IX : The Case of the Stolen Book (Last Part)

773 45 2
                                    

─── A Z U R A ───

"How did you come up with this answer?" Sienna queried curiously.

"She looked at the clock just like what she said" Cerl replied nonchalantly. Kakarating lang niya dahil kakabukas lang din ng pinto. Naupo siya sa bakanteng couch at nag cellphone na para bang wala kaming pinag uusapang importante dito.

Hindi nalang namin siya pinansin at nagpatuloy kami sa aming pinag uusapan. Nag drawing ako ng clock sa notebook ko na kung saan nakaturo ang mga kamay nito sa oras na 9:00 🕘, 11:05 🕰, 6:00 🕕 at 3:00 🕒.

"Kung titignan niyo ng mabuti ang mga kamay ng orasan may mabubuo kayong mga letters dito. Sa oras na 9:00 🕘, letter L na pabaliktad ang makikita mo at ang kahawig lang na letter nito ay J. Ganoon din sa oras na 11:05 🕰 na letter V, 6:00 🕕 letter I at 3:00 🕒 letter L. Ang mga 00 sa mga pagitan ng mga numbers indicates space" pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Isa lang ang may ganyang initials sa mga suspects natin. Does it mean na siya na ang hinahanap nating culprit?"

After class ng masiguro naming wala ng mga students sa paligid ay ipinatawag na namin ang tatlong suspects sa library para i-reveal kung sino ang may kagagawan ng pangyayaring ito at ng magkaalaman na. Nakaupo ang tatlo kasama ang librarian. Dahil hindi kami pwedeng magpakita baka mamukhaan nila kami ay ginamit namin ang hacking skills ni Cole. May maliit na speaker sa loob ng library 'yun ang nagsilbing bibig namin at ang mga cctv camera naman ang nagsilbing mga mata namin. Nag imbita rin kami ng mga pulis na nakabantay sa loob para walang takas ang culprit.

"Hindi ko na papatagalin pa ang paghihintay ninyo, ngayon ding oras na ito ay malalaman niyo na kung sino ang nagnakaw ng golden book" Cerl started. Nakita namin ang pagkabahala sa mga mukha ng suspects. Tumitingin sila sa paligid marahil ay hinahanap nila kung nasaan kami.

"Ang nagnakaw ng librong pinaka-iniingatan ng school ay ikaw" Cerl paused for a second then went on "Jessica Austria" he said in a serious tone. Nakuha niya ng tama ang pangalan ni Jessica. Should we give him a round of applause with matching standing ovation?

Gulat na napatingin ang dalawang students pati narin ang librarian kay Jessica na ngayo'y nakayuko. Hindi siguro sila makapaniwala na ang tahimik na si Jessica ang may pakana ng pangyayaring ito. Nakikita naming nagsasalita ang iba pang suspects pero hindi namin maintindihan but thanks to Roux' lip reading ability nalalaman namin ang sinasabi nila.

"Totoo ang lahat ng sinabi mo ng interview-hin ka ng mga student council pero may inilihim ka. Hindi totoong tinawagan ka ng kaibigan mo ng mga oras na 'yun dahil ang totoo tinawagan mo ang sarili mo. Dual sim ang cellphone mo kaya gamit ang isa mo pang sim dinial mo ang isa mong number. We asked your friend if she called you that time at ang sagot niya ay hindi. Lumabas ka kaagad para magmasid sa labas at maghintay kung kailan mo pweding isagawa ang plano mo. Nang tumunog ang bell ay napansin mong wala ng mga students na nakatambay sa library at nag cr ang librarian kaya naman nagmadali kang pumasok at isinagawa ang balak mong pagnanakaw. Kilala ka ng mga kaklasi mo bilang isang lock master kaya sisiw lang sayo ang pagbubukas ng padlock kahit na may password ito. Sa pagkagulat mo ng marinig mong patapos ng mag cr ang librarian ay inihagis mo ang hawak mong padlock at sakto naman itong naglanding sa itaas ng shelf malapit sa lalagyanan ng case. Akala mo kasi ay hindi makikita ang padlock sa taas niyon dahil wala nga namang makakapansin. Sa takot rin na maaaring madetect ng fingerprint mo sa case ay pinunasan mo ito. Kung ipapa-check ang basahan na malapit sa case ay makikita ang fingerprints mo rito. Sa loob ng limang minuto ay nakuha mong magawa ang plano mo. Para hindi makita ng mga kaklasi mo o ng kahit sinuman ang aklat ay itinago mo ito sa bag mo at ibinalot sa manila paper para hindi paghinalaan ng guwardya kapag chineck niya ang bag mo. Confirmed na nag cutting classes ka ng two subjects at pumasok ng third subject which is around 10 am. Nagpalusot ka na masakit ang tiyan mo kaya kailangan mong umuwi at bumalik din dahil baka pagsuspetyahan ka kapag hindi ka pumasok. Sinubukan mo kaming iligaw para mapunta sa iba ang suspetsa namin sa pamamagitan ng pag iwan ng code sa isang book sa library. Nang i-crack namin 'yun ay ang initials ni Jayvee Iglesias ang nakasulat. Bumalik ka sa library ng nakadisguise para tignan kung naroon pa ang card na iniwan mo pero nakita mong may iba ng nakakita nito at para hindi masabotahe ang plano mo kunwari mo siyang binunggo para maitapon niya ang card. Magtatagumpay na sana ang plano mo kung hindi mo lang iniwan ang padlock sa itaas ng bookshelf at iniba mo sana ang handwriting mo. Hindi bat tama ang lahat ng sinabi ko?" mahabang pagsisiwalat ni Cerl sa ginawang krimen ni Jessica.

Napasubsob sa kaniyang palad si Jessica. She burst into tears. Nakakaawa kung titignan dahil mukhang hindi naman siya ang tipo ng estudyante na gagawa ng ganitong klase ng krimen.

"Gusto niyo rin bang malaman kung ano ang rason niya? Naisipan mong nakawin ang aklat para mapyansahan ang papa mong naframe up kaya nakulong. Dahil wala rin kayong sapat na pera at awang awa ka na sa nanay mo ay naisipan mong gumawa ng paraan. Hindi niyo na makayanan na makita pang pinapahirapan ang papa mo sa kulungan kaya naman as much as possible you take action" dagdag ni Cerl. Mukhang hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya kanina at nais niya pang ipaalam ang mga nalalaman niya.

Konti nalang ay mapapanganga na ako sa naging deduction show ni Cerl. Para siyang totoong detective sa ginagawa niya pero nagtataka ako kung papaano niya nalaman ang lahat ng iyon.

Nilapitan ng mga pulis si Jessica at saka tinanong siya kung totoo ang lahat ng sinabi ni Cerl. Tumango siya at sumuko sa mga police. There's no point of escaping rin naman dahil kung magdedeny pa siya wala narin namang magbabago dahil alam na ng lahat ang ginawa niya. In-escort-an na siya ng mga pulis at pinosasan ang kaniyang mga kamay. Lumabas na sila ng library at doon na natapos ang deduction show namin para sa araw na ito.

Hindi maipinta ang kasiyahang nararamdaman namin ngayon lalo na't nalutas namin ang kasong ito. Naging successful ang ginawa naming pag iimbestiga. The case of the stolen book is now solved and ended.

Matapos ng ginawa naming pag-unveil sa culprit ay umuwi na kami kasabay ng iba pang mga members ng ibang club. Napag isipan kong maglakad nalang dahil naiwan ko ang bike ko sa bahay. We parted ways dahil hindi naman kami pare-pareho ng daan pauwi.

"Your shoelaces aren't tied" bulong sa akin ni Cerl at nangunang lumakad.

Napatingin ako sa suot kong sapatos and I remember na black shoes ang suot ko at wala 'yung sintas. He's joking, isn't he? Nagmadali akong lumakad para mahabol siya.

"Dito rin ba ang daan papuntang bahay ninyo? I can't remember you walking this way" I asked him. Hindi ko pa siya nakitang naglakad sa rutang ito kaya I doubt na taga-rito siya.

"You have some questions in your mind, c'mon spill it" he divert the topic. Sinabi narin naman niya ang tungkol doon kaya naman nagtanong na ako.

"How did you know that she is the culprit and not the boy?" I asked curiously. Kanina ko pa kasi gustong magtanong sa kaniya.

"Nag imbestiga ulit ako kaninang umaga by my own. Tinanong ko ang mga kaklasi ng tatlong suspects kaya nagkaroon ako ng konting idea about sa kanila. Ganoon din kay manong guard kaya nalaman kong ibinalot ni Cheska ang aklat sa manila paper dahil napansin ito nung guard. Pinanood ko rin ang mga cctv cameras na nakalagay sa may malapit sa library at nakita ko siya na nakatambay malapit doon. Doon naman sa card, nagpunta ako sa library at hinanap ko kung saan banda nahulog 'yun and luckily nakuha ko naman. Doon ko napansin na even though lalaki ang pangalan na nakasulat doon ay mukhang babae ang handwriting nito. Hindi niyo nakita kahapon ang padlock dahil nakuha ko na ito at pinaexamine ko na sa mga pulis. May gusto ka pa bang malaman?" he asked in a boring tone.

That explains why he knew a lot about the case. He investigate thoroughly about it. Ngayon lang ako na-impressed sa kaniya akala ko kasi hindi siya seryoso pagdating sa mga ganitong bagay.

"One more thing, why are you heading this way?" nagtataka kong tanong but he didn't reply anymore.

Nang malapit na ako sa bahay namin ay nakita kong nasa labas si lola. Nagwawalis sa may tapat ng bahay namin. Kaagad ko siyang nilapitan at nagmano.

"Bakit naman po kayo nagwawalis 'la? Gabi na po. Magpahinga na po kayo, ako nalang po ang gagawa niyan" nag aalalang sabi ko kay lola. Ayoko kasi siyang nakikitang napapagod lalo na't may edad na siya. She needs to rest.

"Naku okay lang ako apo. Bakit ngayon ka lang?" tanong ni lola na sasagutin ko na sana kaso bigla siyang nagsalita ulit,
"Oh, kasama mo pala ang bago nating kapitbahay" sabi niya ng nakatingin sa kasama ko and it's none other than Cerl.

Kumunot ang noo ko sa sinabing iyon ni lola. Eh? Kapitbahay? Tumingin ako ng may pagtataka kay Cerl na ngayo'y nakangiti.

"Magandang gabi po lola" bati niya sabay mano kay lola.

Si Cerl, kapitbahay namin? What? Kelan pa?

🎼 C O D E P L A Y 🔎

CODEPLAY | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon