XXIX : Atom and Luke

595 34 0
                                    

─── V I R I D I A N ───

Roux and I looked at the direction of Atom who muttered the word Unknownimous. Sabi na nga ba at siya na naman ang may pakana nito. Ano na naman bang binabalak niya?

"May itatanong pa ba kayo? Kung wala na, papasok na kami sa loob" sigang tanong ni Atom.

"Okay na, maraming salamat sa oras niyo" pasasalamat ni Roux sa dalawang students na pumasok na sa loob ng kanilang classroom.

Hindi paman kami nakakalayo sa classroom ng dalawang suspects namin ng bigla kaming makarinig ng sigaw.

"AAAAHHHHHH!!"

Nagmadali kaming pumunta pabalik sa classroom nina Atom at Luke dahil doon nagmumula ang sigaw ng isang babae. Pagdating namin doon ay nadatnan na naming nakahilata ang dalawang magkaibigan sa sahig. Parehas na nakadilat ang mga mata ng dalawa. Ngayon ay alam ko na ang rason kung bakit parang may halong pagkatakot kanina si Luke sa tuwing sumasagot siya sa mga tinatanong namin. Pinakatitigan ko ang dalawang bangkay para alam kong i-describe sa mga kasama namin kung ano ang itsura ng dalawang biktima. Walang duda iisa lang ang kilala kong may kayang gawin ito, its Unknownimous. Pinatay niya ang dalawa para wala na silang masabi pa sa amin. Ayaw niya talagang may nagbibigay ng hint about sa kaniya pati sa mga pinapagawa niya.

Habang hindi pa umeeksana ang mga pulis ay nilapitan ko ang dalawang bangkay. Lumuhod ako at inamoy ang kanilang bibig. It smells like almond. Walang duda it's a cyanide poisoning. Wala na akong pakialam kung may mga audience sa paligid. Kinalabit na ako ni Roux kaya naman tumayo na ako at lumakad papunta sa harap. Inutusan ko ang mga students na huwag lalapitan at gagalawin ang mga bangkay. Mabuti nalang at sumunod sila. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang mga pulis. Isinama na nila ang bangkay nina Atom at Luke at konordonan ang classroom para imbestigahan. Dahil narito pa kami, naging primary suspects tuloy kaming dalawa ni Roux sapagkat kami ang huling nakasama ng dalawa bago sila mabawian ng buhay. Maging ang mga kaklasi nila ay tinanong din ng mga pulis. Matapos ng konting interrogation ay pinalabas narin kami kaya bumalik kami sa aming clubroom para ipaalam sa kanila ang balita.

─── A Z U R A ───

Nang bumalik sa clubroom sina Roux at Viridian ay ipinaalam nila sa amin ang isang balita. Pagkatapos daw kasi nilang interview-hin ang dalawang estudyante ay hindi pa sila nakakalayo sa classroom ng mga ito ng makarinig sila ng malakas na sigaw kaya bumalik sila at nadatnan na nilang nakahandusay ang mga ito sa malamig na sahig at nakadilat ang mga mata. Amoy almond din daw ang bibig ng dalawa kaya confirmed na cyanide poisoning ang dahilan ng kanilang pagkamatay.

"So sa tingin niyo ang kasong ito ay connected kay Anonymous?" tanong ni Cerl sabay inom ng iced coffee na hawak niya.

"Siya lang naman ang nakikita naming may motibo para patayin ang dalawang 'yun. Siguro'y masyado ng naging madaldal ang dalawa kaya pinatahimik niya" katwiran ni Viridian.

"Maaaring ganoon nga ang rason kung bakit sila pinatay" komento ko naman habang tumatango.

"Amoy almond ang bibig ng mga biktima hindi ba? Then it's a cyanide poisoning" sabi ni Cole na kasalukuyang nakalumbaba.

"May napansin ba kayong kinain o ininom ng mga biktima bago niyo sila kausapin o kaya naman ay nung matapos niyo silang tanungin?" Sienna asked to Roux and Viridian.

"Ngumunguya ng chewing gum si Atom tapos si Luke wala naman siyang kinain o ininom maliban sa pagpupunas niya ng pawis gamit ang kaniyang panyo" paglalahad ni Roux habang nakahawak ito sa kaniyang baba.

"Mabuti pa magsimula na tayong mag imbestiga" yaya ko ng biglang humirit si Cole.

"Ano kaya kung gawin natin itong match? 3 vs 3. Kung sino ang makakuha ng tamang theory sa krimen na ito sila ang panalo at may mga dare silang ipapagawa sa matatalong group. Ano, agree ba kayo?" bagong pakulo ni Cole.

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon