cole at saka niya isinara ang pinto.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon